Chapter 30: Forgiveness

30 17 1
                                    

Hadley's POV:
Hays...nakahinga rin ng maluwag! Whoo! Hindi rin pala nakakapagsisi na pumunta ako ngayon dito para makipagusap kay Zeigfred. At least nalaman ko na lahat lahat ng kwento. Pero nung nalaman ko na ang lahat ay parang gusto kong bawiin ang lahat ng hinanakit ko sa kanya, pero hindi yun pwede. Hindi ko pwedeng ipagpakumbaba ang ego ko. Binaba ko na nga noon, ibaba ko pa ba ngayon? I need to stick on what my decisions are.

Magsisimula ulit kami from where it all began. Mula sa strangers, papuntang friends then best friends. Pero I think hindi na maslalayo pa ang samahan namin sa pagiging magbest friends. Ayoko nang masaktan. Siguro time ko na rin namang tanggapin na kahit sinabi nya na ang totoong dahilan na kinailangan nyang makipag break sa akin ay wala na talaga. Isang taon na rin naman ang nakalipas, siguro isang taon na rin ang pagkatanggap ko sa lahat ng nangyari.

"Uhmm...Hadley? Gusto mo lumabas?" Natauhan na lang ako bigla nang magsalita sya. "Ahh...sge. Free naman ako ngayon, pero mga hanggang 8:30 pm lang ako 'a"

"Sge no problem. San mo ba gusto pumunta?"

"Sa park na lang na malapit dito" Nakangiting tumango ito at niyaya na ako papalabas ng cafe. Wala pa ring nagbago sa mga ngiti nya, napakainosenteng tingnan. Nakakapagtaka lang ay...dati apektado ako sa mga ngiti nyang katulad nyan, pero ngayon ay parang nagiginhawaan lang ako dahil nagkaayos na kami. Siguro nga...okay na ang sarili ko sa kanya.

Nandito na kami sa park at naglalakad lakad, hanggang sa madaanan namin ang nagtitinda ng dirty ice cream. "Diba favorite mo yun? Tara bili tayo! Tamang tama, I'm craving for some ice cream" Natawa naman ako sa inasta nito. Para kasi syang bata.

Nakabili na kami ng dirty ice cream at ngayon ay nakaupo sa isang bench. Masarap ang simoy ng hangin, maraming mga tao ang naglalakad at maraming magagandang kulay ang nakapaligid. Hays...nakakarelax talaga yung araw na 'to.

Papikit na ako ng biglang magsalita si Zeigfred. "Sorry sa lahat Hadley, ha. I know I've caused a lot of pain to you, that's why I want to make up to you"

Hays..bat ba sya umaasta ng ganito ngayon. Kung kelan nakakarelax na ako ng husto. "Hmm..panira ka ng moment 'no? Ang nageenjoy na ako sa simoy ng hangin dito 'e!"

Natawa na lang sya sa sinabi ko. "Alam mo Zeigfred, let's just forget about what happened in the past. Kaya nga nagsimula uli tayo bilang strangers to friends 'diba? Yung mga nangyari sa past at kung ano man ang mga naging koneksyon natin noon, kalimutan na natin yun. Nalaman ko na naman ang explanation mo kaya...okay na yun. Hindi naman ako madamot sa pasensya."

"Sorry na! Tao lang naman ako 'e" Pagkasabi nya nito ay ginulo nito ang buhok ko. Parang yung dating ginagawa nya sa akin.

"Sana Hadley magtuloy tuloy na ang pagiging ganito natin. Sana rin masabi mo na sa mga kaibigan mo, especially kay James na okay na tayo. Na hindi ko na gagawin ang nagawa ko noon" pagkukumbinsi nya sa akin. "Oo, ako ng bahala"

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano at hindi ko na namalayan na 8:30 pm na. "Sge una na ako Zeigfred. May pasok pa bukas 'e"

"Gusto mo hatid na kita?"

"Wag na, kaya ko na namang ang sarili ko. Umuwi ka na rin" Tanging tango na lang ang isinagot nito. At bago pa man ako tumalikod ay hinigit nya ang braso ko at niyakap ako. "Anong ginagawa mo?"

"Just give this moment for me, could you? Just please let me hug you for at least 2 minutes" Wala akong ibang choice kundi yumakap na lang pabalik. Naramdaman ko naman humigpit ang yakap nito at hinaplos haplos ang aking buhok.

"Na miss talaga kita Hadley. Thank you for accepting me again" bulong nito sa akin sabay kalas sa pagkakayakap. Ngumiti na lang ako at nagpaalam na para umuwi.

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon