Sabi nila pag gusto mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para lang pansinin ka neto.
Pero bakit ako?
Ilang beses na akong nagpapansin sa kanya pero waepek parin. Yung tipong araw-araw chinachat ko siya kahit alam kong walang reply na bumabalik sakin. Ni HI ni HO wala pa din.
Yung binibigyan ko siya ng marshmallow at kung anu-ano pa. Parang ako na yung nanliligaw eh pero wala nga talaga. 3 years! 3 Damn years and still counting. Siya lang yung nagustuhan ko. Well this is really my fate.
Siguro nga hindi talaga siya yung binigay ni Lord para sakin. Ang sakit lang sa damdamin,ilang beses na akong nareject pero patuloy parin. Patuloy parin akong umaasa na sana balang araw mapansin niya ang isang tulad ko. Hanggang sa tuluyan na akong sumuko. At sakto dumating rin siya...
"Hoy!! Nakatulala ka na naman dyan. Siguro iniisip mo na namam siya no?! " Sigaw at sabay gulo sa buhok ko.
"Aishhhh!" Angil ko. "Kahit kailan talaga napakaepal mo!!!" Sigaw ko pabalik sa kanya'at inayos ang ginulo niyang hair ko.
"HAHAHAHA! Kahit kailan talaga napakacute mo." Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
*TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG TUG DUG *
Juiceq! Eto naman 'tong nakakainis na puso ko.
Everytime na nakikita ko siya at magdidikit ang balat niya sa balat ko nakakaramdam ako ng kakaiba.
Hindi naman ako tanga para hindi malaman na 'Gusto ko siya'.
Nagkagusto na naman ako sa taong malabo na maging akin. Lagi nalang ganito. May balat ata ako sa pwet at napakamalas ko.
I'm inlove with someone na may mahal ng iba. For the second time around nasaktan na naman ako.
"Hoy! May problema ka ba?" Tanong niya.
'Marami at isa kana dun!'
"H-huh? Wala ah. I'm fine, very very fine." Sabi ko atsaka ngumiti ng napakatamis.
"Sure ka ha? Alam mo namang ayaw kong nakikita kang malungkot dahil nalulungkot rin ako." Sambit niya at umarte na parang natamaan ng kung ano ang puso niya.
"Mukha mo! Ulol ka!" Sigaw ko at natawa siya.
'Nakakainlove naman yang ngiti mo. Huwag ka na kayang ngumiti. Pwede ba? Pero kahit na hindi ka ngumiti ang gwapo mo pa rin.'
Natawa ako sa sarili kong naisip.
"Hoy! Ano yang ngiting yan ha? Alam kong pogi ako pero walang ganyanan. Hindi pwede yan ah." Sabi niya.
"Tss. Asa ka pa." Sabi ko.
'Oo na alam kong hindi pwedeng magkagusto sayo kasi nakatali ka na.'
"Tara na nga. Kain na tayo,nagugutom na ako eh." Sabi niya sabay hila sa kamay ko.
'Kain lang,WALANG TAYO.'
"Sige ba. Basta libre mo 'ko." Sabi ko.
"Oo na. Kung di ka lang malakas sakin eh." Sabi niya tsaka ginulo na naman ang buhok ko.
"Ano ba?! Lagi mo nalang ginugulo yung buhok ko! Ang hirap kaya magsuklay!" Sigaw ko.
"So,Galit ka na nyan?" Malungkot na sambit mo. At nagpout ka pa.
Wow red lips.
"Baka magbago ang isip ko at hindi na kita ilibre niyan dahil inaaway mo 'ko." Dugtong mo pa.
BINABASA MO ANG
To Choose (Short Story)
Short StoryChoose what you love and what makes you happy. 09/12/18 - Begin 09/14/18 - End