Cry

1.4K 5 0
                                    

Masakit pala
Masakit palang marinig na umiiyak ang kaibigan mo
Masakit marinig ang bawat hikbi niya habang magkatawag kayo
Parang unti unting nadudurog ang puso ko.

Di ako sanay na marinig ang hikbi niya
Dahil tuwing kami'y magkatawag ay panay ang halakhak niya
Kung hindi niya sinasabi na may problema siya
Hindi ko nahahalata dahil ang pinapakita niya pa rin na mukha ay masaya.

Nakakainis
Yan ang paulit ulit niyang sambit
Ramdam ko ang sakit
Ramdam ko ang inis
Ramdam ko ang paghihinagpis.

Bakit naman ganun?
Hindi niya dapat pagdaan ang mga problemang ganoon sa buhay niya ngayon!
Kung pwede lang saluhin lahat ng problema niya
Ginawa ko na.

Andito lang ako para maging unan mo
Andito ako para maging sandalan mo
Andito ako para sumama sa bawat laban mo
Andito ako para sa lahat ng bagay na tatahakin mo
Andito lang ako.

Kaya para sayo
Alam kong alam mong para sayo itong tula na ito
Sana makita mo ito
Sana maramdaman mong andito lang ako para sayo.

Unsaid FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon