Chapter 8: Bumped

23 2 0
                                    

Sandra’s POV

“Dito rin kasi ang classroom ko…” Dahek?! Nauna na siyang pumasok at sumunod na lang ako. Maaga pa, kaya kaunti lang ang taong nandito. Mga kalahati lang siguro. Umupo muna ako sa pinakasulok. After 1 hour na nakakaboring with Zander na palagi akong kinukulit, may tatlong babaeng pumasok sa classroom at napatingin sakin. Agad naman silang lumapit sakin habang nakangiti.

“You’re pretty and sexy. Bagay ka na maging friends namin.” Sabi nung leader-leader yata nila. Hayys.

“Should I be interested?” Tanong ko.

“Of course! You need me…..for FAME. Sayang yung ganda mo kung hindi ka sikat. And, mas rerespetuhin ka ng mga tao kung sikat ka.” Eto na naman tayo…. Tumayo ako at taas-kilay na humarap sa kanya.

“I don’t need your fame. Coz, I’m a GUERRERO.” Nagulat siya, pero ngumisi pa rin.

“Mind to give me a proof?”

“It’s for me to know and for you to find out if that’s true.” Kinuha niya ang bag ko at akmang bubuksan to, pero hinawakan ko ang kamay niya at hinigpitan to.

“How dare you!” Sabi niya kaya mas hinigpitan ko pa ang paghawak ko sa braso niya hanggang sa medyo mapasigaw na siya sa sakit.

“Ugh! Celine, Audrey! Ano, tatayo lang kayo diyan? Shit, help me bitches!” Susugurin na sana nila ako, pero sinipa ko lang yung tiyan nung isa at hinila yung buhok ng isa. Am I now a bitch? Yeah, I think so.

Biglang may humawak sa dalawa kong kamay. Nagpumilit akong makawala sa hawak niya, pero hindi ko kaya. Napatingin ako dito.

“Zander! Ano bang ginagawa mo?!”

“Well, he’s just protecting me, Guerrero-pretender!” Napangisi si Zander.

“I’m not protecting you, Vida. Ayoko lang mapaaway si Cassandra. She’s the one I’m protecting, not you. Grabe! Mano-nosebleed na ako sa mga pinagsasabi ko.” Napa-iling na lang ako sa sinabi ni Zander. Biglang may pumasok na teacher.

“Ms. Gonzaga, ano na namang kaguluhan to, ah!”

“Well, this must be new to you, Ms. Plaza. Dahil, ngayon hindi ako ang nagsimula ng away. This transferee, started the fight!” Sabi niya.

“And, what’s your name, Ms?” - Tanong nung teacher sakin.

“You’ll find out. Ano, mapapa-guidance na ba kami?”

“Well, obviously. You, Ms. Gonzaga, Ms. Morales and Ms. Aguilar. Follow me to the Principal’s office.” Sabi niya at umalis na.

“Hayys, sana kasi hindi ka na nakipag-away.” - Zander. Hindi ko na lang siya pinansin at sumunod na lang dun sa Principal’s office. Pagkarating namin dun, agad akong umupo sa swivel chair na dapat inuupuan ng President ng school.

“A little respect, Ms. Transferee. That chair is the President’s chair. And, you are not allowed to sit there.” - Ms. Plaza

“I don’t care. Sa’n na nga pala yung president?” Magsasalita na sana siya pero, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang president.

“I’m here. Sorry, for being late. Anyway, sino nga pala ang------” Naputol ang sinabi nang mapatingin siya sakin.

“Oh, hija? What are you doing here?” - Tanong niya sakin. Lumapit ako sa kanya at bumeso. Medyo ngumiti ako ng konti. Pero, siyempre peke lang yun. I’m cold, remember? Tss.

“I’m studying here, TITO Charlie.” In-emphasize ko talaga ang word na ‘tito’ at tumingin kela Vida na halatang nagulat sa sinabi ko. Umupo si Tito sa swivel chair.

Destined to a GangsterWhere stories live. Discover now