MAXHINE
Ilang minuto na akong tumatakbo. Hingal na hingal na ako. Pero di parin ako tinitigilan habulin ng lalaking naka itim at pulang maskara. Bawat segundong tumatakbo ako, ay kasabay ng paghabol ng hininga ko wala na akong matakbuhan. Kasabay na rin ang pagbugso ng ulan. Unti unti nang lumalapit ang lalaking may itim at pulang maskara. May kinuha siya sa bulsa nya! Eto na ang katapusan ng buhay ko.
Napapikit na lang ako, at maya-maya may narinig akong lalaking sumigaw. Pagbukas ko ng mata ko, nakahandusay na ang lalaki sa harapan ko. At may lalaking nakatayo na may ginto na maskaram Katulad ko hingal na rin siya. Tumingin siya sa akin at may asul na pares ng mata. Unti unti siyang lumapit sa akin at hinarang ang dalawa niyang braso na parang kinorner ako. Bumuntong hininga siya ng malakas. At lumapit ang mukha niya saakin. Namalayan ko na lang ang labi niya at labi ko ay magkadikit na.
Biglang lumapit sya sa tainga ko...
"Are you okay" medyong husky na tanong niya. Tinulak ko siya at tumakbo palayo. Bat ganon, sa kanya napunta ng first kiss ko!