OFFICIALLY FRIENDS
Christine's POV
Ilang araw na din ang lumipas buhat nung nahimatay ako dahil sa pagtatangka sa akin ni Jason at ilang araw ko na ring di siya kinkausap. Nag-tetext nga rin siya sa akin ng kung ano-ano tapos nagsosorry minsan nga tumatwag siya sa akin pero hindi ko sinasagot dahil hindi pa rin naghihilom yung sugat na naidulot niya sa akin.
Aaminin ko hindi naman ako masyadong nasaktan dahil sa pag-tatangka niya sa akin pero masakit at mabigat sa kalooban ko dahil sa ginawa niya. Kahit naman may tinatago akong feelings sa kanya hindi ko naman gimustong ganonin niya ko. Siyempre may dignidad ako noh.
Nandito ako ngayon sa isang cafe malapit na malapit sa campus, dito kasi daw kami mag-rereview ni Mark para sa quiz namin.
"Hey." sabi nung lalaking nasa harap ko.
Ewan ko ba kung ako ang kinakausap niya kasi unang-una hindi ko siya kilala, panagalawa hindi ako interesado sa kanya at pangatlo malay ko ba kung ako kinakausap niya.
"Uhm.. excuse me? Are you talking to me?" Sabi ko
Eh malay ko ba kung ako kinakausap nito.
"Yah you. May iba pa ba?" balik tanong niya sa akin.
Napakunot naman ako sa sinabi niya.
Wala rin talagang modo eh noh?
Magsasalita pa sana ako ng may biglang magsalita sa likuran ko na naikagulat ko.
"Back off dude. She has a boyfriend."
Pagtingin ko nakita ko si Mark na nakatingin sa lalaking nasa harapan ko at nanaliksik ang mga mata. Anong problema ng isang toh?
Agad namang tumayo yung lalaking nasa harapan ko na nakakamot sa may batok niya. Nagsorry yung lalaki pero tinitigan lang siya ng masama ni Mark. Nung nakalayo na yung lalaki siya naman yung umopo sa puwesto kanina nung lalaki.
"Ano? BOYFRIEND? As far as I know wala akong boyfriend since break-up." I sacastically said.
Eh totoo naman eh wala naman akong boyfriend.
Imbes na sagutin ako inirapan niya ko.
Abah bakla yata to eh.
I heavily rolled my eyes.
"Okay shall we?" Pag-aaya ko sa kanyang mag-start ng tutorial and he just nod.
Nagtutor ako sa kanya hanggang sa seven ng gabi. Nang mapansin kong gumagabi napagpasyahan ko ng ayain siyang umuwi.
"Uhmmm... Mark." Pagtawag ko sa kanya.
Nandito pa rin kami sa cafe na malapit sa campus. At heto si Mark tutok na tutok dun sa questionare na binigay ko sa kanya para sa guidelines niya.
Agad naman siyang tumingin sa direksyon ko.
"Puwede bang hmuwi nako baka hinahanap nako ni tatay." Sabi ko sa kanya.
He just noded.
Sumakay kami sa kotse niya.
Tahimik lang kami buong biyahe at halos mabingi ako sa katahimikan. Pag-dating namin sa bahay namin agad akong bumababa at siya rin bumababa ng kotse.
Bagi ako pumasok sa gate liningon ko siya.
"Uuhhmm... Mark salamat sa pag-hatid." Sabi ko at tumalikod sa kanya pero hindi pa man ako nakakalayo sa kanya tinawag niya ko.
"Tin..." tawag niya sakin na halos ikasabog ng puso ko.
Lumingon ako sa kanya.
"Hhhmmm?" Sabi ko
"Uuhhmm...Uhhh.." pautal-utal na sabi niya.
Hindi talaga paipagkakaila na magpinsan tung gung-gong na toh at yung bobita kung bestfriend.
"Oh ano? Uutal-utal lang tayo dito Mark?" I sarcastically said. Kainis kasi eh.
"Uuhhhmm..." utal niya pa rin na sabi.
Naisamapal ko na lang yung sarili kong noo at napailing.
"Ewan ko sayo." Sabi ko sabay talikod sa kanya pero di pa ko nakakalakad ng hawakan niya balikat ko at pinaharap sa kanya tsaka niya ko niyakap. Agad namang nanglaki ang mga mata ko at ikinasabog ng bongang-bonga ng puso ko.
Agad naman niyang kinalas yung yakap niya sa akin naramdaman niya siguro na naiilang ako sa ginawa niya.
"S-sorry." Sabi niya.
Hindi ako naka-sagot. Kaya agad niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at tiningnan niya ko.
"M-ma---ilipat niyo yung nanay niyo sa ospital namin at dun paoperahan." Sabi niya naikatuwa ko.
"Don't worry tutulongan ko kayong ilipat yung mama ko dun." Dagdag pa niya.
"Salamat." Sabi ko sabay yakap sa kanya.
Nagulat siya sa ginawa ko at ako rin nagulat . Kusa na lang gumalaw yung katawan ko. Siguro dahil sa tuwa na naramdaman ko.
Kumalas ako sa yakap.
"Tin..." panimula niya.
"Let's be friends." Sabi niya naipagtaka ko.
"Friends naman tayo ah?" Sabi ko.
"No. Let's be OFFICIALLY FRIENDS." Sabi niya sabay lahad ng kanang kamay niya at agad ko naman yung tinggap at nakipagkamayan sa kanya. And give him a sweet smile.
-------
BINABASA MO ANG
Valiente Hermosa (The Lost Princess Duology 1)
Teen FictionValiente Hermosa (The Lost Princess Duology 1) In a world full of lost people, I am one of them trying to find my roots. How will I conquer all when they know you are my weakness. I am Christine Marie Mendoza, lost and hoping to be found. Started: J...