Pangyayari sa nakaraan....
Uwian na at kasama ko ngayon ang aking kaibigan ngayon ni si Riadette o Ria for short. Half day at hindi ko alam kung bakit. Naiinis din ako kasi actually, ayoko pa talagang umuwi. Hanggang ngayon kasi wala pang internet sa bahay at supah boring lang don. Wala akong gagawin kundi ang mag linis lang ng bahay at kwarto. Eh syempre ayaw ko naman ng ganon.
"Riaaaa. Dito muna tayo sa guard house. Ayoko pa umuwiiiiii!!!"
"Hays. Oo na. Hihintayin ko na lang dito ang sevice ko. *smiles*" Commuter lang kasi ako na dati ay may service. Nakakasawa na din kasi sa service ko kasi medyo bully ang mga ka service ko, pero after all, masaya parin naman silang kasama. Puro tawanan. Minsan, sumosobra lang talaga.
Napatingin ako kay Ria nung kinalabit niya ako. "Ynette, ayun si Andrice oh."
Si Andrice. Manliligaw siya ni Ria. Matagal na niyang nililigawan si Ria pero hanggang ngayon hindi parin siya niito pinapansin. Luka naman kasi si Ria. Medyo pakipot. Pero kung sa bagay, naiintindihan ko naman. Dalagang Pilipina yan eh. Hahaha!
Gwapo si Andrice. Hindi naman sobra pero masasabi mong may itsura siya. Matangos na ilong, makinis na balata, magagandang mata yun nga lang hindi pantay. Para siyang laging malungkot na ewan dahil sa shape ng mata at kilay niya.
Mapapansin niyo naman, ini-describe ko si Andrice. Haha. Kasi ang totoo niyan, nag-gwapuhan ako ng KONTI sa kanya. At isa pa, isa pang paraan sa pag oobserve ko. Lahat naman kasi ng malalapit sa akin, kapag may nanligaw sa kanya, sisiguraduhin kong matinong tao yun. Karaniwang ginagawa ng super protective best friend.
"Oh, ano meron?" sabi ko na lang. Hindi kasi alam ni Ria na naggwapuhan nga ako kay Andrice. Hihihi :">
"Nakatingin dito gaga!"
"Ayan naman kasi! Ayaw mo pang sagutin e palagi mo naman siyang bukam bibig."
"Eh. Di ko talaga siya feel e." May naisip akong kalokohan. Hehehe. "HOY ANDRICE!" sigaw ko sa halos kalagitnaan ng covered walk namin. Lahat ng malapit at naa rinig sa akin ay tumingin sa akin. Pero I DON'T CARE. Muahahaha!
Tumingin ang torpeng si Andrice kay pakipot na Ria. Muli ko siyang tinawag at pinalapit dito. Konti na lang din ang tao kasi kani kanina pa ang uwian. "Oh?"
"Lika dito, bili!" sabi ko at umusog pa ng konti para may space siya sa gitna namin ni Ria pero tumayo din ako at pinaupo ko siya tsaka sila pinag dikit ni Ria.
Kung anu-ano ang tinanong ko. Keso, bakit hindi pa kayo? Bakit ang kupad mong kumilos? Bakit ang pakipot mo?
"Commuter ka ba?" bigla ko na lang na tanong kay Andrice ng makita ko ang oras. Mag ha-hapon na pero ayaw ko pa talaga umuwi. Amp!
"Oo."
"Oh, Ynette yun naman pala e. Atsaka, ayan na service ko. Mauna na ko! Bye!" lumakad na siya paalis at kumakaway kaway pa ang luka.
Sa umpisa ay medyo awkward pa kami ni Andrice pero dahil likas na makulit ako, kinulit ko siya. Haha! "Tara, uwi na tayo?"
"Eh, teka, may hinihintay pa ko e."
"Sino?"
"Si Yoshi. Kasabay ko umuwi."
"Hapon?"
"Oo." Biglang kumislap ang mata ko sa narinig. Yay! Mag papaturo ako sa kanya ng fluent Nihonggo! Nag aaral kasi ako mag basa at sumulat pati na rin kung pano gumamit ng language na 'to. Ewan, feel ko lang din?
"Asan ba siya?"
"Hinanap niya daw kuya niya e."
"Ganon? Tara hanapin na natin para makauwi na tayo."