Chapter 2

30 1 0
                                    



Savvine POV

“Ate,are you sure about this?”Ilang ulit ko nang narinig na tinanong yan ni Red simula pa sa bahay hanggang sa City.

“Yes,sure than ever.”at yun din ang palagi kong sagot.

“Kanina ka pa kasi wala sa sarili.You should be excited. ”

“Red,iniwan natin si mama na mag-isa sa bahay,so we have to make this worth it.”

“Okay.”Sang-ayon nalang niya.

Iniisip ko pa lang na naiwan si mama sa bahay mag-isa,gusto ko nang matapos agad to.Hindi naman sana siya  dapat nag-isa kung hindi lang kami iniwan nang aming ama.I was 10 then nang tumalikod siya't hindi na kami muling liningon.Ayon sa kanya sagabal daw kami sa mga pangarap niya kaya hindi na lang din kami naghabol kasi bakit naman namin hahabulin ang taong isinuka na kami.

Binuhay kami ni mama nang mag-isa through my grandfather's company atsaka sa mga raket niyang nalalaman online.Red and I were in college and isang taon na lang ga-graduate na ako.We survived, so I guess we don't really need him at all.Hindi naman sa ipinagpasalamat ko na iniwan niya kami but because of what he did,naging close pa kaming tatlo ngayon kaysa dati.

“ah ate,kaya mo na yan di ba?”tanong ni Red na ang tinutukoy ay ang mga bagahe namin.

“No!Ang bag ko lang ang kaya ko,Yang sayo pang-isang taon yata ang laman niyan.”

“Sandali lang naman.May kailangan lang akong gawin.”

Napakunot naman ang aking noo sa naging turan niya.Kadadating lang namin busy na siya.

“May kilalanin lang akong tao.”Lumingon siya sa kanan niya kaya sinundan ko iyon ng tingin.

Isang lalakeng nakasimangot habang nakasandal sa isang kotseng pula habang kinakalikot ang kanyang hawak na cellphone ang nakita ko.Hindi rin ito pahuhuli sa isang ‘prince charming’na pinapangarap ng mga kababaihan,sa bagay,lahat naman nang dini-date o kaibigan man ni Red pang-modelo ang dating.Pero mukhang mahihirapan si Red dito dahil ang sungit nang dating nito.

“I'll make him my companion while you're with Zain.”

“Ano?Sasama ka sa isang stranger just to get away from me?”Hindi makapaniwalang tanong ko.

“What?Do you expect me to be with you all the time?”Tinaasan naman ako nito nang kilay habang nakapameywang.

“Yeah?”Hindi narin ako sigurado sa sagot ko.Hindi ko naman kasi ito pinlano.

“Like ewww,gusto mo ba akong magmukhang third wheel sa inyong dalawa?”Pagtataray naman niya.

At hindi ko rin naisip na madali nga palang maboring 'tong kapatid ko.

“Okay fine,flirt with him on your own.”

“Of course, it would be weird kung tayong dalawa.”

“Ha.ha.ha.Nice one Red.”Saka ko siya binigyan nang pekeng ngiti.

Tumawa naman ito bago ako talikuran at naglakad patungo sa kanyang misyon.

And now I'm all alone with a three baggage in my hand.Just great.I guess I have to bring this all by myself huh.Di ko akalaing mag-iisa parin ako after kong dalhin ang mabait kong kapatid.Super duper great.
At dahil mag-isa lang ako,kinailangan pa akong tulungan nang staff nang hotel na inupahan namin na buhatin ang mga bagahe ni Red.




Ilang minuto bago lalapag ang eroplanong sinakyan ni Zain ay nasa airport na kami at hinihintay na lamang siya.
I keep on rubbing my two hands together,bagay na ginagawa ko lang kapag kinakabahan.Hindi ako mapakali,walang pumapasok sa isip ko na dapat gawin once I saw him.Yayakapin ko ba?Hahalikan?Or shake hands na lang kaya?

Napansin kong pinipigilan ni Red na matawa but I just ignored her.Ilang sandali pa'y tumunog ang phone ko,a message from Zain popped up in my screen.

I turned to Red,“Teka,Red.Anong gagawin ko?Andyan na siya!”

“Yakapin mo siya ta's ikiss mo sa lips.”Sabi naman ni Red na halatang walang pakialam.Napangiwi na lang ako.

“Che,landi mo talaga.”

“What?He's your boyfriend. ”

“Kaya ikiss agad sa lips?”Natawa pa ito sa sinabi ko.Kainis,wala talagang naitulong ang babaeng 'to.

Nagpalinga-linga ako,nagbabaka-sakaling matanaw ko na si Zain.Hanggang sa may nakita akong lalakeng nakatalikod,palinga-linga din ito na parang may hinahanap.He look like Zain,his broad shoulder, his hair at pati na ang kanyang tindig.Madalas kasi akong padalhan ni Zain nang mga stolen shot niya galing sa kanyang kaibigan kaya alam kong kapag nakita ko siya makikilala ko agad siya.

I flinched when Red shoved me to the guy.Napansin yata nitong tinitigan ko ang lalake.I was rubbing my two hands again habang naglalakad ako patungo kay Zain.Nang nasa mismong likod na ako nang lalake ay muli akong napalingon kay Red para humugot nang lakas ng loob at muling binalingan ang nakatalikod paring si Zain.

“Zain!!”I tried my best to sound surprised and excited para man lang mabawasan ang kabang nararamdaman ko.Nang lumigon siya'y agad ko na siyang niyakap nang hindi ko man lang nakita ang reaksyon niya,“Oh my God,I'm glad to see you!”

Ngunit nagtaka ako nang hindi man lang ito yumakap pabalik.But I keep that thought aside,baka nabigla lang din siya.

Medyo tumagal pa ang pagkakayakap ko sa kanya pero wala parin akong respond na natanggap sa kanya kaya bumitaw na ako sa kanya at napatingala sa kanyang mukha.

Diretso sa kanyang mga mata ang tingin ko hanggang sa kanyang matatangos na ilong at mapupulang labi na nakangiti sa'kin.At hindi lang yon isang ngiti.He's smirking at me!

I gasped kasabay nang paghakbang ko paatras,“Wh—who are you?”

“Should'nt I be the whose asking that?”Ngiting-ngiti pa ito na tila nasisiyahan sa naging reaksyon ko.

“I—I thought you were someone I knew.”Napatigagal pa ako dala nang pagkabigla at samahan narin natin ng hiya.

“He must be so hot para mapagkamalan mong ako siya.”
Oopps,humangin yata

Well,he has the body,the face, that any girls dream off.Baka nga pinag-agawan pa 'to nang mga modeling company.

“ahhmm,”

Napatingala ulit ako sa kanya at tinaasan naman niya ako nang kilay.Nakita yata niyang pinasadahan ko siya nang tingin.Pahiya times two!

“Bakit ka nagpayakap sa'kin?”sigaw ko na lang dito para at least man lang matabunan ang pagkapahiya ko noh.

Pinagtawanan pa ako nito bago sumagot,“Your hug is kinda sweet for a welcome.You can also kiss me if you want. ”panunuya pa niya.

“Thats not supposed to be yours!Kapag talaga hindi ko na makita so Zain ngayon,pupugutan talaga kita nang ulo!”pagbabanta ko na pinagtawanan niya ulit.Oh siya na masaya.

Hinanap ko ulit si Zain sa mga taong papalabas pa lang nang naririnig ko parin ang tawa niya.At dahil naiinis na ako dahil hindi ko talaga mahagilap si Zain at hindi parin siya tumigil bigla ko siyang hinampas nang bag na dala ko.At hindi lang yon isang beses tuloy-tuloy ko lang siyang hinampas.

“Hey!”Wala naman siyang nagawa kundi iharang ang kanyang mga kamay sa mukha.“Stop it!”

Napahinto na lang din ako nang mapansin kong pinagtitinginan na kami nang mga tao.Inayos ko na lang ang sarili ko saka taas noong tiningnan siya.

“Kalalake mong tao hindi mo man lang ako napigilan?”

“What,do you want me to hug you too para matigil ka?”

At talaga namang—

“Babe?”

Nablanko na lang bigla ang utak ko nang marinig ang boses sa likod ko.

“My baby honey,Savvine?”

Dahan-dahan akong napalingon at saka ko nasilayan ang mukhang kanina ko pa hinahanap.

“Z—Zain!”

Escaping With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon