Ryle's POV
"Wow! Matinde!" - Gab
"Sa'n niyo ba hinugot yang mga pinagsasabi niyo, ah? Nag-audition ba kayo sa Star Hunt?" - Jasper
"Grabe naman kayow! Ibang klase, pramis! Para kayong nasa teleserye." - Zylan
"Hmm....ang pambansang Mr. Suplado and Ms. Mataray!" - Xian
"Shut. Up." Saway ko sa kanila.
"Ayy, tahimik daw. Magbi-beast mode na yang si Phoenix. Sige kayo." - Zander
"Tahimik nga daw diba. Ba't ka pa nagsalita? Tignan mo nagsasalita rin ako kasi sinasaway kita." - Vince
"I SAID SHUT UP!" At tumahimik na nga sila. Shete 'tong mga ungas na 'to. Sakit sa ulo!
"Vince, labas ka muna."
"Huh? Akala ko ba Knight Falcon's meeting 'to. Eh, isa akong Knight. Aalisin niyo na ba ako sa grupo?! Huhuhu!"
"OA." Tanging sabi ni Dylan.
"Oh, ha! Napapasalita nalang si Dylan dahil sa ka-OA-han mo." - Jasper
"Pinalabas ka lang naman kasi. Hindi ibig sabihin 'nun aalisin ka na sa grupo. 'Kala ko ba matalino ka?" - Gab
"Ang harsh mo sa'kin, ah! Hindi mo na siguro ako love, huhuhu! Sige, magwo-walkout na aketch!" - Vince
"Bakla!" Sigaw ni Zylan at Xian sa kanya bago siya umalis, sabay tapon pa ng sapatos. Nang makalabas na si Vince, hinarap ko na silang lahat.
"Ba't mo pala pinalabas si Vince?" - Xian
"We're talking about THE OTHER GUERRERO. And, he can't hear it."
"What about Sandra?" - Dylan
"Uuyyyyy, napapasalita siya! Interested!" - Tukso ni Jasper sa kanya pero binalewala lang siya nito.
"About Guerrero......"
"Ba't ba hindi mo siya tinatawag sa pangalan niya?" - Zander
"Wala....trip ko, eh. Anyway, about Guerrero....don't get too close to her."
"Huh? Bakit?" Sabay nilang sabi lahat.
"Basta. Whatever the reason is, it's valid."
"Pero, ang hirap 'nun." - Gab
"Yeah, she's Vince's sister. Ang hirap na hindi ma-attach sa kanya." - Jasper
"I agree. Why won't you tell us the reason behind this command?" - Dylan
"It's really private. And only I should know about it."
"I won't do it." - Zander
"Wait, what?! Zander------" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya ulit.
"I said, I won't do it. Ayoko ng manatili pa sa conversation na 'to. I'm leaving." Paalam niya at tuluyan ng umalis. Naramdaman kong may tututol dahil sa ginawa ni Zander, kaya agad na akong nagsalita.
"Wala ng tututol. Our meeting is over. You can go now." Dismayado silang umalis. Naiwan lang ako at umupo sa swivel chair. Sa sobrang laki ng Knight, pati conference room ay meron ito.
"You must be sad..." Medyo nagulat ako at napatingin sa nagsalita.
"Ate Rexi? What are you doing here?"
"The Knights just told me what you wanted them to do. Something is wrong, I know. Pero, dahil ikaw ang hari, susundin ka talaga nila."
"Ate...."

YOU ARE READING
Destined to a Gangster
Teen FictionLove and Destiny are really playful. Now, will Ryle and Sandra end this game together?