Chapter 6 - Meeting his Fiance

143 2 2
                                    

Chapter 6 - Meeting his Fiance

THE NEXT DAY:

Papaakyat nako sa room namen, sa 2nd floor kasi kami e.

*takbo.takbo.takbo*

Baka kasi malate nako.7 pa naman pasok ko.

Kaso nakasalubong ko si Kevin at yun girl na kasama nya palagi.

Syett lang no?

Tadhana bat ganyan ka?

Araw-araw mo nalang ba kong papasakitan?

Sa lahat naman ng makakasalubong sila pa?

Di ko na sana sila papansinin kaso, si Kevin tinawag ako.

"Kishie, di mo ulit mahanap yung room nyo?"tanong nya.

Syett lang.

Ano to?Okay na lahat?

Parang wala lang nangyari.

Pinipigilan ko yung luha ko.Kasi naman bat sya, parang okay na.

Tas ako di pa nakaka-move on.Masakit!

"Alam na nya kung pano pumunta sa room nya."biglang may nagsabi mula sa likod ko.

"Seth?"gulat na sabi ko.

Pano ba naman,nasa likod ko pala.

Buti nalang may lahing mushroom to.Sumusulpot pag kaylangan ko e.

"Aah.Oo, kaya ko ng mag-isa ngayon."sabi ko.

"Babe, sino sila?"biglang sabi nung girl.

BABE?

The hell!Tawagan pa talaga namin tawagan nila?Sakit!

"Aah.Kakilala ko, si Kishiee.Kishie si Sab."

Takte!Kakilala?Kakilala?

Parang wala lang pinagsamahan diba?

Ang sakit!

Itinanggi nya ko.Ganun ba sya kagalit at ka ayaw sakin para itangging ex nya ko?

"Hi Kishie.I'm Sabrina Ruiz.Fiance ni Kevin.Nice to meet you!"sabay extend ng kamay nya sakin.

Fiance?

Di ko alam kung ano irereact ko e.Ganun ba sya kamahal ni Kevin para magpropose agad?

Inabot ko nalang yung kamay nya."Kishie Graciano.KAKILALA ni Kevin.Sya naman si Seth, kaibigan ko!"sabay turo kay Seth.

In-emphasize ko talaga yun KAKILALA e.bitter lang!

Tinanguan lang ni Seth yung dalawa.

"Kishie, tara na!Male-late na tayo."aya sakin ni Seth.

Seth?Superhero kita no?

Kasi naman di ko na kayang magtagal pa sa harap ni Kevin at Sabrina.

Nagpaalam na kami dun sa dalawa.

Papunta na kami sa room nung may madaanan kaming mga babae dun sa hallway.

"Break na pala sila Kishie at Kevin?"narinig kong sabi nung isang girl.

"Oo nga e.Kaso mas maganda padin si Kishie dun sa pinalit."girl 2

"Yeah.Kaso mukang affected talaga si Kishie.She used to wear dresses, look at her now."girl 3

Pag-usapan daw ba ko habang nagdadaan ako?Kamusta naman yon?

Ano naman kung di nako pumoporma?tinatamad ako e.

Pagkalagpas namin dun sa girls, napahinto ako at napatingin sa sarili ko.

Nakasuot ako ng poloblouse, skinny tapos dollshoes.

"Hoy late na tayo, huminto ka pa dyan!"bawal ni Seth sakin.

"Huy, okay naman yung suot ko diba?"tanong ko.

"Oo.Tss.Nakinig ka naman dun sa mga babae kanina."

"Ako lang naman po kasi pinapag-usapan.Psh."

"Mga wala lang magawa yun.Ano naman kung ganyan ayos mo?Sila nga halos kita na kaluluwa sa dress nila!"kunot noong sabi nya.

Kaya kay Seth ako e.Ganyan ang kaibigan!

"Hoy, tara na."tawag ulit nya.

Hahah gwapo pala ni Seth pag galit.magalit nga to minsan.

Pagdating namen sa room.Late na kami, di na nga kami pinapasok ni prof e.

Kaya ayun, nagpunta nalang kami sa school garden.

Kaupo kami sa bench dun,magkatabi.

Kaheadset lang ako.Pampalipas oras..

Ewan ko ba kung nananadya yung phone ko, kasi yung naka-play ay "Crazy for you".

Leshe.Themesong namin ni Kevin yan ee.T___T

Crazy for you daw, tas sa huli ako pala yung baliw.

Ako yung baliw na di makamove-on, habang sya masaya kasama ng iba.

Naalala ko yung unang araw na nagkita kami ni Kevin.

*FLASHBACK*

4th year HighSchool

Nakatambay ako sa Maycee's habang hinihintay sila kuya.

Kaso bigla nalang may kuyang na lumapit sakin.

"Aahh.Miss, pinapabigay nung kaibigan ko.Crush ka daw kasi nya."sabay abot sakin nung frap.

"h-hah?sino?"tanong ko.

Nasan na ba kasi sila Kuya?Amp.natatakot nako dito e.

Don't talk to strangers diba?

" Yung kaibigan ko, crush ka daw nya."ulit nya.

Napatingin naman ako sa pinanggalingan nya.

Wala naman syang kasama aa?

Hala!Baka psycho to?

"W-wala ka naman kasama ha?"sabi ko.

Napalingon sya sa likod.Tas sakin at napakamot ng ulo.

"Aahh.Yun kaibigan ko kasi, ahhh.Ano, ako kasi yun.Nahihiya kasi ko e.Lagi kitang nakikita dito after class."paliwanag nya.

"Aahhh."yun lang nasabi ko.di ko alam sasabihin ko kasi.

"Kevin nga pala,4th year highschool sa WestRidgeHigh at crush kita."pakilala nya.

*END OF FLASHBACK*

Simula nun.Di na nya tinigil yung pangungulit.

Araw-araw nya kong binibigyan ng frap.

Hanggang sa nauwi sa panliligaw.

Di ko namalayang umiiyak na pala ako.

Yun kasi yung araw na nagkakilala kami ni Kevin.

Dati, iniisip ko, yun na yung pinakamasaya at pinakamemorable na araw sa buhay ko.

Pero ngayon, yun yung araw na ayaw ko ng maalala.

Yun yung araw na ayaw ko ng balikan.

Kasi kung di ko nakilala si Kevin,

di sana naging kami.

edi sana, di ako nasasaktan ngayon.

Di sana ko umiiyak ngayon.

Di sana ko nahihirapang magmove- on.

Kasi ang sakit sakit pala ng Break-up.

Ang sakit kasi break na kami pero mahal ko padin sya

SOBRA T___T

WHY WE BROKE UP .. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon