My Girlfriend's Celebrity Crush

4.1K 83 21
                                    

This one is a short fanfiction dedicated to the hottest loveteam ever, KathNiel...  Gawd! I really love them! 


 ***


HALOS lahat sa set ng Princess and I ay busy sa kanya-kanya nilang trabaho maliban nga lang kina Khalil, Kathryn at Daniel na nasa loob ng tent. Scene kasi ni Jao at Ashi Behati ang kinukunan ngayon kaya bakante ang tatlo.



Kathryn and Khalil are sitting on the corner part of the tent while daniel is on the opposite side, staring at them. Naka kunot ang noo nito habang nakatingin kay kath, who's too oblivious about it. Tuwang-tuwa ito sa pakikipag-usap kay Khalil at ganun din naman yung isa. After a couple of minutes, he let out a deep sigh. He can't take it anymore.



DANIEL'S POV



TSK. Naiinis na ako.



Kanina ko pa siya tinititigan at aba nga naman, di man lang makaramdam ang babaeng 'yon. Ang mas kinakainis ko pa, mukhang enjoy na enjoy pa siya sa pakikipagkwentuhan sa iba! Kanina pa sila tawanan ng tawanan ni Khalil. Ito naman si Khalil, alam naman niyang abot langit ang pagkaseloso ko, sige pa rin. 



Bwisit talaga.



Ah. Oo nga pala. Kami na ni Kath pero walang ibang nakakaalam. Ako lang.



De joke!



Syempre alam naming dalawa yun at ng mga taong malapit sa amin. Alangan namang ako lang di ba? Hindi pa namin inaamin publicly, kasi maraming nagsasabi na bata pa DAW kami para sa mga ganitong bagay. Tignan mo, 16 at 15 years old na kami pero masyado pa daw bata. Eh yung iba nga 12 years old pa lang may karelasyon na, tapos kami, BATA?!



Sa totoo lang, dapat hindi ko pa talaga siya liligawan, kaso ang dami-daming nanliligaw at gustong manligaw sa kanya. (Oh, subukan nyo lang dumagdag.) Syempre natakot ako na baka maagaw pa siya ng iba kaya niligawan ko siya at di ko talaga tinantanan hanggang di nya ako sinasagot. HAHA Oh di ba, effecive! KAMI NA NGA EH. :)

Wala talagang nakakapansin sa akin kahit isa sa kanilang dalawa. Kaasar. Kasalanan ko rin naman kasi 'to. Ako dapat ang kakwentuhan niya ng ganyan, kaso di ko talaga mapigilang hindi maasar, mabwisit, at magselos sa kinukwento niya kaya ayun, naghanap ng ibang kausap. Sinubukan ko naman eh, kaso sadyang di ko kinaya. TSK! Sino ba naman kasing boyfriend ang gaganahang makinig sa kwento ng girlfriend niya tungkol sa celebrity crush niya na halos mangisay pa sa kilig habang nagkukwento?! Wala di ba?! At kung meron man, EWAN KO SA INYO!



Sandali, Kilala nyo ba kung sino yung tinutukoy kong favorite topic niya?

my girlfriend's celebrity crush || kathnielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon