Chapter 10 ~ Wedding Gown
Mia's POV:
Kanina pa kumakatok si Bryle sa pinto nitong kwarto ko. Pero hindi ko naman siya mapagbuksan dahil nagbibihis pa lang ako.
"Are you done?" Sigaw nito sa labas.
"Hindi pa."
Pabalik na sigaw ko. Saktong nasuot ko na ang dress kong floral ng bumukas ang pinto. Awtomatiko akong napatingin doon at nandoon si Bryle na matalim na nakatingin sakin.
"Can you make it fast?" Inis na sabi nito.
Tinignan niya ang kabuuan ko. Naka floral dress ako ng pink ngayon habang naka flat shoes ako. Hindi pwede sakin ang high heels dahil buntis ako tsaka hindi ko masyadong gusto.
Daming sinabi. Sabihin na lang natin na hindi ako sanay na magheels. I prefer flat shoes than killer keels.
"Tapos na." Sabi ko dito.
"Tara na."
Nauna siyang maglakad palabas.
Nung bata pa ako, hindi ako pinapasuot ng high heels ng mga magulang ko. Mas maganda daw kung maging simple lang ako. Ayaw din nilang lumaki akong puro kolorete ang buong katawan ko.
Pero sad to say, namatay ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente. Nabaril ang mga magulang ko ng hindi sinasadya.
Ang nakabaril sa kanila ay hindi ko pa nakikita. Tsaka ayaw nitong ipakita ang mukha na para bang kilala siyang tao dito sa mundo.
Kinasuhan ko siya pero wala rin kaming nagawa dahil mahirap lang kami. Wala akong tinanggap na ultimo piso sa kaniya. Hindi mahalaga ang pera dahil buhay ng mga magulang ko ang nawala.
Hanggang sa naglaho na siya na parang bula. Pati rin ang attorney niya ay nawala. Kaya ibinaon ko na lang sa limot ang pangyayaring iyon.
Pagkarating namin sa boutique ay agad niyang kinausap ang Sekretarya umano ng kaibigan ng Nanay niya para sukatan ako.
Nagpapacute pa nga ito kay Bryle at todo-ngiti. Binati pa siya samantalang ako, hindi! Ano ako?! Invisible?!
Nakakainis."Good morning Sir. How can I help you?" Tanong nito at inipit sa likod ng tenga ang kaniyang buhok. Papansin!
"I want to see all your expensive and latest gowns for wedding."
Sagot ni Bryle habang seryosong nakatingin sa babae. Kung sabihin ko kaya sa kaniya na ikakasal na ang taong nginingitian niya ngayon?
Syempre hindi ko kaya gawin. Baka imbes na kampihan ako nu Bryle ay ang babae pang ito ang papaburan niya. Remember, ayaw niya ang ipinapahiya siya sa publiko.
"Right away Sir. Umupo muna kayo sandali."
Sabi nito at iginaya niya pa ito papaupo. Samantalang ako, nakatayo pa rin doon sa counter. Tinititigan ko pa rin ang babae na 'yun kahit papaalis na siya.
Naglakad ako papunta sa mga manequin na nakasuot ng mga gowns. Meron ding ibang gowns ang narito. Halata rin na sa ibang bansa ito ginawa.
Mayroong iba't ibang mga kulay at may diyamante pa yata. Namangha naman ako dahil ang gaganda nga at mukhang yayamanin.
"Mia."
Alam kong si Bryle ang tumawag sa akin pero hindi ko siya pinapansin dahil busy ako pagtingin. Kanina pa nga siya tawag ng tawag sakin.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...