Chapter 11

28K 492 8
                                    

Chapter 11 ~ Imbitasyon


Mia's POV:

Gaya ng napag-usapan namin kagabi, idinikta ko sa kaniya ang mga pangalan ng mga kaibigan ko para igawan niya ng imvitation. Pero syempre, tinawagan ko muna sila isa-isa para hindi sila magulat kapag nakatanggap sila ng imbitasyon ng kasal ko.

Una kong tinawagan si Hera dahil siya ang pinakamatalik kong kaibigan.

"Hera. Wag ka sanang magugulat sa sasabihin ko."

"Babaita ka! Wala man lang Hello?"

Sabi nito at sigurado akong inis na inis na naman siya sa akin. Napatawa naman ako sa kaniya.

"Sige na nga. Hello Hera! Okay na?" Natatawa kong saad. Napatingin ako sa kalendaryo dito sa loob ng kwarto ko. May bilog na nakaguhit sa araw ng kasal namin ni Bryle.

"Yan okay na. Bakit ka pala napatawag? 'Di mo ba nakikita na sobrang aga ka kung mang-istorbo ng tulog? Sabado ngayon!"

Siguradong nagbar na naman sila kagabi at late na umuwi. Hindi na bago sa akin ang ganiyang mga nakaugalian nila.

Nagulat ako nung una. Wala sa mga pagmumukha nila na mga lasenggera at lasenggero pala sila. Akala ko, puro pag-aaral ang inaatupag nila pero naalala kong Mayayaman pala sila.

Senior High School ako noon, Grade 11 Student under STEM, nang magdesisyon ang Dean ng School namin na magkaroon ng exchange students mula sa pinakabest na School ng Manila.

Ikalawang pinakamaganda ang School ko kaya hindi ko na nanaisin pang lumipat ng School. Pareho-parehong school lang naman ang mga ito.

Pero ako ang napali ng Dean namin. Maswerte nga ako pero inaalala ko ang babayaran sa School na 'yun. Tiyak na mas mahal ang mababayaran.

Umayaw ako.

Ipinaliwanag ko sa kanila ang magiging problema ko kung sakaling lilipat ako ng School. Mas malapit nga doon ang Apartment ko pero paano na lang ang Tuition Fee ng school na 'yun?

Bumagsak ang mga balikat nilang lahat. Sino ba ang hindi magnanais na hindi makagraduate sa school na 'yun pero hindi lahat ng swerte ay nasa akin.

Nagsend sila ng liham tungkol sa kalagayan ko sa University of the Philippines Diliman (UP). Mula ako sa Ateneo de Manila University (AdMU).

Isang buwan pa lamang ang nakakalilipas magmula noong magsimula ang pasukan. Agad na sumagot ang UP. Hindi ko alam kung anong nakasaad ng pinadala nilang liham sa UP.

Agad na ibinalita sa akin ng Dean na magiging scholar ako doon pero katulad pa rin dito ang babayaran ko doon.

Agad akong umu-osa offer nila. Sila na rin ang nagprovide ng mga uniforms ko at mga bagong School Supplies.

Kinakabahan na natatakot ako sa magiging school ko. Hindi maitatangging mas advance sila kaysa sa akin na nanggaling sa ibang school.

Hindi ko maiwasang mahiya nang pagtinginan nila ako nang pagkapasok ko pa lamang sa school na iyon. Nakasuot ako ng Uniform nila at may ID na nakasabit sa leeg.

Dahil sa bagong salta at nanggaling sa mahirap na pamilya, nabully ako. Ramdam ko ang mapanghusga nilang mga tingin pero pinagsawalang bahala ko ang mga iyon.

Naging utusan ako sa mga simpleng gawain tulad ng pagbabasura ng mga wrapper ng pinagkainan nila. Inutusan rin nila akong gawan sila ng mga projects at assignments pero naglakas-loob akong humingi ng bayad.

Aba! Wala nang libre ngayon sa mundo!

May mga nakilala rin akong mga kapwa ko scholar hindi lalagpas sa bente na bilang. Nabubully rin sila kung minsan.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon