Chapter 2 : Suicide Note

3.5K 177 17
                                    

Chapter 2 : Suicide Note

“Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Dr. Jenna nang pumasok ako sa infirmary. She helped me with the girl. Ihiniga namin ito sa puting kama. Wala ng malay ang babae.

Ngayong mas maliwanag ang paligid, mas napansin ang mga sugat niya. Dumudugo pa nga. “Nakita namin siya sa kakahuyan.” sagot ko.

Napailing ang Doktora. “What’s her name?” muli niyang tanong.

Tinignan ko ang ID ng babae. “Esther Legaspi. Section Hestia.” sagot ko.

Agad namang nagsulat si Dr. Jenna. “Ako na ang bahala sa kanya. Bumalik ka na sa dorm mo at gabi na.” aniya kaya tumango ako.

Lumabas ako ng infirmary at tumungo sa opisina ni Sir Martin. Walang habas kong binuksan ang pinto. Alam kong bastos pero kailangan kong magmadali.

“Sir!” tawag ko sa kanya.

Naalis ang tingin niya sa kanyang laptop at tumingin sakin. “What is it now, Miss Velarde? Kung tungkol ito sa pairing ay wala—”

“You need to listen first!” hiyaw ko. Nagulat siya sa sinabi ko.

“Miss Velarde, watch your words—”

“My partner, Nol and I went to the woods because we both saw a distress signal. Nakita namin ang isang babaeng nang-ngangalang Esther Legaspi. Marami siyang sugat sa katawan. Parang binugbog siya ng kung sino.” mabilis na paliwanag ko.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “May napansin kami ni Nol na tao sa isang puno. Inutusan niya akong dalhin si Esther. Pagkatapos ay tumakbo siya para habulin ang nakita naming tao.” lumunok ako.

“I think we need to help him.” I continued.

“Concern ka ba sa kanya, Miss Velarde?” may makahulugang ngiti si Sir Martin.

I slammed the table. “Sir, I am dead serious about this situation. I have no time for senseless jokes right now.”

He cleared his throat. “Okay, we’ll work on it.” aniya at nag-dial sa telepono.

“Hello?” he greeted.

Tumahimik muna ako. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtakbo at kaba.

“Yes, this is Martin Velasco. I want you to search the whole woods because someone told me that there’s a suspicious person inside. May estudyante ring nasa loob ng kakahuyan and his name is Nollan Albuendia. Find him, immediately.”

Tumango tango si Sir Martin. “Yes, yes.”

Nag-tipa siya sa kanyang laptop. “Yes, please. Thank you.”

Ibinaba niya ang telepono at nilingon ako. “Nagpadala na ako ng mga taong hahalughugin ang buong kakahuyan, Miss Velarde. Bumalik ka na sa dorm mo o kaya ay maghapunan na. Ako na ang bahala rito.”

“What? I need to go inside the woods, too!” I demanded.

“‘Wag ng makulit, Miss Velarde. I am sure that Mister Albuendia is safe. He’s smart and we should trust him.” sagot ni Sir Martin.

Wala na akong nagawa kun’di lumabas ng opisina niya. He is a smart guy. But it doesn’t mean that he is safe now!

Pumasok ako sa canteen ng naka-uniform pa. May mga napatingin sakin pero wala akong pakialam. “Keena!” nilingon ko si Agnes na kumakaway sakin. Lumapit ako sa kanya.

Umupo ako sa bakanteng silya. “You looked like a zombie. Anyare sa’yo?” tanong niya at isinubo ang munchkin. Kumuha rin ako kaya nagsalubong ang mga kilay niya.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon