Chapter III

101 4 0
                                    

Nasa garahe na kami nila Third para kunin ang motor. Nauna siyang umangkas dito at sinisimulan na niya itong paandarin. Wow, gagamitin namin ngayon ang bagong regalo sa kanya ni Sir Luke. Ducati Superbike 1199(Paligale 119) na ang halaga lang naman ay tumataginting na 1.2 million pesos. Late gift ito ni Sir Luke sa kanya para sa pagtatapos niya sa Grade 10. Since minor pa siya nung time na yun eh hindi pa siya pinapayagan na magmotor kaya ngayong labinwalong taon na siya eh saka pa lang sa kanya ibinigay ang motor. Unang beses namin tong gagamitin ngayon.

Nakasakay na si Third ng motor at saka ibinigay sakin yung isa pang helmet. Tig-isa kami ng helmet for safety. Parehong kulay gray ang mga ito tapos may embedded na pangalan namin sa kanya-kanyang helmet. Tapos sa gilid naman ng helmet ni Third ay may nakalagay na numero na "43" at yung sakin naman ay numero "1".

Tinanong ko si Third kung bakit yun yung mga numero na nakalagay at bakit di na lang yung numbers ng birthday nila. Pero napailing na lang siya sabay sagot ng basta yun lang daw talaga ang helmet na kulay gray.

Isinuot ko na ang helmet saka umangkas sa likuran ng motor.

"Kumapit ka sakin ng mabuti Pat. Since first time mo makasakay sa napakagarang motor ko. Baka mahulog ka sa sobrang bilis nito," pagmamayabang ni Third na parang bata.

Di ko alam kung may care ba to sakin o sadyang nagmamayabang lang ng grabe sa bago niyang motor. Ang sarap batukan.

"Ah, wag na di naman ako mahuhulog."

"Ibahin mo tong Ducati Superbike 1199 ko," proud na sambit niya. "Humawak ka na lang kasi," dugtong niya ng may seryosong tono.

Humawak ako sa balikat niya nang bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko saka ibinaba sa may parteng waist. Nahawakan ko tuloy ung matitigas niyang abs. Ang laki talaga ng pangangatawan ni Third sa edad niyang labinwalo. Nakakailang kaya medyo linuwagan ko ang pagkakakapit ko sa kanya at tanging damit niya lang ang hinawakan ko.

"Naiilang ka ba Pat?" tanong niya sakin habang tumatawa. " Naiilang ka bang hawakan ang abs ko? Baka nagiging babae ka na Pat dahil sakin ah? Nababakla ka ata sakin eh," pang-aasar niya sakin habang tawa ng tawa.

Napansin niya pala. Napatigil siya ng binatukan ko bigla ang ulo niya. Buti na lang may helmet siya kundi baka masakit-sakit din mararamdaman niya bungad ng pagbatok ko sa kanya.

"Yucks! Ako maiilang?! Baliw. Pareho tayong lalaki rito Third. Tsaka ako maiinlove sayo! Yucks baboy!" sagot ko na inis na inis sa pagbibiro niya.

"Oo pareho tayong lalaki. Kaso nga lang ikaw Pat-tri-cia Fajardo eh half po," humagikgik lang siya sa pang-aasar sakin. "At saka wala naman akong sinabi na maiinlove ka sakin ah," dagdag pa niya sabay tawa ulit. "Ikaw Patricia ah, baka may di ka sinasabi sakin," pang-aasar niya ng nakangisi.

"Tumigil ka nga baboy. Tsaka call me Pat, P-A-T, Pat not Patricia."

"Ows. Patricia! Patricia! Patricia!" sigaw niya with matching troll face sabay tawa.

"Gusto mo ba patunayan ko sayo na hindi ako naiilang?" sambit ko sabay tingin sa kanya ng inis na inis.

"Sige nga? Pano?"

Hinawakn ko ang parteng tiyan niya ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang buong katawan niya lalong-lalo na ang abs niya. Halos dikit na dikit din kami sa kakaunting espasyo ng upuan ng motor na ito.

Hindi siya nagsalita pagkahawak ko sa kanya. Hindi na din ako nagsalita kaya pinaandar na niya ang motor.

Mga tatlumpong minuto din kaming nasa byahe. At tatlumpong minuto din akong nakahawak sa kanya ng ganon. Ramdam ko ang awkwardness ng atmosphere sa tagal kong nakahawak sa kanya. Hindi siya kumikibo at mukhang tutok na tutok sa pagmamaneho ng motor. Hindi na rin ako kumibo hanggang sa nakaabot na kami sa eskwelahan.

Ipinarada niya ang motor sa parking lot ng school at saka kami nagsimulang maglakad papunta sa isang building na nasa bandang kanan ng gymnasium. Pagdating namin ay madami-dami na din ang nakapila.

Napakalaking school ang pinasukan namin ni Third. Kada departure ay may sariling building. Pagpasok mo sa school ay agad mong makikita sa hindi kalayuan ang building ng ABM Department. Sa kaliwa naman nito ay ang building ng teacher's faculty at Dean's office. Sa bandang likod naman ng ABM Department ay ang school canteen. Sa tabi naman nun ang Tech.Voc. Department. Sa likod din nu n ay ang magkaharap na building ng GAS Department at HUMSS Department. Sa bandang kanan naman ng school makikita ang SPORTS & ARTS Department. At katabi nun ay ang STEM Department.
Sa may center naman ng school ay ang napakalaking gymnasium na kung saan idinadaos ang mga events at programs ng school. Sa left wing naman ng school ay ang library at clinic.

Hindi na ako magtataka kung bakit sikat ang Sullivan Senior High Academy (SSHA) sa buong Philippines. Bukod sa napakalaking school ito ay globally competitive ang mga professors rito. Ikalawa, kompleto sa facilities ang school na magagamit ng mga estudyante. At lastly, exclusive ang school na ito sa Senior High lamang. Ang Sullivan Schools ay composed of Sullivan Elementary and Preschool, Sullivan Junior High, Sullivan Senior High Academy at ang Sullivan University. Pagmamay-ari ito ng pamilya ng Sullivan.

Nasa building kami ngayon ng STEM Department. Guess what? Pareho kami ng strand na kukunin ni Third. Una sa lahat, si Mommy Therese ang nagpapaaral sakin. Humingi siya ng pabor na bantayan ko raw si Third. Dahil sa nakakahiyang tumanggi ay umoo na lang ako at kumuha na rin ng STEM kagaya ni Third para mabantayan siya. Naaa loob na kami ng STEM building para magpaenroll dito. Grade 11 na pala kami. Mahaba-haba na rin ang pila kahit alas 8 pa lang ng umaga. Nakipila na rin kami ni Third.

Habang naglalakad kami papunta sa pila ay may nakabangga si Third na babae. Muntik nang matumba yung babae pero agad naman itong nasalo ni Third tulad ng eksena kung saan masasalo ng prinsepe ang prinsesa saka mag-e-slow mo ang lahat.

Pagkasalo ni Third dun sa babae ay agad niya naman itong itinayo saka binitawan. Tumingin siya sakin na parang may gustong sabihin.

Hindi ko siya maintindihan. Tiningnan ko lang siya sabay tingin sa babae pero bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko saka dumiretso sa paglalakad papunta sa pila.

"Tha-thank you," sabi ng babae habang nakatalikod kami.

Hindi umiling si Third sa babae at dirediretso lang sa paglalakad. As usual eh ganyan siya palagi.

Bibihira si Third makipag-usap sa mga babae. Halata ding umiiwas siya sa mga babae. Hindi ko alam kung bakla ba to o torpe. No girlfriend since birth siya. Ang gwapo naman niya, maputi, matangkad, matipuno ang pangangatawan, mabait, madaming alam gawin like pagtugtog ng instruments at magaling din aa  basketball at lastly mayaman pa.

Dahil sa mga katangian niya ay madali lang para sa kanya na maghanap ng girlfriend, pero hindi niya ginawa kahit isang beses. Ayaw niyang makipagkaibigan sa mga babae and napapansin ko ding umiiwas siya kapag may lumalapit sa kanyang babae simula nung grumaduate kami sa elementary.

It happened during our graduation celebration. Ginanap ang celebration a week after ng mismong graduation day. Since sabay kaming grumaduate ni Third ay nagcelebrate sina Mommy Therese at Sir Luke para saming dalawa. Ginanap ang celebration sa D' Luca Resort nila sa Batangas.

Ang saya-saya niya nun dahil nakagraduate na kaming dalawa sa elementary. Ininvite namin ang mga friends namin nun at mga teachers namin.

Ang saya naming dalawa nung gabing yun. May pool party pa nga eh. Dahil sa gabi na ay doo na natulog ang iba sa mga bisita. Yung iba naman ay umuwi na.

Huli kong naaalala bago ako matulog ay ang saya pa naming dalawa.

Pero pakatapos nun ay nagbago si Third. Nag-iba ang ugali niya. Ni hindi siya kumikibo pakalipas nun. Hindi ko mawari kung bakit siya nagkaganon.

Kinausap ko siya nun pero hindi niya ako pinapansin. Kahit sina Mommy Therese at Sir Luke ay hindi din niya kinakausap.

Minsan ay nagkukulong lang siya sa kwarto at panay tahimik lang.

Dinala siya ng mga magulang niya sa isang psychiatrist pero wala pa ring pagbabago sa kanya.

Hanggang sa bumisita sina Granny Margarette para kumustahin siya.

Slowly Falling In love With The Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon