Chapter 7
Weekend, and it's Saturday. Walang pasok at wala akong gagawin sa araw na 'to. Well, mamayang gabi meron. Pero ngayon wala! Kaya napagisip isip ko na magshopping na lang, para mawala yung stress ko kahapon dahil dun sa.. argh! Ok kalimutan na yun.
So i did my daily routines. Naligo, nagayos, nag jeans lang ako at t-shirt na may print na Spongebob. Regalo kasi sakin 'to ng kapatid ko. Adik yun eh!
Pagkatapos ay lumabas nako sa kwarto ko at bumaba na para magbreakfast. Nakita ko si Owen na nagiisang kumakain. My younger brother.
"You told me you love me! But you cheated on me. You hurt me so badly bee. Huhuhu.."
Napatingin ako sa kapatid ko. Nagse-selftalking ang loko! Lumapit ako at umupo sa katabi nyang upuan. Nagbago naman ang expression sa mukha niya. I looked at his hands, may picture! Napatingin siya sakin. I grab the picture at tinignan ko kung sino yun pero bago ko pa nakita kung sino yung nasa picture Owen grab it suddenly. Aww!
"Umiiyak ka?" Tanong ko.
"Hindi, hindi, tumatawa ako. Hahaha! ang saya saya ko grabe." Sabay tawa nya na parang tanga.
O__o ? Nababaliw na ata 'tong kapatid ko.
"I see!" Nginiwian ko sya at nilantakan ko na ang pagkain na nasa harap ko. Tinignan ko ang kapatid ko, nakikipagtitigan sya sa plato at sumisinghot. Kitamz! May pinagdadaanan pala ang pakno.
"Hoy! Share mo naman yung pagdadalamhati mo. Narinig ko yun ah! Sino si Bee?" Curious kong tanong.
"She's nothing.." he said and stopped. Tinignan nya ko.
'She's nothing, don't mind her.'
'She's nothing, don't mind her.'
'She's nothing, don't mind her.'
'She's nothing, don't mind her.'
Pesteng flashback na yan! Waaaaah! TT.TT that phrase sucks. Don't mind me daw. Ah! Bakit ba nagflashback yang linyang yan. Tss.
"But a heartbreaker!" Umiwas ng tingin si Owen at tumingin sa malayo. Choss! Joke lang! Lumantak sya ng isang kutsara ng bacon and rice.
So, yun pala. 'She's nothing but a heartbreaker' pala yun. Akala ko kung ano. Teka! Heartbreaker?
"Heartbreaker kapatid?" Tanong ko ulit.
"Ekshactly!" Ngumunguya nyang sabi.
"Your Bee broke your heart?"
Tumigil sya sa pagnguya at tumingin sakin. He nodded.
Aysus! Bata talaga na 'to!
"Nagka-girlfriend ka pala?" Takang tanong ko at tinignan sya sa mata.
"Ay hindi. Ate naman ih!" Sabay busangot nya.
"Joke lang! Hehehe, sa lahi ba naman natin na mga beautiful at handsome. Sinong hindi magkakagusto? Diba? Tsk." Sabay halakhak ko.
"Sus! Bakit? Nagkaboypren ka na ba? May nagkagusto na ba sayo?"
Tumigil ako sa paghalakhak at tumingin sa kanya.
"Wala pa! Hahahaha!" Pinalo ko sya sa balikat ng pabiro. Nakakatawa grabe! Hindi pa pala ako nagkakaboypren. Tss -___-
Nagulat ako ng humalgapak sya sa tawa at ako naman ang pinalo sa balikat, pero hindi pabiro. Masakit sya!
"Aray!"
"Your so funny Ate!" Sabi nya, i glared at him at tumigil naman sya sa katatawa.
"Funny peculiar or funny ha ha ?! Mabuti pa't sumama ka na lang sakin, dadamayan kita sa pagdadalamhati mo!"
"Ok!"
--
@ Mall
"Hoy! Ba't nakabusangot ka jan?" tanong ko sa kanya na nasa tabi ko. He looked at me and took a 1 step meter away from me. Problema nito?
"Don't talk to me, baka mapagkamalan kitang ano jan!" pabulong niyang sabi, pero rinig ko naman. Anong pinagsasabi nito?
Lumapit ako sa kanya at pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya tsaka ngumiti.
"Magkamukha kaya tayo, loko ka talaga! Parehas pa nga tayo ng damit eh!" nakangisi kong sabi sa kanya. 'Tong bata talaga nato, kung ano anong pinagiisip!
"Tss."
Binatukan ko sya. "Ano ka ba? Pumunta tayo dito para magsaya!"
"Whatever!"
Hinila hila ko sya kung saan saan. Panay naman ang tss ng kumag na'to. Ang alam ko lang eh baka may makakita sa kanya na chicks na kasama ako. Mapagkamalan na gerlpren ako tas hindi na magpapapansin sa kanya! Suuuus!
Pinasok namin lahat ng mga botique pero wala pa rin kaming nabili. Eh sa wala kaming mapili so ayun, ang ending eh pumunta kami ng restaurant, ang climax ng paglalakwatsa namin. Dito na rin sa loob ng mall na restaurant, ayaw na kasing lumabas ni Owen. Si Owen na nagorder tutal sya naman talaga yung ginutom. I'm on a diet you know.
Habang naghihintay kami ng order eh nakaramdam ako ng something.. naiihi ako.
"CR lang ako." paalam ko sa kay Owen at tumango naman sya.
Lumabas ako ng restaurant at hinanap yung sign na CR. Oo, sa labas ako nagCR kasi ano.. kasi trip ko lang. Hehehe. Hindi naman nagtagal eh nakita ko rin.
Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at nag jingle. Hindi rin naman nagtagal eh lumabas ako kagad. May napatingin naman paglabas ko. Tsk. Sa beauty ko ba namang 'to. Choss!
Pabalik nako sa restaurant ng may maamoy ako.
*sniff*
Teka! Pabango yun ni Thea ah!
O___O
Ohmyghad! Nandito lang si Thea sa paligid ko. Kailangan ko syang makita, magsososrry ako sa nangyari kagabi. Inend ko kasi lahat ng message and calls niya. Dahil lang dun sa Paknong Zyron nayun.
Hep! Pano kung kasama niya si Zyron? Naku lagot! Maybe i should call Thea. Nawala talaga sa isip ko na magsorry!
Pero--- Patay!
"Dennise?" Rinig kong tawag ng nasa likod ko.
Dennise? Uy! Dennise daw. Tinatawag si Dennise! Sino si--- Ako nga pala yun! -____-
Dahan dahan akong lumingon. Yung parang slow motion.
5
4
3
2
1
Gulp.
"Hi Thea!" bati ko sa kanya sabay ngisi!
At yun na nga! Ayan na nga. Nasa likod niya...
Nasa likod niya si Zyron! -_____-
Nagtama ang tingin namin pero agad naman syang umiwas. ACK! BAKIT KO PA SYA TININGNAN! WALA SYANG KWENTA! PSH!!!
"Dennise!" Akma siyang lalapit pero umatras ako ng konti.
"H-hi Thea, i-i have to go!" pagdadahilan ko. Eh sino ba naman kasi ang gusto makita ang pagmumukha ni Zyron? Edi ako. walang iba. NAKAKASIRA NG ARAW!
"Ok. Cge!" Malungkot naman na sabi ni Thea, ngumiti ako sa kanya at ULIT!!!
Nagtama ulit ang tingin namin ng taong nasa likod niya. Ba't ba kasi nasa likod niya yang taong yan. TSS!
Tinalikuran ko na sila at lumakad na palayo.
Nagbuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
I'll Fall for You (ON HOLD)
Novela JuvenilThe worst pain in love is when your falling ALONE.