L.A. 5.2
(SANDY'S POV)
( ?.? ) Bakit??? Sila??
kumuha kami Ma'am Miki ng tuwalya at ibinigay namin sa kanila. Pumnta kami sa panuluyan sa resort na yun.
Lumayo kami sa dalawang lalaki habang kausap sila ni Ma'am Miki
"parang may mali?" bulong ni Tristan. Napatingin ako sa kanila. Anong mali? Pinagmasdan ko sila. Oo nga!? Parang may kung anong parehas sa dalawang lalaki. Maliban sa parehas silang naka-uniform. Mayroong pulang panyo sa binti nila.
May posibilidad na nagkataon lang yun pero sa mga oras na toh... ang mga kakaiba nagiging kahinahinala.
Ayyyy may ibibigay nga pala ako sa taong toh. Dala ko ba yung hour glass. Ibinigay ko sa kanya yan na patago.
"Oyyy! Salamat sa biik... ito naman pala yung sayo" sabi ko at ipinakita sa kanya yung ibibigay ko. "1... 2... 3... 4... 5... sakto di ba?! Sayo na yan!" sabi ko. Biglang lumapit si Darren sa amin at kaagad kong inilagay sa bulsa nya yun.
"Sa tingin mo... parang may gusto silang..." di na natuloy nasabi ni Darren. Dahil tinawag ako agad ni Ma'am Miki. Na una ng lumapit si Ma'am Miki sa akin.
"sakyan mo lang sila..." sabi ni Ma'am. Ano raw?! (=___=) Nuh ba yan! Alam naman ni Ma'am na mahina ako sa mga ganon usapin eh. Lumapit kaming apat sa dalawang lalaki. Habang ang dalawang lalaki naman ay nakatingin sa amin.
"Ahhhh ( =___=)" panimula ko. Ano ba sasabihin ko? Wala akong maisip eh?! "( ^_^ ) Kumusta!!!! Ano?! Pano kayo na punta dun?" tanong ko.
"hindi namin alam eh?! Basta pagkagising na lang namin nandoon na kami" paliwanag ng isa. Ano?! Pagkagising? Dun ba kayo natulog ahhh?
"nandoon? Wala ba talaga kayong maalala?" tanong ko. Habang inaabangan yung sagot nila.
"totoo bang hindi nyo alam... baka ayaw nyo lang sabihin?" sabi ni June. Toh talaga gusto ng away eh noh?! "o baka ayaw nyo lang mag salita??? Sigurado kang hindi mo alam kung anong nangyare? Ha?!" asar na sabi ni June. Talaga naman walang pasyensya eh noh?!
(TRISTAN'S POV)
"Tristan at Darren... Hayaan nyo lang silang dalawa ni Sandy at June.... Pumunta kayo sa lugar kung saan nyo sila nakita. Mag imbestiga rin kayo dun... mga impormasyon lang para sa dalawang yan... sasamahan ko kayo" sabi ni Ma'am Miki. Lumabas muna kaming tatlo at hinayaang libangin ang dalawang yun.
"Tristan... mukhang nakakahalata ka rin sa dalawang yun. Alam nan i Sandy ang gagawin napansin din nya yung kakaiba sa dalawang lalaking yun. Ang problema na lang ang ebedensya para malaman kung sino sila" sabi ni Ma'am Miki. Kung gayun... kailangan na naming bilisan.
Para sa paiimbistiga...
May apat kaming kailangan talaga... ang Crime scene kung saan ginawa ang krimen, witnesses yun yung mga taong nakakita sa pangyayare... Evidence yun yung mga bagay na nakakatulong para malaman yung mga totoong pangyayare at swerte.
Pumunta kami sa lugar na yun.dahil sa lakas ng alon at taas na ng tubig hindi na namin Makita yung bato na pinagtalian sa dalawang yun.
"Ma'am sisisid kami" ang sabi ko. Pinayagan kami ni Ma'am Miki na sumisid.
Sa Pagsisid namin... nakapa namin yung lubid na ginamit pang tali nakabuhol pa dun. Tinanggal namin yun. Pagkaahon ko sa tubig...
"Teka?! Nasan si Darren?" tanong sa akin ni Ma'am Miki. Tiningnan ko yung lugar na yun. May nakita akong bula. Yun yung paghinga sa ilalim ni Darren. Lumusong uli ako at tinulungan sya. Dinala ko sya sa pangpang.
BINABASA MO ANG
LiveD Academy: DeviL's Grip (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIsang academy na maraming guild ang nabuo. Kung saan, pinaglalaruan sila ni DeviL. Sa devil's game, kung saan wala kang kawala, kailangan mong tapusin ang laro. Ang L.A. unit na binubuo nila Tristan, Sandy, Darren at June. Sila ang itinalaga na grup...