IASWAG 12

420 5 0
                                    

It All Started With A Game 12

Kalel Clark's POV

Nandito ako sa kwarto ni Faith. Ngayon ang saktong isang buwan na siya ay na comma.

Dinadalaw ko siya palagi dito para humingi na rin ng pasensya sa kanya, sa paglalaro ko sa kanya.

Pagkatapos ng klase namin ay dito parati ako pumupunta.

"Faith, isang buwan ka ng natutulog diyan. Hindi mo ba namimiss ang mga mahal mo sa buhay? Alam ko na mahal na mahal ka nila. Nakikita ko ang mga lungkot sa mga mata nila. Isang araw nakausap ko ang mommy at daddy mo dito sa kwarto mo. Alam mo ba na hindi na sila magtratrabaho? Nagretired na sila faith. Alam mo ba na ginawa nila yun para sayo, dahil alam nila na matutuwa ka dahil makakasama mo na sila. Halos hindi na sila umuuwi sa mansion niyo. Parang dito na ang bahay nila. Swerte ka Angel may kompleto kang pamilya. Lumaban ka sana Angel dahil marami ka pang gagawin kasama ang mga magulang mo" sabi ko sa natutulog na si Angel ng biglang gumalaw ang isang daliri niya.

Tuwang tuwa ako kaya tinawag ko ang doctor.

Chineck nila si Faith, sabi ng doctor na

"May possibility po na malapit na siyang magising. Good sign po ito. At mas maganda kung palagi niyo siyang kakausapin dahil hindi natin alam nakikinig lang ito" sabi ng doctor sa amin.

Nandito na pala sila tita at tito. Nandun lang kasi sila sa labas nung kinausap ko si Faith kaya nung sumigaw ako ay pumasok agad sila sa kwarto.

"Salamat po doc" sabi ni tita.

Umalis na ang doctor.

"Mommy" sabi ni Daveric na kakadating pa lang.

May dala siyang bag at bagahe.

"Daveric? Saan ka pupunta?" Sabi ni tita.

"Aalis po muna ako. Aayusin ko po ang lahat" sabi ni Daveric.

"Sige kung yun ang tama, gawin mo" sabi ni tita.

"Sana po maintindihan ito ni Zo----"

Hindi natapos ang sasabihin ni Daveric ng biglang nanginginig ang katawan ni Faith.

Tumawag ulit ako ng doctor.

Dali-dali naman sila pumunta sa kwarto at pinalabas kami.

Sana okay lang si Angel.






























































Angel Faith's POV

"Pabigat lang ako sa kanila, ayaw ko ng mahirapan sila" sabi ko sa kasama kung anghel.

Buo na ang desisyon kung manirahan nalang dito sa mundong ibabaw pero na recall ko lahat.

Kailangan pa ako ni Riad.

Mahal ko siya, mahal niya ako.

Ni mommy at daddy. Gusto ko pang makasama sila at makabonding sila.

Naagaw ang pansin ko sa nagsasalita sa kwarto ko. Si Kalel. Sinabi niya na nagretired na daw sila mommy at daddy sa trabaho.

Anoooo?

It All Started With A Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon