Grounded ka! [one-shot]

3K 77 27
                                    

Hi mga wattpad readers.

Nagawa ko tong short story 'nung nagcrave ako sa tempura at siomai. Hehehehe

hi miss ImMjane (^___^).

free to [comment and vote] *o*

no softcopies to be distributed without the permission from the author.

All rights reserved © August 2014

written by TheAlienMind

================================================

~Viem's POV~

"Ang sarap talaga nitong tempura mo Viem" Oo masarap naman talaga kapag libre Clark.tss

(—-__—)

Isa ka talagang wobuffet sa paningin ko Clark (isang pokemon na palaging kumakain). Paborito ko yang tempura at pera ko lang ang pambili diyan. Tapos isang wobuffet lang ang uubos.

Feeling close kasi eh, 8years na kasi kaming magkaibigan. Bagong lipat lang sila nung nakita niya akong kumakain ng tempura. Kaya ayun parati siyang nilulutuan ni mama at alam niya na paboritio ko yun kaya sinabi din niyang paborito na daw niya kasi paborito ko daw. Tss. Gaya-gaya ang wobuffet.

"HOY! WOBUFFET KUNTING-KUNTI NALANG AT IKAW NA ANG KAKAININ KO!" Talagang na iinis na ako. Ang kunti lang ng kinain ko tapos pera ko ang binili niyan. Siya lang ang uubos.Inipunan ko kaya ang pambili kahit maraming babayarin sa school. Aaaaahhhhh! nakaka-asar.

"Oy! pwedeng-pwede Viem anytime, anywhere basta ikaw. At tsaka alam ko naman na matagal mo na akong pinagnanasaan sa paningin mo" Woooohh! ang hangin ata dito. Maka dala ng hangin dito wagas wobuffet liliparin tayo ngayon.

Kapal talaga ng mukha nito. Baka sa sobrang katakawan nagiging utak tempura na siya.Tss.Kunting- kunti nalang malapit na talaga kumukulo ang mantika ko sa kanya.

"Umayos ka nga wobuffet.Tempura ang pinag-uusapan natin dito huwag mong ibahin" Ilang  Degree Celsius nalang ok na ang mantika ko sayo talaga. Boil na boil na. priprituhin na kita wobuffet.

"Ano ka ba! Viem diyan naman pupun—— ARAAAY!!! Ano ba! Viem. Bakit mo ako binatukan?" Kung Ano-ano ang pinagsasabi. (—-__—)

"UTAK TEMPURA KANA KASI. PWEDE BA MAGTINO KA NGA." Huhuhu! Papa Jesus kumukulo na po ang mantika. Gagawin ko na po ba?

TT_TT

****

Salamat naman at mataas ang kuha ko sa quiz kanina sa English. Pero kung saan malakas ka diyan hirap naman sa Math.  Oy pero kinaya ko naman no.  (*__^)

Uwian na ngayon. Maganda talaga ang araw ko ngayon (^____^). Labasan na at kasama ko ngayon ang kaibigan kong si Glecel. Kausap niya sa phone ang kasintahan niya.

"Oy! sorry Viem hindi kita masamahan kumain ngayon.Muntik ko na makalimutan may date pala kami ng boyfriend ko". Nagnod lang ako kay Glecel.Ok lang naman sa akin, wala naman samaan ng loob noh hahaha. Bestfriend ko kaya yan. Naghiwalay na kami ng daanan palabas ng school campus.

Mag-isa ako ngayong namamasyal sa park. Bumili na rin ako ng tempura. Naka-upo ako ngayon sa bench habang tinatanaw ang mga couples na naglalambingan na dumadaan. Maganda kasi ang view dito kahit single ka! ok dito. Ang sweet naman, marami na akong nakikitang couples dito. Ng may napansin ako (O_____O).

"Teka, si wobuffet yan ah!" .Ang harot lang niya ha! 

Sino naman kaya yang kasama niya. Ang ganda naman niya parang siyang model. Naka akbay si wobuffet sa kanya at ang babae ay nakakapit sa braso ni wobuffet. Sege sila na ang sweeet. tss! (——_——-).

Grounded ka [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon