Matagal kong pinamamasdan itong blank page ng aking microsoft word. Hanggang ngayon ay wala parin akong ideang storya na pumapasok sa aking kokote. Kanina pa ako kinikindatan ng maliit na cursor sa screen.
ArrrrG!
Naasar na ako.
Dahil kanina pa ako nag-iisip ay hindi na nakayanan ng aking katawan ang magutom. Teka may iniwan bang pagkain sila mama sa kusina? Palagi nalang kasi ako nag-iisa dito saaming unit. Laging nag-iisa at nababato. Wala na talaga akong magawa.
Dahil hindi na kaya ng aking sikmura ay bumaba ako para maghanap ng aking pwedeng makain. Tulad nga ng aking ineexpect ay walang ulam sa ref.
Tumingin ako sa aming malaking orasan.
2:22 na pala ng madaling araw.
Kinapa ko ang aking bulsa. Duon ay may nakuha akong pera. Mabuti nalang mayron kahit 40 pesos lang.
Naisipan ko nalang na bumili ng makakain sa 7/11. Ayun nalang kasi ang bukas na tindhan ng mga ganung oras. Lumabas ako sa aming unit para magpunta dun.
Para makalabas sa condo ay kaylangan mong sumakay ng elevator. Minsan napipikon ako dahil sa gitna pa talaga kami ng building nakatira. Minsan sa tuwing papasok ako ng school ay lagi ko nalang naabutan ang elevator na marami nang nakasakay. Nakakaini dahil puno na at hindi na kaya ng elevator pag marami ng tao ang nakasakay. Pag ganung sitwasyon ay napipilitan nalang ako maghagdan. Pero madaling araw ngayon hindi mahirap ang sumakay sa elevator. Sa elevator lang din ang dahilan para magkita-kita kayo ng mga kapitbahay mo, palagi kasing nakakulong ang mga tao dito sa kani-kanilang mga unit.
“Ding Dong!”
Tunong ng elevator nang tumapat ito sa 22 floor.
Pagkasakay ko ay may nakasabay akong isang bata. Tumingin sya saken nuong una nya akong makita. Tinigninan ko rin sya.
Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga titig nya saken. Ang kanyang walang expresion na mukha. Sa tansha ko ay nasa 7 years old na ata yung batang babae. Singkit ang kanyang mga mata. Nakasuot sya ng stripes na t-sirt na ang kulay ay blue at yellow. Magulo ang kanyang buhok na hindi sinuklayan. Napansin ko rin na madumi ang kanyang mga kuku sa papa.
Nahiwagaan ako sa batang ito. Parang ngayon lang sya nakakita ng tao sa buong tanan ng buhay nya. Matagal niya akong pinagmasdan. Hindi ako sanay na tinitignan ako kahit sabihin na bata pa sya ay sasabihin kong naiilang na talga ako sa kanya.
Nagtaka rin ako dahil bihira lang makakita ng batang gising ng mga ganung oras. Bakit hindi pa sya natutulog? Saan sya pupunta? Saka parang ngayon ko lang nakita itong batang to. Limang taon na kami dito sa condo pero ngayon ko lang ata siya napansin.
Nahihiwagaan talaga ako sa batang to.
“Kuya anong oras na?” tanong nya.
Dahil wala pala akong suot na relo at di ko naman dala ang aking cellphone ay hinulaan ko nalamang kung anong oras na. Naalala ko nuong huli akong tumingin sa malaking orasan sa kusina namin. Tansha ko ay nasa 15 min na ang lumipas.
“2:37 na” sabi ko.
Nang maraming na namin ang ground floor ay mas nauna siyang lumabas keysa saaken. Tumakbo siya palabas ng lobby. Para saken ay hindi ordinaryo na makakita ng batang kasing edad niya na gising na gising pa ngayong madaling araw na.
Pagkapunta ko sa 7/11 ay wala pala ruon ay gusto kong bilhin na pagkain. Tumawid pa ako sa kabilang kalye. Maambon ang panahon habang nilalakad ko ang basang daan. Naramdaman kong tila may ibang tao ang sumusunod saken. Paglingon ko ay hindi nga ako nagkakamali. May sumusunod nga! Hindi ako nagulat dahil pamilyar kung sino iyon...