I Love You

1.5K 12 1
                                    

Mahal Kita.
Ngunit bawal tayong dalawa.
Alam kong parehas tayo nang nadarama.
Alam kong Mahal natin ang isa't isa.
Mahal kita.

Mahal kita.
Naalala ko nung una kong sinabi sayong gusto kita.
At nagulat ako dahil ang sabi mo ay parehas tayo nang nadarama.
Para akong nasa ulap sa kasiyahan kapag kasama ka.
At pareho tayo ng hiling na sana ay di na matapos ang araw na ito na pinakamahalaga.
Mahal kita.

Mahal Kita.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nadarama,
bumibilis ang tibok ng puso kapag kasama kita.
Walang iniisip na iba kundi ikaw pag kasama ka.
Nabablangko ang isip tuwing nagsasalita ka.
Natutulala kapag tumatawa ka.
Nauutal kapag kausap ka.
Mahal Kita.

Mahal kita.
Hindi lamang sa iyong itsura,
kundi dahil na rin sa kabutihang ipinakita.
Para sa aking mga mata ay perpekto ka na.
Ikaw lang iisa para sakin sinta.
Wala na akong ibang hahanapin pa.
Mahal kita.

Mahal kita.
Higit pa sa aking makakaya.
Minamahal kita ng buong puso at ligaya.
Minamahal kita sa higit pa sa iyong inaakala.
Mahal kita.

Mahal kita.
Hindi ko na mapipigilan ang pusong ito sa nadarama.
Masyado nang malalim ang nadarama sayo aking sinta.
Parang hindi ko na kayang iahon ang sarili pa.
Pero lahat hadlang sa pagmamahalan nating dalawa.
Ayaw ba nila tayo sumaya?
Hindi ba tayo para sa isa't isa?
Pero kahit ganun,
mahal parin kita.

Mahal kita.
Pero huli na ang lahat para sa ating dalawa.
Tayong dalawa ay hindi talaga itinadhana sa isa't isa.
Alam kong masakit para sa iyo sinta.
Ako rin naman ay nasasaktan para sa ating dalawa.
Mahal kita.

Mahal kita.
Pero mahal pasensiya na.
Hindi kita kayang ipaglaban katulad ng iba.
Dahil duwag tayong dalawa.
Dahil maraming pwedeng sabihin ang iba.
Dahil maraming mapanghusgang mga mata.
Na nakikita ang bawat galaw nating dalawa.
Na gagawa ng isyu at problema.
Kaya't pasensiya na,
ngunit kahit di kita kaya ipaglaban,
Mahal kita.

Mahal kita.
Pero kailangan na nating magpaalam na dalawa.
Dahil iiwan na natin ang isa't isa.
Kahit masakit sa puso nating dalawa,
kailangan nating bumitaw ng sabay at magpaalam sa ating storya.
Storya na hanggang dito na lamang ang kinaya at iiwan sa huling sandali ang mga memorya.
Pero kahit ganun,
hanggang sa huli,
Mahal Kita.

Unsaid FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon