Hindi Malamang Luha

163 11 8
                                    


Kita ko ang aking kamao na namamaga dahil sa kakasuntok ko sa pader. Bakas din ito ng matitingkad na pulang likido pero wala pa rin akong pakialam. Ang bawat tulo ng aking luha na kanina pa'y lumalabas, tila'y nauubos na.

Namumugto na rin ang mata ko dahil sa pagluha at hindi pagtulog sa nangyari. Pangyayari na gusto kong kalimutan at ipasawalangbahala sa hangin para ito'y tangayin palayo sa akin.

Isa lang itong gabi na ngayon lang ako nagdadamdam habang namamanglaw sa mala-paraisong kalungkutan na kahit isa'y tao na sa aki'y makikialam. Sa bawat paglatak ng aking hikbi't walang rinig na hinahalintulad sa sinasantong paspasan. 

Labis akong nasaktan pero ngayo'y naging manhid na at wala ng maramdaman.

Hindi ko na ininda ang mga dugo sa pader na kanina ko pa sinusuntok. Kalunos-lunos din ang aking sarili dahil sa sobra kong pag-inom ng mga alak na nakatengga lang sa sahig ng aking kwarto. 

Sa kabila ng lahat ng aking pinaggagawa ay bigla ko nang nakalimutan ang aking suliranin.

Isang suliranin na kanina'y gusto sa aking magpakamatay ngunit hindi nangyari dahil sa matinding pagtangis ko'y na parang naibuhos ko na lahat. 

Lalaki ako pero ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. Humihina ang aking loob at ngayo'y wala ng kwenta sa mundong ginagalawan. Lumuluha ng walang dahilan at nagpapakamanhid sa sakit na mararamdaman.

Kung sinasabi ng ilan na ako'y baliw, 'yon din ang alam ko. "Baliw na ba talaga ako?" siphayong tanong ko sa aking sarili. 

Paulit-ulit din akong umupo't tumayo nang ngayon ay naka-depende na lang ako sa kama habang nakahiga't nakatingin sa kisame. 

"Oo, baliw na nga ako." pagsagot ko na lang kasabay ang malalim na pagbuntong-hininga. 

Ako lang naman ang pwedeng sumagot sa aking mga walang k'wentang k'westyon. 

Habang naglilibang ako sa kakatanong at kakasagot sa aking isipan ay nakapatong na ang aking ulo sa malambot na unan.

Ilang sandali ay napagod na aking talukap sa mata kaya sumarado na ito. Ang mga bagay na nakikita ko ngayon sa aking kwarto ay nagmistulang naglaho't nawala na parang bula.

Bigla akong naalimpungatan at nagkaroon ng malay. 

Hindi pala panaginip ang lahat ng aking mga bangungot. Gan'to ang reyalidad, lahat ng masasakit na bagay ay nasa mundong ibabaw pero ang kasiyahan ay matatagpuan lang sa panaginip. Panaginip na ilang oras lang tumatagal at kapag nagising ka na ay mawawala na ang saysay nito.

Umupo muna ako sa kama bago tumayo ng tuwid para maayos ang aking huwisto. Nakikita ko pa rin ang pader na may bahid ng aking dugo na kahapo'y pinagsasapak ko. Hindi ko na iyon pinansin ng matagal bagkus pinagpapatuloy ko ang paglalakad para sa aking pagbihis at pagligo sa banyo.

"Oo lunes nanaman at may pasok pa." talastas ng aking utak samakatuwid nakabihis na ako ng uniporme habang bitbit ang aking bag. Naibenda ko na rin ang aking kamaong manhid din sa pangyayari. 

Pangyayari na sa aking tanang ay hindi ko na matandaan pero hanggang ngayon ay dinaramdam ko pa rin.

Nasa labas na ako ng bahay habang naghihintay ng masasakyan. Ilang minuto ay dumaan na ang taxi, pumara ito kaya agad akong sumakay para makapunta na ako sa aking destinasyon.

Pinagmamasdan ko ang paligid sa labas ng bintana habang nasa kalsada na kami ni Manong driver. 

Ang kaninang pagkasawi na pakiramdam ay tila natunaw na parang yelo dahil sa magagandang tanawin na makikita sa labas. 

Hindi Malamang LuhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon