"bes bakit ganun? Maganda ka naman ah bakit wala kang naging boyfriend at wala kang boyfriend?" ay iba talaga to. Nang aasar siya ha. Pero oo nga naman. Maganda naman ako ah pero wala talaga. Saklap.
Nasa ice cream parlor kami at bigla niyang naitanong yan.
"aba malay ko sa standards ng mga tao ngayon. Tsaka makasabi ka naman wala pa akong naging boyfriend eh parehas lang naman tayo ah" sabay subo ko nung ice cream. Well, totoo naman yung sinabi ko eh. Wala rin siyang ex. Psh.
"papansin naman to eh. Nakakainis ka bes. Pero bes jowable ba ako?" uhm maganda rin naman tong bes ko eh. Masasabi kong kung ako yung lalaki baka matagal ko ng niligawan tong bes ko.
Matangkad siya. Medyo maputi at matangos ang ilong. Maganda ang mata at mahabang buhok. Di siya ganun kapayat at kataba kaya masasabi mong sexy siya. Medyo isip bata nga lang pero kapag seryoso na ang usapan, seryoso na rin siya.
"bes di ka jowable okay?" napasimangot naman siya. Psh. Ang slow talaga ng babaeng to. Mali na naman iniisip niya.
"bes nagsasabi ako ng totoo okay?" mas sumimangot naman siya at sumubo na lang ng ice cream niya. Ano ba naman. Bakit ba slow tong bes ko?
"tanga ka talaga bes. Di ka jowable kasi di ka pwedeng pang mabilisan kasi pang girlfriend ka at hindi pang jowa" nakita ko namang napangiti siya. Hay nako. Slow kasi masyado eh.
"talaga ba bes? Ano bang pinagkaiba ng jowa sa girlfriend? Parehas lang naman yata yun eh" inosenteng tanong niya. Umayos ako ng upo at inexplain sa kanya.
Para sa akin kasi ang jowa ay pang madalian lang at ang girlfriend naman ay pang matagalan.
Tumango tango naman siya na akala mo kung naintindihan talaga. Tumayo na kami at dinala na lang yung tira naming ice cream at kinain na lang sa daan papuntang parking lot.
"pero bes ang gwapo nung nasa milktea-han kanina" out of the blue niyang sabi. Well gwapo naman kasi si Kairo eh.
Si Kairo? Di ganun katangkad kasi halos parehas lang kami ng height. Maputi at medyo curly ang buhok. Yung tipong big curls kumbaga. Mabait siya. Sobrang bait nga eh. Sobrang sweet din niya kaya nga nahulog ako sa kanya kaagad eh. Idagdag mo pang talentado siya.
"alam ko naman yan" narinig ko na lang siyang nag 'tss'...
"saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya dahil nasa loob na kami ng sasakyan ko. Ako yata yung personal driver ng babaeng to eh.
"punta tayong park bilis" tila excited na excited siyang pumunta. Feeling ko tuloy may kikitain siya dun.
Tahimik na nagdadrive ako nang biglang pinindot ni Aki ang on ng radio sa sasakyan ko. Bigla siyang sumabay sa kanta kaya napailing na lang ako.
Ganyan kasi yang babaeng yan. Ang ingay ingay. Sobrang immune na siguro yung tenga ko sa kanya kaya di na ako nagcocomplain sa kanya.
Dumaan ang ilang minuto at narating na namin ang park. Bumaba na kami ni Aki at bigla niya akong hinigit papunta dun sa may tabi ng fountain. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Ah si Ash. Kaya pala gustong pumunta dito ni Aki.
"Ash!" tawag ni Aki sa kanya. Lumingon naman sa direksyon namin si Ash. Nakita kong napangiti siya at lumapit sa amin.
Nang makalapit sa amin si Ash ay nagulat ako ng biglang halikan niya sa noo si Aki.
"wait... Akala ko ba Aki nanliligaw lang sayo si Ash?" medyo di pa sure na sabi ko sa kanya. Kakasabi niya lang sa akin kanina na nanliligaw lang sa kanya si Ash at sabi kong wag muna siya o-oo tapos ano tong nakikita ko? Argh!
"nakalimutan kong sabihin na kami na eh hehe" nagpeace sign naman siya. Napaface palm na lang ako.
"psh. Sige na sige na. Ano pa bang magagawa ko di ba? Kayo na eh alangan namang paghiwalayin ko pa kayo. Support na lang kita" niyakap naman niya ako. Yeah yeah. So ngayon feeling ko mag isa na lang akong gagala kasi may boyfriend na tong babaeng to.
Sinabihan ko naman si Ash na wag na wag niyang sasaktan tong best friend ko.
"bes bili lang ako ng pwedeng makain diyan sa tabi tabi ha?" paalam ko kay Aki at um-oo naman siya. Di na ako nagpaalam kay Ash dahil may kausap siya sa telepono niya.
Pumunta lang ako dito sa bilihan ng tubig. Bumili ako ng tatlong tubig para sa akin at doon sa dalawa. Nagbayad na ako at bumalik na ako kung nasaan siya.
May kausap na sila ngayon. Isang babae at isang lalaki. Actually si Ash lang nakikipag usap tapos si Aki naman nakatulala lang doon sa kausap ni Ash.
Nakita naman ako ni Aki at umiling siya sa akin na parang hinahatid niya sa akin na wag akong lalapit doon. At bakit? Ang nakakita naman sa akin ay si Ash kaya tinawag niya ako.
"Vy! Halika dito may ipapakilala ako" napalingon naman sa akin yung dalawang nakatalikod sa akin. Nagulat ako na si Kairo at yung babaeng kasama ni Kien kanina sa mall ang kausap ni Ash.
Lumapit ako sa kanila at nakita kong nagulat rin si Kairo. Nakita ko rin na magkahawak sila ng kamay. Kanina lang sa mall itong babaeng to kasama niya ang kapatid ko at napaka close pa nila sa isa't isa na kung titignan ay silang dalawa tapos ngayon naman si Kairo?
Napagtanto ko na ang babaeng nasa harap ko ngayon ay ang ex ni Kairo. Rhea Anne Caranto.
"bes Tien. Kanina pa sila dada ng dada ni hindi pa nga ako pinapakilala ni Ash eh" sabi sa akin ni Aki nung nakalapit na ako sa kanya.
"at bes di ba siya yung kasama ni Kuya Kien kanina?" dagdag na tanong ni Aki sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Tila ba gulong gulo na si Aki sa nangyayari.
"Kairo at Rhea si Akira nga pala girlfriend ko at yung nasa tabi naman niya ay si Vyniel best friend niya" pakilala sa amin ni Ash.
"Aki at Vy si Daile best friend ko at si Rhea girlfriend niya. Actually kakabalikan lang din nila eh" napatawa naman si Ash sa sinabi niya. Well ako nakapoler face lang. Kasi hindi ko lang crush yang Kairo na yan kasi gusto ko na siya.
"Akira Faye Claydon" pakilala ulit ni Aki at nakipag kamay naman siya sa kanilang dalawa.
Napatingin naman sa akin yung Rhea at tinaasan niya ako ng kilay dahil nakita niya akong nakatingin kay Kairo kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Pakialam ko sa kanya. Isa siya sa dahilan kung bakit nasasaktan si Kairo ko. At oo KO dahil magiging kami rin. Hindi ngayon pero alam kk magiging kami. Hahaha *evil laugh*
"Vyniel Eztien Clayden" pagpapakilala ko ulit at nakita ko namang nagulat si Rhea. Nginisihan ko lang siya dahil alam ko ang bahong tinatago niya kahit na di ko alam kung anong ganap sa kanilang dalawa ng kapatid ko.
Bitch ka? Well, I'm the Queen Bitch idiot.
______________________________________
Vote