It All Started With A Game 20
Angel Faith's POV
Maaga akong gumising para puntahan ko ng maaga si Riad.
Nagluto muna ako at kumain ng si Rence din ay parang may lakad.
"Oh rence may lakad ka? Sabay ka na sa akin kumain."sabi ko
"Oo eh, sige"sabi niya
Pareho kaming nagmamadali.
Ano ba ang lakad nitong si Rence?
"Saan ka pupunta?" Sabi ko.
Nacurious kasi ako. Bihira kasi yang lumabas. Lalabas lang yan kung sasamahan niya ako maghanap kay Riad.
"Basta"
Parang ayaw niyang sabihin, kaya hinayaan ko na lang siya.
"Alis na ako Faith"
"Si-sige"
Nacurious talaga ako eh kaya sinundan ko siya.
Hanggang sa napadpad kami sa bahay na gusto kong puntahan. Nasa likod lang niya ako.
Nag aabang lang siya sa bahay na parang may hinihintay na lumalabas.
At ng lumabas si Riad.
Parang hindi na talaga siya si Riad na kakilala ko. Palagi siyang poker face at bihirang ngumiti.
Tinawag siya ni Rence.
"Pare! Daveric !" Tawag niya nito at kumakaway pa.
Pero ang ikinagulat ko dahil binato siya ni Riad ng bato. Mabuti nga hindi siya na tamaan.
"Ano bang ginagawa mo dito? Sino ka ba? Tauhan ka rin ba nung babae na umaway sa asawa ko? Yung babae na pumatay sa anak ko? Ha?" Sabi ni Riad na galit na galit.
Napatay ko pala ang bata? Ang sama kung tao! Pero hindi ko naman yun ginusto.
"Ayun! Yang babaeng yan!"
Tinuro ako ni Shayne! Siguro sa ka tulala ko na kaya hindi ko namalayan na nandun na pala si shayne at ako ay lumayo sa tinataguan ko.
"Hoy! Bitch! Walang hiyyyaaa kaaa! Pinatay mo anak ko! Anak namin ni Daveric" sabi niya pasugod sa akin para sabunutan.
Hindi ako makagalaw. Kahit masakit ang mga sabunot niya hindi ako lumaban.
Anak nila ni Daveric?
Anak nila ni Daveric?
Anak nila ni Daveric?
Anak nila ni Daveric?
Hindi ko siya nilabanan kahit may sugat na ako galing sa mga kalmot niya.
Napaupo ako. Hindi ko na kaya. Umiyak lang ako ng umiyak.
Hindi ko namalayan na natumba pala si Shayne dahil umupo ako.
Trying hard masyado.
"Hoyy babae! Wag mong saktan ang asawa ko! Gago ka!" Sabi ni Riad at ginabayan si shayne sa pagkatumba.
Hindi ko siya pinansin at patuloy parin sa pag iyak.
Triple ang sakit ngayon!
Sakanila talaga ang bata at hindi tumutol si riad.
"Wag mong saktan si Faith! Tayo ang maglaban Daveric" sabi ni Rence na galit na galit at sinuntok si Daveric
.Namanhid na ako. Ayaw ko ng umiyak. Mahal ko siya, mahal na mahal! Pero siya? Kinalimutan na niya ako! Ang tigas na ng puso niya!
Nagsuntokan sila ni Rence at natumba siya. Duguan na din siya at si Rence din.
Natumba si Rence at parang hinang hina na siya kaya.....
Hindi ako nakapagpigil at ako ang sumuntok sa kanya.
Hineadbang ko siya at sinipa yung kaselanan niya kaya ayun natumba din siya peroo-----
Nauntog siya sa malaking bato.
Patay!
Anong nagawa ko?
Angel Faith's POV
Omyygaaad! Nagbleed ang ulo niya.
Tutulongan ko na sana siya ng lumapit si shayne sa kanya.
"Wala ka talagang ka dala dala! Una pinatay mo ang anak ko tapos heto ngayon?" Sabi niya na tinuturo ang ulo ni Riad.
"Ipapapulis kita bruha ka! Wala kang hiya!" Sabi pa niya.
Parang baldeng galon ang iyak ko ngayon.
Oo nga! Mamamatay tao ako! Malas ako! Bruha! Gago! Walang hiya! At kung ano-ano pa.
Kasalanan ko to!
May humigit sa akin.
Si Rence!
"Wag na tayong mag abala kay Daveric punta na tayo sa Pilipinas." Sabi ni Alex.
Pero may kasalanan pa ako sa taong mahal ko! Tama bang lumisan na lang?
"Sige na Faith, babalik at babalik tayo kung okay na ang lahat"sabi niya
Tumango na lang ako.
Siguro panahon ng isipin ko muna ang sarili ko. Siguro panahon na maging matatag.
Siguro panahon na kalimutan siya!
Pero hindi eh.
Ayaw ko siyang iwan.
Ayaw ko siyang saktan.
Pero kung ito ang gusto niya?
Lalayo nalang ako at babalik sa tamang panahon. Lalayo man ako hinding hindi ko siya makakalimutan. At siya parin ang mamahalin ko.
Nakapunta na kami sa bahay.
"Ihanda mo na gamit mo Faith. Tatawagan ko lang ang private plane for emergency"sabi ni clarence
Tumango lang ako.
Ayaw ko munang magsalita.
Nasaktan ko ang mahal ko! Ang sama ko eh. Ang sama sama!
Napahagolhol na talaga ako at sumigaw
"Aaahhhhhhhhh ayookooooo naaaaa!"
Agad na lumabas si Rence sa kwarto niya.
Umiiyak din siya.
Bakit?
"Sige Faith, ilabas mo lang yan!"
Kaya agad na naman akong sumigaw! Ng sumigaw hanggang sa napagod na ako!
Pero hindi parin maalis ang mga luha ko sa mga mata.
May yumakap sa akin.
Si Rence!
Alam ko na mahal niya ako pero-----
KAHIT ANO PANG GAWIN NI RIAD SA AKIN MAHAL KO PARIN SIYA.
Pagbalik na pagbalik namin sa Pilipinas.
Pipilitin kung mahalin si rence.
Selfish man kung tawagin pero para hindi din masaktan si Rence sasagutin ko na siya.
KAHIT TEMPORARY LOVE LANG!
💖💖💖
Temporary love? Na try niyo na ba na gawin yun or ginawa sa inyo?
Anong feeling ba??!!
•••
Dont forget to...Vote 🗳 Comment 🖊 Share 💌
BINABASA MO ANG
It All Started With A Game (COMPLETED)
Fiksi RemajaNagsimula sa isang laro... Ang buhay mong mapayapa ay bigla na lang gumulo dahil sa mga hearthrobs na dumatin sa buhay mo... Yung bestfriend mo na di mo inaakalang sasabihin niya ang sekreto sayo ay siya din ang naging isa sa mga dahilan na nagbago...