"Okay ka lang sigurado ka ba sa sinasabi mong yan? Si Drake yon ex mo yon baka nakakalimutan mo"
"ate Chloe sino namang nagsabi sayong ex ko na sya? e ni hindi nga kami naghiwalay. "
"Jusko naman Jane matic na yon, kailangan nyo pa bang maghiwalay para masabing ex mo sya? e ikakasal na nga yong tao e" bahagya syang natigilan at nag-aalalang tumingin sakin.
"I'm sorry I didn't mean t--" pinutol ko ang sumunod nya pang sasabihin.
"ate Chloe it's okay, alam ko na ang tungkol dyan sa harapan ko pa nga nagpropose e" mapait ang ngiting sabi ko.
"anong ibig mong sabihin?"
"Pumunta ako sa concert nila sa US at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasaksihan ko kung pano nya inayang magpakasal si Thamara, alam kong hindi magandang tingnan pero.." Sandali akong tumigil. "Pero hindi naman siguro magiging kalabisan kong gugustuhin kong makasama sya, kung aasa akong mababawi ko pa sya, na baka posible padin yong saming dalawa kahit may Mara na."
"Oh My Gad! I'm sorry Jane" natatarantang sabi nito.
"It's okay ate Chloe, I'm sorry din kung nasabi ko yon, that's so unprofessional. Wag mo na lang intindihin yong sinabi ko"
"No, kung yan lang ang magagawa ko ay gagawin ko basta ba ipapangako mo na hindi maaapektuhan nito ang trabaho mo."
"Talaga? Pero hindi mo naman na kailangang gawin pa yon ate Chloe."
"No, and besides sya naman talaga ang plano kong kunin para role na yon, isipin mo na lang na hindi ko to ginagawa para sayo, kundi para sa kapakanan ng sarili kong movie."
"Thank you ate Chloe, this means a lot to me"
"Ano ka ba sinabi ko naman sayong hindi to para sayo, saka hindi padin tayo sigurado kong tatanggapin ba nya ang project na to."
-----------
Ilang saglit pa matapos naming mapag-usapan ang iba pang bagay tungkol sa movie ay nagpaalam na ako sa kanya.
Pinaalala nya lang sakin ang mga dapat kong gawin at kailangan kong maghanda para sa gagawin kong proyekto. Alam kong maninibago ako pero dahil nandito si ate Chloe ay alam kong magiging okay ako.Nasa loob na ako ng kwarto ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari sa buong maghapon. Hindi ko inaasahang magiging mabilis ang pagtugon saakin ni ate Chloe isang napakalaking proyekto agad ang ipinagkatiwala nya sakin.
Hindi ko maiwasang mapangiti, kinakabahan ako pero excited din ako sa mga mangyayari sakin.Nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko ng tumunog ito.
Si ate Chloe iyon.
'Active pa ang twitter at instagram account mo, mag-online ka'Nacurious naman ako at nag-online twitter.
Maraming bagong tweets doon.
Karamihan doon ay pare-pareho lang, picture iyon, pamilyar na larawan ng isang babaeng abalang kumakain hindi ganun kalinaw ang kuha nito pero sapat lang para makuha ang mukha nya. Pamilyar talaga ang larawan na yon pati ang suot na damit nito.Nakumpirma ko ang hinala ko ng mabasa ko ang caption nito. "Jane Ortega look-alike"
Umabot na ito sa 1M retweets at 500k comments.Natouch naman ako habang binabasa ko ang mga comments doon.
Para tuloy gusto kong pusuan at gusto kong iretweet kung hindi nga lang ako binalaan ni manager na wag munang magpakita sa publiko ay ginawa ko na.
Naging malinaw kasi ang usapan namin na saka lang ako magpapakita kapag nagkaroon ng presscon at kapag nai-launch na ang movie para daw mas umingay ang palabas dahil sa hindi inaasahan ng lahat na pagbabalik ko.
Bigla ko tuloy naisipan tawagan si Meg dahil kung hindi ako magkkwento ay baka matukso talaga akong magpost sa isa sa mga social media accounts ko.
Matapos ng ilang ring ay sinagot nya ang tawag.
"Hello who's this?" Natawa pa ako sa mataray na paraan ng pagsagot nya.
"Meg, si Jane to."
"Oh Jane, ano kumusta? Nakausap mo na ba si Ate Chloe? Ano anong sabi nya? Anong reaksyon nya?" Sunod-sunod na tanong nya.
"Wait lang naman isa-isa lang pwede?" Awat ko sa sunod-sunod na tanong nya."nagkausap na kami, galing ako sa opisina nya kanina at gaya mo syempre ay gulat na gulat din sya."
"Hahaha naku naiimagine ko pa lang ang reaksyon nya ay natatawa na ako, tapos ano pang nangyari?" Tanong ulit nya?
"Ayun sinabi ko sa kanya yong plano ko at pumayag naman syang bigyan ako ng trabaho"
"Naks edi aarte ka na ulit? Naku habang naghihintay ka ng break ay maghanda ka na sa muling pagsabak mo sa industriya."
"Actually hindi ko na kailangan maghintay pa dahil may offer agad saakin si manager na malaking project" proud na sabi ko sa kanya.
"Really? Wow that's great"
"And guess what!"
"What?" excited na tanong nya.
"May posibilidad na si Drake ang maging leading man ko"
Saglit na natahimik sa kabilang linya.
"Hello! Meg are you still there?"
"Ahh yes, nagulat lang ako sa sinabi mo, I mean sigurado ka ba, handa ka na bang makatrabaho ulit si Drake?"
"Hindi ko alam pero kung ito yong paraan para mapalapit ulit ako kay Drake ay gagawin ko"
"What? Jane, magpapakasal na yong tao iniisip mo parin bang magkakabalikan kayo?"
"Meg, I know okay? Hindi ako tanga para hindi malaman yon sa harapan ko pa nga nagpropose diba? Pero masisisi mo ba ako? Mahal ko sya mahal na mahal ko sya and I want him back" matigas na sagot ko sa sinabi nya.
"Haist ikaw ang bahala desisyon mo yan basta Jane ha binabalaan kita naku kapag ikaw nasaktan dyan sa mga pinaggagawa mo wag mong sabihing hindi kita pinagsabihan"
" Meg, salamat pero alam ko ang ginagawa ko, at hindi na ako masasaktan pa dahil mula ng araw na malaman ko ang lahat ay nasasaktan na ako."
Isang buntong hininga lang ang sinagot nya sakin at wala na ding nagawa pa.
Kanina pa nagpaalam si Meg sa kabilang linya. Naisip ko ang sinabi nya maari ngang mas masaktan ako sa gagawin ko pero wala na choice ko to at ayoko namang magsisi sa huli na wala akong ginawa para mabawi ang taong mahal ko
BINABASA MO ANG
She fell asleep (COMPLETED)
RomansaSi Jane Ortega ang babaeng hinahangaan ng lahat. She's a celebrity, Ms talk of the town. Maganda, mayaman at mabait pa. Wala na nga talaga syang mahihiling pa lalo na ng dumating sa buhay nya si "Drake Alarcon" He's famous and idolized by many. N...