Nagising ako na nasa tabi ko si Kien.
"Hoy Tien general practice niyo ngayon. Bangon ka na diyan" huwaaat?! Bigla akong napabangon sa sinabi niya. Nagulat rin siya noong biglaang napaupo ako.
Argh! Palagi na lang ba akong magmamadali? Di na ako kumain at dumiretso na ako sa event center para sa general practice namin.
Nandoon na sila Adrian at kuya Justine. Nagse-set up na rin sila para sa recital na magaganap mamayang gabi.
Nagpractice lang kami ng nagpractice at napansin ko yung isang nag-gigitara na kanina pa libot ng libot sa stage. Nakakatawa lang siya.
"ma'am paano po pag nagkamali ako?" naiiyak na sambit ko. Kinakabahan kasi ako para sa performance ko mamayang gabi eh.
"Ayos lang yan Tien. First time mo pa lang naman eh" pagpapagaan ng loob ni ma'am. Kaso lang takot kasi akong magkamali dahil alam ko na kahit na maliit o malaki, konti o maraming pagkakamali ay may masisira. At sa sitwasyon ko ngayon, alam ko na kapag nagkamali ako kahit na isang maling pindot lang sa isang key ay maaari ng masira ang performance ko.
Parang sa panahon ngayon, kapag nakagawa ka ng maliit na pagkakamali ay yun kaagad ang mapapansin nila at hindi yung mga tamang nagawa mo.
"Sige na magpractice ka na lang" ginawa ko ang sinabi ni ma'am. Nagpractice ako ng mabuti para mamaya ay hindi ako magkamali.
Dumating ang gabi. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang recital. Nasa kwarto ako ngayon at nakatitig lang sa aking itim na bestida.
Kinatok na ako ng maid namin at sinabing magbihis na raw ako dahil ako na lang ang hinihintay.
Isinuot ko na ang aking bestida. Above the knee siya at labas balikat pero hindi off shoulder. Isinuot ko na rin ang black wedge ko. Semi-formal kasi kami.
Pumunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang recital at medyo marami ng tao. Pumwesto kami sa may gitna upang mas makita namin ang stage. Ayaw rin kasi ni mama na nasa harap kami dahil doon naka harap ang speaker.
Nagsimula na ang program at naunang nagperform yung nga bata kong kaklase.
Di ako nagstay sa table namin at doon ako nagstay sa gilid ng stage dahil nandoon ang banda. Habang tumutugtog ang ibang kasama sa banda ay naiwan ako kasama sila kuya Dan, Brent at ate Sheva.
"Ang galing talaga kumanta ni babe ko" narinig kong sabi nj kuya Dan. Di naman umimik si ate Sheva at Brent. Ang tinutukoy niyang babe ay si ate Crizzel.
Vocalist sina ate Crizzel, ate Sheva at kuya Dan. Drummer naman sina Brent at kuya Justine. Multi-talented si kuya Justine dahil alam niyang tumugtog gamit ang gitara, drums, base at piano. Bassist naman si Adrian pero alam niya rin mag gitara. Gitarista si kuya Kairo pero alam niya ring gamitin ang bass, piano at drums.
"Babe ka ba?" pambabara ko kay kuya Dan. Close ko na kasi siya. Sa banda, ang close ko lang ay sila kuya Justine, Kuya Dan, ate Crizzel, at ate Sheva. Di ko masyadong close si Adrian, Brent at Kuya Kairo.
"Daming alam Eztien ha. Psh sunod ka na. Kabahan ka na. Bleeh" napaka childish talaga niya. So ayun, susunod na nga talaga ako dahil tapos na si Avril.
Tinugtog ko ang Can't Help Falling Inlove ni Elvis Presley at Perfect ni Ed Sheeran. Medyo nagkamali ako sa CHFI pero maayos naman ang flow.
"Magaling ka pala Tien eh" pamumuri ni kuya Dan. Psh. Nanggu-good time na naman siya. Hays. Mali na naman huhu.
"Edi wow kuya Dan. Pero grabe di ako kinabahan pero nung nagkamali ako, wala na. Finish na" inalo na lang nila ako. Medyo mababaw kasi ako na tao.
May last performer pa at gitara ang tutugtugin niya kaya naiwan sa left side ko si Kuya Kairo at right side ko naman si Brent. Ones seat apart ayos namin. Bali naiwan ako sa mga taong di ko close.
Napansin kong medyo nahihirapan siyang huminga na mukhang nasusuka na naiiyak na di ko maintindihan.
"uy kuya Kairo ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Concern talaga ako kasi para talaga siyang nahihirapan na di ko maintindihan eh.
Tumango lang siya at ngumiti ng konti.
"Di ka nagsisinungaling?" at isang tango na naman ang natanggap kong sagot galing sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa backstage.
Ano kayang nangyari dun? Natapos na ang kanta at nagsalita na si ma'am. Di na rin ako nakinig kasi nakipagkwentuhan ako sa banda hanggang sa dumating si kuya Kairo.
"Kuya Kairo ayos ka na talaga" as usual, tango at simpleng ngiti lang.
Natapos ang recital na masaya. Masaya ako kasi tapos na ang lahat.
Dumaan ang ilang araw at nakita ko si ate Crizzel sa plaza. Nakipagkwentuhan ako sa kanya at may nasabi akong sikretong nakakahiyang aminin.
"alam mo ba ate Crizzel na may crush ako sa banda niyo" yan lang naman. Kilala ko siya at sasabihin niya talaga to sa banda.
"sino? Si kuya Dan?" umiling ako. Tinanong ko siya kung hindi niya ito ipagkakalat at hindi raw.
"si Adrian. Ang cute niya kasi eh" nakita ko yung cellphone niya na nakaharap sa akin at nasa may baba ng bag niya kaya di ko napansin. Napfacepalm naman ako dahil sa katangahan ko.
May tiwala naman ako sa kanya eh. Matapos kong makipagchickahan ay umuwi ako at nagscroll sa facebook.
Ang boring ng facebook ko. Biglang nag beep ang messenger ko at may lumabas na chat head. Nagulat ako dahil group chat ito ng banda.
Teka teka... Bakit nandito pangalan ko? At what? Adtien? Wtf? Waaaaah bakit sinabi ni ate Crizzel yun? Wala na. Alam na niya.
Ako:
Bakit mo sinabi ate Crizzel?Crizzel:
May sinabi ba ako?
Wala kaya.Kairo:
AdTien ayiee hahaha
@adrian iwan mo na
Yung M. U mo hahahaAyaw ko naaaaa. Bakit ganito sila? Ayoko na. Di ko na siya crush.
Nakatulala ako ngayon sa harap ng tv kahit na di nakabukas habang kumakain ng double dutch.
"Hoy para kang baliw diyan sa harap ng tv. Ano yan? Pinapanood mo yung reflection mo sa tv?" tanong ni Kien. Ano na naman bang problema nito sa buhay?
"Wala kang pake okay? Mind your own business, will you?..." iniwan ko na siya pero lumingon akong muli at sinabing...
"Ang pangit mo Kien" at tuluyan na akong umalis sa living room.
______________________________________Vote