(HER POV)
~lalalalalalala lalalalala~ kanta ko na wala sa tono, di ko nga alam kung kanta pa bang matatawag yun. Masaya ako eh bakit ba? Para sa isang normal na highschool student natural na magsaya. Normal ako wag na kayong magtaka at umangal kasi wala kayong mapapala, sapak you want!
Life is short daw so kailangan wag mo itong sayangin sa pag papaka stress sa sarili. Gayahin mo na lang ako petiks lang. Papasok nga lang ako sa school para magstalk sa crush ko na ubod ng sungit.
Di ko nga alam kung may dalaw ba yun lagi, kasi naman never ko pa siyang nakita na hindi nagsungit lalo na sa mga babaeng lumalapit sa kanya, pero ayos lang sakin bagay lang sa kanila yan tag landi kasi di ako gayahin pa stalk stalk lang. Nagkakaroon ba ng dalaw ang mga lalaki? Noong tinuro kasi samin yun di ako nakikinig mas importante kasing titigan siya kaysa makinig sa boring na lesson na yun, wala naman akong mapapala dun eh buti pa kay crush may mapapala ako. Pero kasi noong isang araw may nakita akong kuya na bumibili ng pad sa grocery. Tama ba ang hinala ko? Na laging may dalaw si crush? Pero bakit inaraw araw niya? Hala baka maubusan siya ng dugo, tapos malalanta, tapos mamamatay. Waaahhhh ayaw kong mamatay si crush. Mukhang kailangan niyang magpacheck up para di na siya mamatay. Kasi nga diba sayang ang lahi niya dapat lahian niya muna ako haha charroooot..
*beep beep*
"Ay taong nadapa nasubsob ang mukha nasipa ng bata natuwad patihaya." Sigaw ko sa sobrang gulat. Tama bang mag busina ng ubod ng lakas sa tapat ko.
"ANO BA NAMAN YAN!! HOY KOTSENG MAGARA PWEDE BANG WAG MO AKONG GULATIN BAKA ATAKIHIN AKO SA PUSO SAYANG ANG KAGANDAHAN KO PAG NAGKATAON."
Bigla namang bumukas ang pinto ng kotseng magara wow sosyal si ati. Ang ganda niya ha nahiya naman daw ako.
"Mianhe" sabi niya sabay bow.. Wow komokorean si Ati.
"Ah ayos lang ateng maganda. Sorry nabigla lang ako. Tsaka ate pwede bang tuntong muna ako sa bench nanliliit kasi ako hehe."sabi ko kasi naman taas ng height ni Ate. Naloka ako kasi matangkad na nga nakaheels pa na ubod ng taas o di ako nganga at tinitingala siya.
"you're funny" sabi ni ate sabay tawa. Aba hindi ako si Funny.
"ah ate I'm not funny, I'm Ayumi. Medyo magkarhyme lang sila sa bandang dulo pero hindi ako si Funny i swear."
"Oh hi Ayumi. Annyeong Miyuki Park imnida. Call me manager unnie." Manager daw wow sosyalin talaga si ate. At korean talaga siya kasi Park surname niya diba si Sandara korean yun. Baka pinsan niya? Kamag anak? Kaibigan? Kakilala?
"Hi manegerrrrrr"
"So now that you already know me come lets talk about your contract."
"CONTRACT??" Ano yun?? Wahh ipapakulong ba ako ni Maneger. Wag po bata pa po ako.
"yep. I'm your manager and you're going to be an artist someday so let's go."
"ARTIST??" Artista wehhh di nga pinagloloko ata ako ni Maneger ehh.
"Yes."
"Maneger malabo ba mata mo. Can't you see me? Pandak, pangit, kayumangi lang kulay ko. Kung gantong katulad ko ang mga artist na sinasabi mo aba eh walang tambay sa kanto lahat sila artist na."
"Kailangan ko pala talagang i boost ang self confidence mo. Let's go madami pa tayong aasikasuhin." Sabi niya sabay hatak sakin. Edi keri na lang mga teh. Malay niyo sumikat nga ako. Magkaroon ng milagro tulad ni ugly duckling.
Tsaka diba sa korea nagtatraining mga artist tapos isasama sa mga grupo. Malay ba natin mag debut din ako sa isang grupo yung tipong pang girl's generation lang ang peg. Pak pak na yun mga teh.
BINABASA MO ANG
Trainee Daw(One Shot)
HumorWhat if one day mayroon na lang nagsabi sayo na gagawin ka niyang isang artist. Yung tipong kpop lang ang peg. Tapos magiging trainee ka ng isang Entertainment and boom sooner magiging artist ka na. Yan lang naman ang naranasan ni Ayumi. Isang araw...