CHAPTER 4.1: The Party [Edited]

1.6K 67 12
                                    

This chapter has been edited and proofread by the Author. Any similiraties to any other works are purely incidental.

*  *  *

KEVIN'S POV 

So ganito kasi yung nangyari. That time, 2nd year pa lang si Aria samantala 4th year student na si Trevor. Unexpected things happens but it already happened. Lumaki kasi si Trevor na malayo ang mga magulang niya. Siya yung tipo ng batang yaya lang ang mga nakasama niya habang lumalaki. Yung mother ni Trevor, matagal ng wala kaya yung Dad niya na workaholic lang ang natirang kapamilya niya. Wala siyang kapatid. Hehe, pero pinsan ko siya kaya palaging ako ang kasama niya. Mention ko na din na pati si Angela Jonhson, ang anak ng close friend ng pamilya naming Kingston, ay nakasama namin buong childhood namin. Dito sa pilipinas, siya yung naging ate, nanay, at lover ni Trevor kaya habang lumalaki siya, nahuhulog na din ang puso niya sa kanya. Ako naman, bumalik ako sa amerika for 5 years. At nadatnan ko na lang ang kwento nila. Mga 13 yrs. old ako noong bumalik akong amerika kaya naiwan si Trevor dito sa pilipinas. I'm not saying pure american kami, half-half kami eh. Ewan ko kung paano nagkakilala sina Trevor at Aria. Narinig ko kasing naging crush daw ni Aria si Trevor pero ginamit lang siya ni Trevor para paselosin si Angela which results in biglang paglipad ni Angela doon sa Amerika. So ngayong 3rd year college na ako sa Engineering ako lumipat ulet dito sa Pinas na nadatnang ganoon ang sitwasyon. Hehehe. Magulo ba ang kwento ko? Eh pasensya na, I myself is not clear with the story. 

"Kevin!" oops! Tumatawag na pala si Bossing. Magsisimula na kasi ang formal party in 2 hours at kailangan pa naming sunduin sina Aria at Ynna. Hahaha, Oh yeah. Date ko ang masunget na babaeng iyon ngayong gabi. Kasi, para hindi daw ma-OP si Aria mamaya, kailangan niya daw ng kasama. So ayun, si Ynna ang kasama. 

"Let's go," pagtatawag ko kay Trevor. Di naman kasi dito sa mansion nila ang venue eh kundi sa isang 7star hotel nila. Sumakay na ako sa WMB ko samantala sumakay naman si Trevor sa itim niyang Mercedes-Benz. Then, we sped off to Aria's residence. 

Mga ilang minuto, nakarating din kami sa bunggalow type na bahay nina Aria. Malawak din yung yard nila and very spacious. Halatang may kaya din sila pero malayong mas mayaman kami. Nasa may harapan kami ng gate nung palabas na silang dalawa ni Ynna. Sa kalayuan pa lang ay kitang-kita ko na yung damit ni Ynna na hindi naman siya yung tipong pang-night formal party na gown. Napaka-simple lang nya. Isang below-the-knee-lenght na black silk dress. Medyo may belt siyang white silk na nakataling ribbon palikod sa kanya kaya nadiinan kung gaano kaliit ang waistline niya. Yung hair niyang C-Cut ay ganoon na rin siya pero may black hairband itong kasama. Maganda na siya sa ganyang porma niya. Sumunod naman si Aria sa kanya na nakasuot ng above-the-knee gown, swayable silk siyang tipo ng damit. Kung black kay Ynna, red naman sa kanya. Red-halter-neck-raffled-night-dress ang suot niya. Yung waistline black hair niya ay hinayaan niya na lang na nakawagayway. Total bagay na bagay naman sa kanya. Mas lalong gumanda siya pero mas maganda si Ynna.

"Hey, y-you look wonderful tonight," bati ko kay Ynna pero isang nakakamatay na tingin lang ang naabot ko sa kanya. Ee masunget nga di ba? Pero, tignan na lang natin! Mahuhulog din eto sa akin! 

"Ano bang masama sa damit ko?! Hindi naman ikaw 'yung nakasuot sa damit ko ah!" nagulat na lang ako sa biglang pagsigaw ni Aria. Galit na naman siya kay Trevor. Well, hindi ko naman talaga masisi si Aria kung palaging mainit ulo niya sa kanya.

"Hey, guys, don't ruin the mood," pagsasaway ko sa kanila nang pumasok na si Ynna sa front seat.

 "We'll go ahead," at pumasok na din ako sa driver's seat. Pinaharurot ko na lang ang sasakyan ko at umalis na. Bahala sila sa buhay nila, basta kami ni Ynna, makakapunta kami sa party ng buhay.

ARIA'S POV

Sigh! Buti pa si Ynna, paglabas niya sa bahay, isang magandang bati ang naabot niya kay Kevin eh ako isang lait ang naabot ko sa demonyong 'toh!

Nakakainis talaga siya! Dadalawa lang kami dito sa Mercedes-Benz niya at malapit na talaga akong puputok dahil sa nakakabingeng katahimikan na 'toh! Wala talaga siyang sasabihin sa akin? 

Fine! 

Hindi naman ako nagpaganda ng ganito nang dahil sa kanya. I just wanna show that Angela girl na I'm better than her! Tsaka, sa tingin ko eh napaka-simple lang 'tong damit ko eh. Hindi pa matatawag na night gown siya.

Lumabas na kami ni Trevor sa MB niya at napatingala ako sa laki ng 7star hotel nila na kung saan magaganap ang formal party nila na hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit magaganap ito ngayon. Dahil sa busy kong katitingala, napansin ko na lang na nilalagay ni Trevor sa akin yung american black suit niya so naka-long sleeves polo na lang siya with black neck tie ngayon. 

"You're too daring tonight. I'm afraid some guys may not take their eyes on you so use this coat of mine," nasabi niya nang matapos niyang isuot sa akin yung black american suit niya then nag-escort position na siya para makapasok na kami sa formal party nila.

 "Let's go? And please, don't forget your my date tonight. No flirting, please?" napahawak naman ako sa braso niya at naglakad na kami papasok sa may red carpet sa entrance na kung saan may naka-guard sa may entrance. Ay talagang bongga? 

Nakarating kami ni Trevor sa isang hall! Ang lawak niya at ang laki. Very fine talaga. Kasi talagang pang-mayayaman yung venue niya. Pagpasok mo pa lang eh yung masayang opera music na yung maririnig mo na nasa harapan na parang yun na ang entablado. Covered ang whole flooring niya ng red carpet at may mga maraming round tables na para sa mga bisita. Dalawang kulay ang nakabalot sa mga glass round tables. I think yung mga puting covered glass round tables ay para sa mga bisita lang tapos yung red covered glass round table ay para sa mga VIP Persons. Ang bongga talaga! Halatang-halata mong nasa hangin talaga ang 'Business Convos.' ng mga bawat tao dito sa loob ng venue.

"Good evening, Mr. Kingston!" 

"Congratulations, Mr. Kingston!"

"Happy 25th anniversary, Mr. Kingston!" 

'Yan ang mga bating naabot namin ni Trevor habang naglalakad kaming papunta sa may VIP table sa harapan na kung saan nakikita ko na ang tatay ni Trevor. If I describe him, he looks like Trevor very much. Except that Trevor has this cold aura around him, samantala yung father niya ay may business aura palagi. Kaya siguro hindi sila close ng tatay niya kase ganoon ang ugaling mayroon sila. Papalapit kami ng papalapit sa table ng tatay niya noong natigilan kami kasi bigla na lang may sumulpot na napakagandang anghel sa harapan namin. Mayroon siya black curly hair, model type yung katawan at tangkad niya, plus maganda siya. Siya yung tipong may class. Yung matataas na mga babae. 

"Hello, Trevor," masayang bati nito kay Trevor na ngayon ay halatang-halata mong gulat siya upon seeing this beautiful angel infront of us. 

"A-Angel," mahinang sambit ni Trevor pero malakas na siya para marinig naming dalawa ni Angel. If I remember, sya yung babaeng kinababaliwan ni Trevor. Wow! Walang-wala pala ako sa kanya eh. She's really--- stunning. 

Then, The Party started. 

to be continued...
 

PLAY MY GAME [JaDine Compilations COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon