THE LAST CHAPTER SYNDROME

6 0 0
                                    

Her P.O.V.

Mainit. Maalinsangan. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang kwartong aming kinaroroonan. Ang tunog ng lumang electric fan ay nakakairita sa tainga. Ang paglilipat ng mga papel at mga buntong hininga ay naging parang musika na yumurak sa katahimikan. 

Mabilis kong pinunasan ang pawis na naglandas mula sa aking noo patungo sa aking pisngi. Itinuon ko na lamang ang buo kong atensiyon sa papel na nasa harap ko. Ano nga ba ang mahirap dito? Wala naman ea. Ano nga bang ginawa ko kagabi at wala akong maisagot sa test paper ko? Ano nga ba ang dahilan at hindi ako nakapag review?

Flashback

Pinindot ko ang lock ng pintuan sa kwarto ko at saka ako sumampa sa kama. Binunot ko sa pagkakacharge ang cellphone ko at saka pinindot ang app bumubuo sa araw ko. 

Time check 7:30 p.m.

Patay na ang ilaw sa kwarto ko kaya naman ginawa kong itim ang background ng story na babasahin ko. Oo tama kayo ng iniisip. Magwa-wattpad ako. Binabaan ko ang brightness para hindi gaanong sumakit ang mga mata ko. Bakit ba ganoon? Hindi ba kapag nagbabasa tayo sa dilim ay mapapagod ng mabilis ang ating mga mata? Bakit tayong mga wattpader ay sa dilim na nga nagbabasa, itim pa ang gustong background para sa istorya?

Itinuloy ko na ang naudlot kong pagbabasa. Nakakagulat nga na si Maxpein lang ang nakapag paiyak kay Randall sa burol ng ama nito.

Time check 9:23 p.m. 

Hindi ko rin inakala na mag-ex pala si Pein at Randall. Ramdam ko ang nararamdaman ni Deib. Kasi parang niloko siya ng ate niya. Minsan ganyan talaga tayong mga tao, ano? Nakakapag sinungaling tayo sa mga taong malapit sa atin para maprotektahan natin yung sarili natin. Paulit-ulit sinabi ni Dein na hindi niya kilala si Max. Nagsinungaling siya.

Bakit ba ang kong mag basa?

Tinignan ko ang oras, 11:17 p.m.

Inaantok na ako pero masiyadong malakas ang hatak ng istorya sa akin kaya naman itinuloy ko pa ang pagbabasa. Sa kasamaang palad ay bumagsak sa mukha ko ang hawak kong cellphone. Nagdulot ito ng panandaliang sakit sa parte ng ilong ko na tinamaan. Bahagya ding nawala ang antok ko.

Umaamin na si Deib kay Maxpein. Parang ako yung nakaramdam ng sama ng loob ng sabihin ni Pein na nagbibiro lang siya. Hindi naman sobrang nakakaiyak yung eksena pero, shit ansakit. Yung pakiramdam na umamin ka na may gusto ka sa kanya pero balewala lang sa kanya? Ang sakit.

Pero bago pa tumulo ang luha ko ay may nabasa akong mas nakakaiyak pa sa lahat ng eksena ng He's Into Her. 

'15% discharging. Please charge your phone immediately.'

Nakita ko ang oras. 12:37 a.m.

Shit!

Dali dali kong kinuha ang charger at saka ito ipi-nlug sa saksakan. Ikinabit ko rin ang wire sa aking cellphone. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nagchacharge na ito. Nananakit na ang mga mata ko pero tinatalo iyon ng kagustuhan kong magbasa.

'Isang chapter na lang.'

Pinaulit-ulit ko iyan sa utak ko para hindi ako antukin. Bagaman naka charge ang cellphone ko ay ginagamit ko ito. Padapa akong humiga sa aking kama at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Nakakatawa ang eksena ng makita ni Deib si More, ang daddy ni Pein.

Time check 1:30 p.m.

'Isang chapter na lang, isa na lang.'

Kinilig ako ng sabihin ni Pein kay Joan na madali lang naman daw magustuhan si Deib. 

THE LAST CHAPTER SYNDROMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon