Chapter 76

365 5 6
                                    


Evah's POV

"Evah let's go may photoshoot tayo ngayon ng wedding gowns sa Villafuerte Resorts sumama ka sa Akin ngayon" sabi ni Manager Verah sa akin

May tatlong buwan na rin ang lumipas  nung manganak ako at higit sa lahat inaasakaso na ni Jalri yung kasal namin

Di pa man namin mapagdesisyunan yung exact day ay sure na ako na papakasalan ko na siya

Nagmamadali kami ngayon na sumakay sa Van nakita ko yung mga make up artist ko pati ang stylists ko na aayusan ako sa photoshoot ko

Matagal tagal na rin akong di nakakapag ayos ng ganito at ito ang magiging unang labas ko sa media bilang pagkatapos kong manganak

Pero wedding gowns daw ang peg nung photoshoot bakit naman kaya?

I know malapit na kaming ikasal ni Jalri pero malayo pa siguro yun

"Manager Verah yung mga baby ko naiwan ko sila kina Ninang sa mansion di ko ba sila pwede ng dalhin?" Tanong ko

Ngumiti si Ate Verah sa akin

"They are safe with tita And Tito wala ka bang tiwala sa kanila?we are in a hurry kaya bilisan mo na diyan kailangan maayusan ka ng maganda " sabi ni Manager Verah habang busy naman yung mga make up artist ko at stylists sa pag aayos sa akin

****

"Were here" sabi ni Manager Verah

Nakarating din kami sa Montenegro resort malawak yun mukha Talagang pwedeng  ganapan ng isang wedding...
beach wedding naalala ko nun ang lagi kong wish kapag nagsusulat  ako sa diary ko ay sana ikasal ako sa may tabi ng beach

"Evah let's go isusuot mo na yung wedding gown para sa photoshoot mo" sabi ni Manager Verah

...

Ilang minuto din ang itinagal ng pag isusuot sa akin ng damit na yun

Masyado kasing revealing ang bandang likuran ko...at higit sa lahat hubog na hubog ang korte ng katawan ko lalo na sa may bandang dibdib mabuti na lang at wala akong bilbil at kung ano man sa katawan ko

Aakalain ko na baka maging mataba ako pagkatapos kong manganak pero hindi pala

I'm as sexy as before... Hmmm siguro kung nandito si  Jalri ngayon sa set ng photoshoot ko maglalaway yun...Ewan ko lang sa kanya

Nakita ko kung saan ang gaganapan ng photoshoot maganda yun

May mga hanging leaves dun at higit sa lahat pink ang kulay ng mga ugat nun

Ang Ganda talaga ...

"Manager nasaan na yung photographer?" Tanong ko

Nakapalibot lang kasi ang ilaw ng Camera sa akin pati na yung camera

May red carpet kasi ang nakalatag dun na kung sakaling lakaran mo ay parang papunta palabas ng tabi ng dalampasigan

Nagtaka din ako sa amplifier na nasa gilid ng bawat dadadaanan

Hmmmp siguro after ng photoshoot ko ay may hahanapin na kasal dito

"Evah siguro diretsuhin mo lang ang paglakad diyan sa red carpet na iyan dun kasi mismo ang lugar kung saan tayo magsisimula... Mauna ka na" sabi ni Manager Verah sa akin. Kaya sumunod lang ako at naglakad na

Pero sa gitna ng paglalakad ko ay biglang nag play ng malakas yung song  na nang galing sa amplifier ng resort

Siguro sinusubukan lang nila...pero tuloy tuloy yung kanta

Beautiful In White-Westlife(Shane Filan)

~Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak~

The Falling Trap(Montes Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon