ACE POV***
"She's in a good condition.You don't need to worry about your wife. Her condition are already stable. As of now she only need some rest baka mamayang hapon ay gigising na ang asawa mo"
"Salamat dok"
"I have to go.Sige maiwan na kita. Just call me if you need something."
Tumango ako sa doktor at hinatid siya sa pinto.
Payapa pa ring natutulog si Asha.
Aaminin ko natakot when I found her last night unconscious sa gitna ng kalsada.Buti nalang at sabi ng doktor ay maayos naman ang kalagayan niya at may lagnat lang siya.
Dahil sa pagod lang daw siguro at sa lamig na di kinaya ng katawan niya ang dahilan kung bakit nahimatay siya.Ano na naman kaya ang problema niya at mas pinili nalang niyang pahirapan ang sarili niya?
Nung mga nakaraan,mas pinili kong iwasan siya dahil alam kung yon ang tama kahit alam kong sinasaktan at pinapahirapan ko lang ang sarili ko.Nangako ako sa sarili ko na hahayaan ko nalang siya sa kung ano ang gusto niya basta yon ang magpapasaya sa kanya at hindi na lalapit sa kanya pero nung nakita ko siya sa ganoong kalagayan kagabi ay parang gusto ko lagi sya tabi ko at lagi siyang bantayan.ASHA POV***
Nagising ako na medyo masakit ang ulo ko at nilalamig pa rin ako.Alam ko kung nasaan ako base sa nakikita ko sa paligid. Nakita ko si Ace na nakahiga sa sofa at alam kung tulog siya.Naalala ako nung nangyari sakin kagabi at naiyak ako sa katotohanang mukhang hindi ko kaya nang wala siya sa buhay ko,na sa kabila din ng lahat andyan pa rin siya para sa akin at nagpapasalamat ako sa panginoon na nakilala ko siya.
Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko nang nakita kong nagising siya at nataranta siya nang nakita niya akong nagising na din.
"Kumusta na pakiramdam mo? Umiiyak ka ba?"
Halata sa mukha niya ang pag-aalala"Okay lang ako,medyo nilalamig lang ako"
Nakita kong hininaan niya nag aircon.
"Teka lang tatawag ako ng doktor"
Lumapit siya sa telepono sa may mesa sa gilid ng sofang hinihigaan niya.
Pumasok naman agad ang doktor at sinabing okay na daw ako at pag tuluyan ng bumaba ang lagnat ko ay pwedi na akong lumabas."Thank you"
Medyo nagulat siya sa sinabi ko."Thank you kasi lagi ka pa ring nandyan para tulungan ako,thank you kasi sa kabila ng lahat tinutulungan mo pa rin ako..At sorry kasi simula palang naging pabigat na ako sayo."
Siguro ito na ang time para sabihin ko sa kanya ang lahat.
"Sorry kasi mula nang nakilala mo ako,naging pabigat na ako sa buhay mo.Hindi mo na nagawa kung ano ang gusto mo dahil mas inuuna mo ang kalagayan ko.Pati mga pangarap mo alam ko nahahadlangan ko.Sorry kasi sa lahat ng mga nagawa mong kabutihan nakuha pa kitang saktan, naging selfish ako at alam ko karma ko na tong mga nangyayari sa buhay ko"
Mas lalu akong naiyak ng lumapit siya at yakapin ako ng napakahigpit.
"Sorry..." at tuluyan na akong humagolhol.
"Kahit kelan hindi ka pabigat sa akin,at masaya ako nang nakilala at dumating ka sa buhay ko.Aaminin ko nasaktan ako dati nang di ako ang piliin mo pero naiintindihan kita.Alam ko kaya mo ginawa yon dahilan may dahilan ka at naiintindihan ko yon.Huwag mo na isipin yon.Tapos na yon at kalimutan nalang natin".
Kung meron man siguro akong ipagpasalamat sa panginoon ay yun ang makakilala ako ng kagaya niya.
Kinabukasan, sabi ng doktor pwedi na daw ako lumabas. Inayos ni Ace lahat ng kakailangan para makalabas na ako.Sabi ko nga sa kanya na kaya ko na mag-isa dahil baka nakakaisturbo na ako sa kanya pero ngpumilit siya na siya nalang daw at kahit kelan di daw ako naging pabigat sa kanya.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
General FictionLife can either bring out the best in you or can completely drain out your will to live.