Kurt’s POV
Napatigil kami sa pagsasalita nang biglang may kumatok sa pinto. Alangan namang sa sahig kumatok, diba? Hindi naman siguro kami naka-tira sa underground. Pero teka….sino ba tong kumakatok?
“Ano ‘yun?” Tapos bigla namang pumasok yung isa naming katulong.
“Oh? Sinabi ko bang pumasok ka?” - Pamimilosopo ko.
“Ayy sorry po, sir Kurt. Ano kasi….”
“Oh, di ka makapagsalita? Natameme ka sa kagwapuhan ko, noh?” Siniko naman ako ni Cassy tapos, medyo natawa pa siya.
“Um, may bisita po kayo sa baba.” Sus, yun lang pala. Humarap muna ako kay Cassy.
“Ano, Cas? Sama ka sa baba?”
“Hindi na. Dito na lang ako.” Pagtanggi niya.
“Oh, sige. Maglaro ka lang, ah. Kung gusto mo bumaba, bumaba ka lang. Kung gusto mong tumaas, inom ka ng Cherifer.”
“Tss, loko ‘to. Ge na, alis ka na. Chupi!” Sabay tulak pa talaga sa akin. Yung totoo, amazona siya sa Wonder Woman, noh? Bumaba na lang ako at nakita ko naman si Vince na naka-upo sa sofa. Malamang tambay na naman yan. Teka, alam na kaya niyang nandito si Cassy?
“Nga pala, Vince. Si Cas-------” Napaputol ako sa pagsasalita.
“Napanaginipan ko na naman siya.” Biglang sabi niya.
“Huh?” Malay ko ba kung sino yung napanaginipan niya, diba?
“Si Keira.” Ahh, siya pala.
“Eh, ano naman ngayon?”
“Ang sakit pa rin pala. Ang sakit pa rin palang balikan yung araw na yun.” Hindi ko alam kung bakit pero kusa na lang akong napatingin sa kalendaryo.
April 26, ito yung araw kung kailan nakipagbreak si Keira sa kanya. At dahil ako nga yung pinaka-close niya sa gang. Ako yung palagi niyang nilalapitan kapag may mga ganitong problema, especially kapag about love ang usapan. Expert kasi ako dyan, hehe. Kahit hindi ko pa naranasan magmahal. Weird, noh?
“Alam mo, bro…….I-kain mo na lang ‘yan.”
“Tss. Bwis*t ‘to. Alam mong nagseseryoso ako dito, eh.”
“I just want to lighten up the mood.” Magsasalita pa sana siya pero, napatingin siya sa likod kaya nagulat siya. Tumingin na rin ako sa likod. Gaya-gaya lang, eh.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?!” Sermon ni Vince. Si Cassy pala yung nakita niya.
“Bakit? Ikaw lang ba pwedeng tumambay dito, ha?”
“Nagtatanong ako.”
“Eh, ano naman ngayon?” Grabe, sa totoo lang. Parang hindi sila magkapatid.
“Sagutin mo.” Wow, demanding pala si Vince?
“Nagja-jogging kami. Tapos nagkabunggu-an kami. Nagpakilala kami sa isa’t-isa tapos niyaya ko siyang pumunta dito sa bahay. Then, naglaro kami sa arcade room. Dumating ka tapos, nag-usap tayo. Bumaba si Cas-------”
“Yun lang talaga ginawa niyo?” Tanong ni Vince
“Yung totoo, Vince. Unli tayo? Paulit - ulit?” Asar naman ni Cassy
“Tss, sorry naman. Lika, kain na tayo.” Alok ni Vince tapos tumingin siya sa akin.
“Oh, ano na naman?”
“Bahay mo ‘to. Kaya, ikaw ang magpakain sa amin.”
“Tama!” Agree naman ‘tong isang babae.
YOU ARE READING
Destined to a Gangster
Roman pour AdolescentsLove and Destiny are really playful. Now, will Ryle and Sandra end this game together?