Chapter 4

24 3 2
                                    

Ada's POV
Nang makarating na kami ni Ella sa bahay nila at pagbaba namin,tumambad samin ang isang malaking lupain na punong puno ng Bermuda grass ang mga lupa nito..Makulimlim ang kalangitan pero ang aliwalas.Nakatungtong ako sa semento na sahig.Kapag naglakad ka paderetso ay may sasalubong sayong isang malaking pabilog na Fountain.Nakapalibot ang dalawang daan na magkahiwalay sa fountain at konting lakad na lang ay nandon na ang sobrang laking mansyon.Flat ang ding ding na harapan nito at maraming bintana.Bale 6 na eleganteng bintana simula 3rd floor hanggang first floor.Sa first floor ay bubungad sayo ang malaking Pintuan pero pahalang Hindi masyadong mataas.Kulay puti ang bawat ding ding at brown naman ang pinto.

Iginaya ako ni Ella papasok at maraming maids ang bumabati sa kanya dahil birthday niya.Nginitian lang niya ang mga ito at dumeretso kami papasok.Bumungad samin ang isang malaking hagdan sa gitna at may daan pakaliwa at pakanan nun sa taas at maraming tao ang nandodon.Normal lang din ang suotan nila.Sinalubong kami ng isang magandang babae na mukhang may edad na at binati at niyakap niya si Ella.

"Happy Birthday my dear!!Oh!? Siya bayung sinasabi mong friend mo?"Tanong niya Kay Ella at tumingin sakin.

"Yes Po"nakangiting sagot niya pagpapakilala niya samin sa isat isa."Siya rin yung sinasabi ni Dad na maganda kong friend mom hehe,magkakilala na sila"Sabi niya pa.

"Hi Po"nakangiting bati ko.

"Hi dear...oh come..let's go inside.Baby pumunta kana sa taas .Si Manang Lordes na ang bahala sayo.Magbihis ka na at magsisimula na tayo.Ako na bahala kay Ada"Sabi niya at tumango naman sa kanya si Ella at nakipag beso.

"Alright ,Ads Hintayin moko ah...hehe..byebye"Sabi niya pa sakin at nakipag beso rin sakin.Nginitian ko na lang  at umalis na siya.

"Come here dear,follow me"nakangiting anyaya niya sakin at sumunod naman ako sa kanya.

"Umm Dear,ok lang ba sayong diyan ka muna?Don't worry ilang minutes na lang at mag u-umpisa na ang celebration"Sabi sakin ng mom ni Ella habang naka alalay pa sakin sa likod at Pina upo sa isa mga upuan na nakapalibot sa malaking bilog na mesa.

"Mmm...ok lang po.Salamat Po"nakangiting at tatango tangong shot ko.Hinaplos niya pa ang ulo ko at umalis na.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo na siya at nakipag usap sa iba pang bisita.
Magdamag  lang akong naka upo dun at maya Maya ay nagtayuan at tumuon lang ang paningin ng mga eleganteng  bisita sa announcer.

"Let's give an applause for our birthday celebrant!Ella Zafira Vancegrovene!"at nagpalakpakan ang mga tao at may nagtugtog ng piano at violins sa gilid.Dahang dahang bumaba si Ella sa hagdan.Ang Ganda niya!!Hindi man gown ang suot niya pero Naka white long dress siya na smooth and tela at sleeveless.Amputi niya pa.Nakapusod na pabilog ang buhok niya at medyo may pagka messy.Pagkababa niya ay sinalubong siya ng Dad at Mom niya.

Nasasaktan ako sa nakikita ko.Kailanman walang magulang ang bumati sakin sa tuwing darating ang kaarawan ko.Pag tuwing araw na Kasi ng birthday ko ay natutulog lang ako para makalimutan ko din agad.Aaminin kong naiinggit ako Kay Ella dahil siguro simula pagkabata niya ay may mga nanay at tatay siyang tinatawag at nag aasikaso sa kanya.Pero kahit gayunpamay nagpapasalamat parin ako dahil kahit magisa akong lumaki ay nabuhay naman ako ng payapa.Walang gulo kundi isang normal lang na buhay ng tao ang kinalakihan ko.Pero lumaki padin ako na may Alam at hindi ignorante.

Maraming bumati kay Ella at nagpasalamat naman ito at nakipag beso.Matapos nun ay nakipag usap muna siya sa ibang bisita.Naupo ako ulit habang nakatanaw sa kanila.

"Ang Ganda niya no'?"naramdaman kong may nagsalita sa gilid ko at pamilyar sakin ang boses niya.

'tsk!!Yung ugok na naman!!'

The Most painful PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon