Chapter 1

64 2 0
                                    






Savvine POV

Napabalikwas ako ng bangon sa gulat nang biglang tumunog ang phone ko sa may ulunan ko,dinampot ko ito at sinagot ang caller saka muling napapikit.

“Hello?”

“Hey babe.”

Napamulat muli ang aking mga mata nang marinig ang boses sa kabila,sinipat ko ang name ng caller at di ko napigilang napangiti.“hey babe.”bati ko pabalik.

“I'm already home from work,how's my baby babe?”

“as usual,nothing new but baby babe?”natawa ako ng mahina.

“what?that's cute!”depensa naman niya.

“Well,‘baby babe’.How's your day?”

“Its doing great since I heard your voice. ”

“You already said it a million times already babe,”reklamo ko.Wala talaga syang eksaktong sagot sa mga tanong ko,nakakabad trip minsan pero nakakakilig din.“how about you tell me how's your day started.”

I heard him chuckled on the other end,“I really wanted to be with you.”

“Then why don't you?”

“You know I can't. At least not this time.”He sighed.Hindi ko man nakikita ang mukha niya alam kong nalulungkot din siya. “I've been busy.”Lagi namang ganon.

Halos mag-iisang taon narin kami ni Zain pero ni minsan hindi parin kami nagkita in personal.Nasa States siya while I'm in the Philippines.We saw each other pero through cam lang talaga.

Hindi ko naman siya pinipressure eh,gusto ko lang naman talagang makita siya dahil hindi naman siguro hanggang ganito na lang kami diba.

“Don't worry I understand.”Lagi niyang reason busy siya,pero kailan ba naman hindi busy kung ikaw ay nagmamay-ari nang isang kompanya.At lagi ko na lang din syang iniintindi dahil mahal ko ang taong 'to.“I know it's hard for you too.”

“And you know I love you right?”mahina niyang sabi na parang naging bulong na lamang iyon sa pandinig ko at naging dahilan ng muling pagsilay ng ngiti sa labi ko.“I can even give you my life if you ask for it.”

That's what I love about him,not his words but the way he said it,it tickles my heart.

“But I don't need your life.I need you here with me.”Push pa te,papayag rin yan.

“Babe,”sandali syang natahimik na parang nag-iisip nang susunod na sasabihin.And after a long moment of silence, napabuntong-hininga ulit siya,“Okay,let's make a deal.”

“Uh-huh,is it a good kind of deal?”

“Depends.”

“Depends on what?”

“Depends on the outcome.”Sagot naman niya.“If you really want me to be there,you'll agree.”

Parang hindi ko yata magugustuhan to,“okay—”

“Good,thats easy.”

“Wait,I didn't say I agreed!” Pagpapanic ko,paano na lang kasi kung hindi ko naman magustuhan yong deal na pinagsasabi niya!“I haven't heard the deal you're talking about!”He's being unfair right now!

“But you already said 'okay.”Uulitin ko sobrang unfair niya!

“You cut me off!And FYI ‘okay’ and ‘I agreed’ are two different words!”

“It sound same to me.”He said it like singing.Enjoy na enjoy talaga siya sa ginagawa niya.

“Fine,what do you want.”kung sasabihin niyong ang bilis kong gumive-up,alam ko kasing hindi ako mananalo pagdating sa kanya,ayaw kong manose-bleed lalo.

“You're only mine.”

Ikinakunot naman ng noo ko ang naging sagot niya,“but I'm already yours.”

“What I mean is,you can't talk to any guy or even glanced at them when you're with me.Your body,spirit,heart,attention and everything about you is mine.Your body is for my eyes only.Your lips is only for mine.In short, everything  that's yours is also mine.”he said it in just a split second.Habang naiwang nakaawang ang aking bibig sa narinig habang pilit nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya.I never thought that he's that possessive.“and one more thing,you'll follow everything I say.”and a control freak.

“And if I don't? ”

“We'll see.”





Late na akong nagising kinabukasan kaya paglabas ko nang kwarto ay naabutan ko si mama na nagluluto na nang tanghalian,dumiretso ako sa tabi niya at umupo sa bakanteng upuan.First time kong naabutan si mama na nasa kusina dahil sa'min dapat ng kapatid ko ang gawain sa kusina kapag weekend kaso late nga akong nagising dahil halos malapit na yatang mag-umaga nang matapos kaming mag-usap ni Zain.

“How's Zain?”biglaang tanong nito na hindi ko naman sinagot dahil inaantok pa ako.“kailan siya dadating?”

“aha!You're eavesdropping again!”tuluyang nawala ang antok ko nang batukan ako ni mama.

“Narinig ko lang.”

“Nahuli na kaya kita nang ilang ulit sa labas ng kwarto ko,”except kagabi.Nakalimutan kong ang hilig nga palang makinig ni mama kapag tatawag na si Zain.Wala naman akong tinatago sa kanya,ngunit talagang chismosa si mama,ayaw makuntento eh.

“But it's a good thing,Sav.Akala ko kasi maunahan kana ni Red na mag-asawa.”

Si Red ang kaisa-isa kong kapatid na mas bata sakin ng isang taon,kabi-kabila ang dini-date niya kaya iniisip na agad ni mama na magse-settle ng maaga ang kapatid ko kahit na ini-enjoy lang naman ni Red ang pagiging dalaga.

“Ma,for experience lang yang ki Red,ang akin seryoso 'to.”depensa ko naman.

“Hindi,hinahanap lang niya ang lalakeng mamahalin at tatanggapin siya kaya palipat-lipat siya nang tahanan.”

Nagkibit-balikat na lamang ako.
“Pero ma,hindi ba kayo natatakot sa mga bagay na madiskubre mo dahil sa pakikinig nang usapan namin ni Zain?”

“Gaya nang?”

Kumuha muna ako nang dalawang pares ng slice bread at tumayo na sa kinauupuan ko bago siya sinagot.Kailangan kong lumayo baka mabatukan na naman niya ako sa naiisip kong isasagot.

“Gaya nang ano Savvine?”tanong ulit nito.

“You know,”I shrugged, “dirty things like,”nasa tapat na ako nang mismong pinto ng kwarto ko nang humarap ulit ako sa kanya.“sex on cam.”

Diretso akong pumasok nang kwarto bago pa man makita ang reaksyon niya.

“Don't you even dare to do that Savvine Blue Pilantrino!”narinig kong sigaw ni mama na siyang kinahagalpak ko nang tawa,“Puputulan ko talaga kayo nang WiFi forever!”ayan pati si mama naniniwala na sa forever.

“Nice one,ate!”sigaw naman ni Red na kakalabas pa yata nang kwarto niya.

Narinig ko pa ang tila walang katapusang pang-aasar ni Red kay mama bago siya bumungad sa pinto nang kwarto ko.

“So,he's coming huh.”

“Uh-huh.”maikli ko namang sagot habang pinasadahan ko nang tingin ang loob nang closet ko.Darating nga siya three days from now kaya lang dahil sa napilit ko siya at hindi sa kagustuhan niya.

Napangiwi na lang ako sa nakita,sweater,jeans,shirt,sweater ulit,jeans,shirt,yon lang yata ang meron ako.

“Magshopping ka kasi kahit isang beses lang.”sabi ni Red nang makita ang reaksyon ko.

Napanguso na lang ako,magmumukhang katulong ako kapag ito ang mga isusuot ko kasama si Zain.

“Mag-ayos karin nang gamit mo,isasama kita.”Utos ko sa kanya na siyang ikinatalon nito na may palakpak pa.“Pero bilisan mo ah,kailangan kita dito.”pahabol ko nang tumakbo na siya sa kwarto niya.

“For what?”sigaw naman niya pabalik na alam kong umuusok na naman ang ilong nito.Tamad lang.

“I need your clothes and sense of fashion!”


Escaping With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon