CLOWN

30 4 0
                                    

"Mga bata,gusto niyo bang makita akong mag-magic?"tanong ng labing walong gulang na clown na si Aqua.Masaya namang nagsigawan ang mga bata at umayon sa tanong niya.

Labis na pinahanga niya ang mga bata nang makita nikang iniluluwa nito ang napakahabang makukulay na tissue sa bibig ni Aqua.Maraming napapalakpak at marami rin nag natatawa sa ginawa nitong trick.

Iba't ibang jokes rin para sa nga bata ang ihinanda niya.Sinigurado rin nito na maging masaya ang kaarawan ng anak ni Don Ernesto.Ang dahilan kata nagkaroon siya ng racket ngayon.Malaki kasi ang bayad nito sa mga ganitong okasyon.Malaking tulong ito para sa pagpapagamot sa kanyang ate na may malubhang sakit,sa pangbayad nito sa renta ng bahay at sa iba pa nilang gastusin.

Umuwi si Aqua na may dalang pasalubong sa kanyang masungit na ate.Ngunit kahit gano pa man ito kasungit at kaarte ay minamahal parin niya ito dahil ito nalang ang natitira niyang kadugo.Lubos na ulila na kasi sila dalawang taon na ang nakakaraan.

"Buti naman at masarap na ulam ang dala mo ngayon Aqua,Jusko!Gugustuhin ko na yatang mamatay kung patuloy na puro galing sa karinderya ang ipapakain mo saakin."sabi ng kayang ate

"Nakatsamba lang naman po kanina ate.Malaki ho ang ibinayad saakin ni Don Ernesto sa pag-cloclown ko.At siya nga pala ate,nakadilehensya na pala ako para sa gamot mo.Yung para sa operasyon mo,yun ang pinag-iipunan ko palang."paliwanag ni Aqua

Sa halip na magpasalamat,inirapan lang siya ng kanyang nakatatandang kapatid na siyang dahilan upang mapasimangot siya.Tumungo siya sa kanilang banyo upang hugasan ang makapal na make-up nito at upang maka-ligo.Hubo't hubad siya nang titigan niya ang kanyang sarili sa salamin.Napaluha ito nang maalala ang kalunos-lunos na pangyayari sa kanyang buhay.

Flashback

"Wag ka na nang maarte Aqua,nasa peligro na ang buhay ng ate mo kaya wag mo nang pairalin ang pagiging makasarili mo.Isang beses ka lang naman magpapagalaw kay Mr.Choi at masosolusyonan na ang problema mo.Malaking pera ang kaya niyang ibigay sayo."

Nagpumiglas ang dalaga ngunit huli na ang lahat.Itinulak siya ng kanyang sariling tiyo sa kwarto ni Mr.Choi at binusalan siya kaya nawalan siya ng malay at malayang nagawa ng intsik ang ninais niyang gawin kay Aqua.

End of flashback

Dalawang linggo na ang lumipas ngunit pakiramdam niya kahapon lang nangyari iyon.Ang malala pa nito nakakaranas na siya ng mga simtomas ng isang buntis.Bagay na ayaw niyang subukan alamin dahil maaring hindi niya ito kayanin kung makumpirma niyang nagbunga ang kahalayan ng walang hiyang intsik na iyon.

Kinabukasan ay muli siyang nakaranas ng pagsusuka.Tila nabahala na si Aqua at pinatatag ang sarili dahil unti-unti niya nang nakukumpirma na nagdadalang tao siya.Maluha-luha siyabg nagpunta sa botika at bumili ng pregnancy test at nang subukan niya ito,....halos gumuho ang mundo niya nang makita niya ang dalawang linya sa pregnancy test.

Ilang araw siyang hindi lumabas sa kanilang bahay.Inasikaso niya na lamang ang kapatid niya at patuloy siyang nag-iisip ng paraan kung ipapalaglag ba niya ang bata o hindi.

Hindi nagtagal ay bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa isang unknown number.Sinagot niya iyon at isang malamig na tinig ng binata ang nagsalita.

"Is this Aqua Dela Cruz,the clown on Don Ernesto's daughter birthday party?..Its me River.Can we meet 5.pm today at Guccino's Cussine?I have something to discuss with you."

Dahil wala pa ito sa mood sumagot ay pinatay niya na lamang ang tawag at itinext ito.

'Ok.'

Malamang ay kukunin siya bilang clown nang tumawag kanina.Ayaw niya pa sanag magtrabaho ngunit naisip niya ang kalagayan ng kanyang kapatid kung hindi siya magtratrabaho.Kaya't labag man sa kalooban niya ay kailangang sunggaban niya ang lahat ng oportunidad na maari niyang pagkakitaan.

Clown (a one shot story)Where stories live. Discover now