"Wahahahaha, blehh! Blehh! May lahing baliw pala kayo Blaire, hahahah blehh! " Mga nakakabinging tawanan at pambubully kay Blaire.
Di natiis ni Blaire tumakbo siya palayo sabay sa pagpatak ng namumuong mga luha sa kanyang mga mata dulot ng pang aapi sa kanya ng kanyang mga kaklase. Di namalayan ni Blaire na malayo na ang kanyang narating sa kanyang pagtakbo at narating niya ang pinakamalaking puno ng acacia sa tabi ng kanilang paaralan.
"Pssst! Psssst, Blaire! " Tawag ng bata sa kanya na kumuha ng kanyang attensiyon.
"Sino yan?" tanong ni Blaire na may halong pag aalala.
"Bat ka umiiyak? Tanong ng batang lalaki kay blaire.
" A-away na-naman ako ng ma-mga classmate ko. Huhuhu" Sagot ni Blaire habang humahagulgol.
Ngumiti ang batang kausap ni Blaire. "Gusto mo ba tulungan kita?" tanong ng bata kay Blaire.
"Paano?" Sagot ni Blaire. Ngumiti ito ng taimtim na para bang may masamang balak.
Sasagot na sana ang batamg lalaki kay blaire ng may...
"Blaire, bat ka nariyan? alam mo naman diba na mahigpit na ipinagbabawal ang pumunta dito sa puno ng acacia." Saway ng kanyang guro.
"Sorry po Teacher, di ko na po uulitin" sagot naman ni blaire.
"Pinag alala mo ako Blaire, kanina pa kaya kita hinahanap at bat ka nag-iisa dito?" Tanong ng kanyang guro.
"Hindi po Teacher, may kasama po ako. Ito po siya ohh" at paglingon ni Blaire sa kanyang likod, di niya na muli nakita ang bata niyang kausap kanina, na sabay naman na ikinatakot ng kanyang guro.
" Ayy, Ma'am nandito siya kanina sa likod ko e" Pagdadahilan ni Blaire.
Kinabahan at tumayo ang mga balahibo ng kanyang guro.
" Ikaw talagang bata ka, halika na at magsisimula na ang klase natin." Pag aaya ng guro kay Blaire at sabay na tumingin sa paligid nung sila'y paalis na.
"Ringggg! Ringggg! Ringggggg!" tunog ng bell sa kanilang paaralan na senyales na uwian na.
Taimtim na inayos ni Blaire ang kanyang mga gamit at nang palabas na ito, may nagtaas ng kamay sa kanya at kumakaway pa ito. Pinuntahan niya ito ng malapitan at nakilala niya ito.
"Ikaw nga, ikaw yung kausap ko kanina sa puno ng acacia diba?" tanong ni blaire.
"Oo Blaire, Ako nga." pag sang ayon mg batang lalaki kay Blaire.
Laking gulat ni Blaire na tinawag siya nito sa kanyang pangalan.
"Haa, alam mo ang pangalan ko?" tanong ulit ni Blaire.
"Oo naman, narinig ko kasi ang pangalan mo nung tinawag ka ng guro mo kanina." Pagdadahilan ng batang lalaki sakanya.
"Ahh kaya pala, Haha. Bat ka pala umalis kanina? Gusto pa naman sana kita ipakilala sa Teacher ko." tugon ni Blaire
"Mas mabuti na Blaire na ikaw lang ang nakakakilala saakin." Sagot ng batang lalaki kay Blaire.
(Ang Creepy naman nito!) Sagot ni Blaire sa kanyang isip.
"Nga pala, ano pala ang pangalan mo? San ka nag aaral? At anong baitang kana?" sunod sunod na tanong ni Blaire.
"Ako pala si Cris, 8 taong gulang. Sa malayong lugar pa ako nag aaral at Grade 3 na ako." Sagot ni Cris kay Blaire.
" E san ka nga pala nakatira?" tanong ulit ni Blaire.
(Sa utak mo lang ako nakatira at naglalaro) Sagot ni Cris sa kanyang isip.
" Ahhh, wag mo nang alamin masyadong malayo yun e." sagot ulit ni Cris.
"kung yan gusto mo Cris" nakangiting sagot ni Blaire.
Nagkaroon ng pangangamba sa mata ni Blaire ng makita niya ulit ang mga classmate niyang bully.
"Blaire, May problema ba?" tanong ni Cris.
" Andiyan na naman kasi yung mga classmate kong bully." Sagot ni Blaire.
"Oyyy Jean, ken, and Liam! Look ohh our classmate who is out of her mind kinakausap niya na naman ang sarili niya dun sa sulok. Hhahhaa" Sabi ni Aaron, Ang isa sa pinakabully sa kanilang paaralan.
"Pinagtatawanan ka na naman ng mga classmate mo Blaire" malungot na sabi ni Cris.
"Hayaan mo na lang sila, masasanay na lang ako." Sagot ni Blaire.
" Gusto mo ba tulungan kita?" tanong ni Cris.
"Siyempre naman, pero pano?" pag sang ayon at tanong ni Blaire kay Cris.
Ngumiti lang si Cris kay Blaire. Maya't maya lang dumating na ang Daddy ni Blaire upang sunduin siya.
"Blaire, bat ka nagiisa diyan? Halika na umuwi na tayo at may lakad pa ako." tawag ng Daddy ni Blaire.
Kinabahan ulit si Blaire at wala na naman sa tabi niya si Cris. Di na lang umimik si Blaire at pansin niyang nagmamadali ang kanyang Daddy.
-Aaron's POV-
"Aaron, ano naman itong natanggap kong balita sa school at may pinaiyak ka na naman daw, isa sa mga classmate mo." Tanong ng mama ni Aaron sa kanya.
"Mom, Hindi po yan totoo." pagsisinungaling ni aaron sa kanyang ina.
" Ayusin mo anak, naka ilang school kana dahil sa pambubully mo. Hirap na hirap na ako sa paghahanap ng school mo ah."
"Yes, mom!" sagot ni aaron.
"Btw, mom can I go out with my friends later?"
"At bat naman kita papayagan?" Tugon ng mommy ni aaron.
"Mom, this is all about lang naman sa school e, we have group projects sa math." Pagsisinungaling ulit ni Aaron.
" Okay, okay. Basta wag mag papaabot ng gabi ahh, delikado ngayon sa daan lalo't na kung gabi." pag papaalala ng Mommy ni Aaron sa kanya.
"Okay mom" sagot ni Aaron.
Bandang alas siyete ng gabi, pauwi na sana si Aaron at ng may biglang humablot sa kanya papunta sa madilim na eskinita.
"AHHHHHHH! SINO KA? PAKAWALAN MOKO? MOMMMYYYYY!" walang humpay na sigaw ni Aaron.
"TAHIMIKKK!" Sigaw ng babae kay aaron.
(Hi Readers! Having fun with this story? Please comment below if you want me to continue this story. SALAMAT!)
YOU ARE READING
Night Blaire
HorrorHalika't pasukin natin ang madilim na mundo ni Blaire. Si Blaire ay 18 taong gulang, Ang dalagitang mayroong Dissociative Identity Disorder (DID) o mas kilala sa tawag na Multiple Personality Disorder na ito ang kanyang dahilan kung bakit palipat li...