Chapter 1 : Trust or not?

4.6K 192 33
                                    

Chapter 1 : Trust or not?

Sa buong pagpe-pair ay wala kaming imikan ng katabi ko. It’s not like I want to talk to him anyway. Habang nagsasalita si Sir Martin sa stage, nagbabasa lang ako ng libro.

Matapos ang ilang minuto ay kinuha ulit ni Sir Martin ang atensyon namin. “This is not just about the deduction showdown. This is also about the activities. So ang mga ka-partner niyong ‘yan, ay magiging partner niyo na rin sa mga aktibidad ng school. We already worked on your new schedules, get them at my office after this.”

This is the worst year. Akalain mo ba namang partner ko rin si Nol sa activities?

“You will be sharing the same grades. Sharing the same classroom. Sharing the same section. Sharing the same project.”

See? This is the worse.

“Cooperate with your partners.”

Napailing na lang ako. “Now, get to know your partners. Sila ang makakasama niyo sa buong year.”

I rolled my eyes. Sigurado akong hindi kami magkakasundo ng isang ‘to.

“Take note, your first activity will start tomorrow.”

Another round of violent reactions filled the arena. Agad-agad? Grabe, ha? Ni hindi pa nga ako makapaniwalang partner kami ni Nol ah.

“What’s your name again?” he broke the silence between us.

“Keena.” sagot ko habang nakatingin lang sa stage.

“Well, Keena, if you want to work alone then go. Gaya mo, ayoko ring may kasama.” napalingon ako sa kanya. Wala pa ring emosyon ang mukha niya.

Is he a human? Mukha siyang robot. Tss.

“Kung pwede lang, kanina ko pa ginawa.” bulong ko.

Sa buong “time” ay wala kaming pinag-usapan ni Nol. Nang sabihin ni Sir na dismiss na kami ay agad akong lumabas ng arena. Ginamit ko ang backdoor para makaiwas sa siksikan.

Habang naglalakad pabalik sa dorm ay nakarinig ako ng mga nag-uusap.

“Ang swerte ni Keena! Partner niya si Nol!”

“Sure ako, panalo na sila.”

“Syempre, kailan ba natalo si Nol?”

Agad akong nainis. Ano ‘to? Parang pabuhat lang ako gano’n? Nakakainis na mas nare-recognize nila si Nol kesa sakin.

I want them to recognize me too. Kung individual lang talaga ‘to, tatalunin ko ang pinagmamalaki nilang Nollan Albuendia. Pero hindi, eh.

“Keena! Ang swerte mo!” salubong ni Agnes. Roommate ko.

“Anong swerte? Tss.” nakangiwi kong tanong at agad na ibinagsak ang katawan ko sa kama.

“Panalo na kayo.” nakangising sabi niya habang naglalabas ng damit sa kanyang closet.

Hindi ako nakasagot. May disadvantage at advantage naman dahil partner ko si Nol. Disadvantage, kasi ang iisipin ng lahat ay siya ang magpapanalo samin at ako ang pabuhat. Tsk. May advantage din syempre. Iyon ‘yung may malaking tsansa na manalo kami.

“Imagine, two brains are working. Perfect.” dagdag pa ni Agnes bago pumasok sa banyo.

Maliligo na ‘yon. Napatingin ako sa wall clock. It’s five in the afternoon. Huminga ako ng malalim at lumabas ng dormitoryo para pumunta sa library.

Holmes’ House of Detectives is a specialized school for aspiring detectives. I am a huge fan of Detective Conan. Sherlock Holmes. Nancy Drew.

Kulay orange na ang langit sa labas. Papalubog na ang araw at kaunti na lang ang mga trainees na nasa labas. Itinulak ko ang pinto ng library. Agad kong nakita ang matandang librarian namin. Unlike the other librarians, mabait siya.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon