Kung titignang mabuti
Ang may depresyon ay marami
Halos rito ay mga millennial
Halos rito ay mga suicidalNarito ako upang isalaysay,
ang depresyong minsang kumitil ng buhay.
Unang una sa lahat ang depresyon ay napakabigat.
Sa emosyonal, pisikal at spiritwal.
Heto ang depresyon at ito'y nakakagimbal.Ako si ako. Sa ingles, I am Me.
Sinubukan ko. Sinubukan ko.
Ngunit patuloy akong nilalamon nito.
"Kalungkutan".
Napakabigat sa pakiramdam,
yung parang wala kang makakapitan.
Yung kalagayang parang walang taong nandyan upang ika'y tulungang bumangon
sa depresyong nanglalamon.
Ano nga ba ang solusyon?Pano ba masolusyunan to?
Ano ba ang gagawin ko?
Takot akong, takot akong-
takot ako sa mundo.
Takot ako na maramdamang parang wala ako pero nandun ako.
Alam mo yon?
Yung pakiramdam na nagiisa ka lang
Yung ngang pakiramdam na parang wala ka ng makakapitan?
Maraming pwedeng lapitan, ngunit iilan lang ang aking pinagkakatiwalaan.
Biglang bumaliktad ang mundo ko nung naramdaman ko tong depresyong ito. Bumaligtad ako. Yung dating "ako" naging "sino ako?".Papatiwakal na ba'ko?
Yun na ba ang solusyon ko?
Eto ba dapat ang gawin ko?
Napakaraming tanong ang namumuo sa isip ko. Isa na rin dito ang magpapakamatay na ba ako? Nakuha ko na ngang saktan ang sarili ko.
Hiwa doon, hiwa dito.
Kung sa iba'y napakababaw lang ng depresyong ito, kung ikaw ang nakaranas nito nako.
Susuko na ba ako? Siguro oo. Bakit hindi pa ako O-OO
Kung pakiramdam ko patay nako,
hindi pisikal pero emosyonal.
Pinatay ako ng depresyong nakakagimbal.Narito ako sa madilim kong kwarto.
Nag-iisip kung anong gagawin ko.
Sa totoo lang, gusto ko lang ng taong makikinig, Sa bawat hikbi ng aking bibig.
Sa bawat hinaing, sa mga kwento ko kung saan ako'y nanlulumo.
Sa kalagayan kung saan ako'y nasa pinaka "lowest point" ng buhay ko.Gusto ko lang ako'y makapag kwento,
Mai-bahagi ang bumabagabag sa isip ko.
Gusto kong takasan
Itong mundong puno ng kalituhan.
Itong mundong mahirap lugaran.Kaya ako'y narito sa madilim kong kwarto
At nalaman ko ang solusyon dito.
Tumayo ako at akoy tumungo.
Tumungo sa mga taong kilala kong totoo.Naglakad ako, patungo sa solusyon ko.
Dinayo ko ang barkada ko.
Sinabi lahat ng hinaing ko.
Sinabi lahat upang mawala ang bigat dito.Natakasan ko ang depresyong nanglalamon. Tinakasan ko ito.
Dahil ayokong tuluyan akong lamunin nito. Matagal tagal rin bago ko na overcome ito."Papatiwakal na ba'ko?
Yun na ba ang solusyon ko?
Eto ba dapat ang gawin ko?
Papatiwakal na ba'ko?
Yun na ba ang solusyon ko?
Eto ba dapat ang gawin ko?"Paulit ulit ulit ulit ulit saking isip.
Papatiwakal na ba'ko?
Yun na ba ang solusyon ko?
Eto ba dapat ang gawin ko?
Ang mga tanong na ito dahan dahang nag laho.
Ang aking ginawa ay mga maliliit na hakbang.
Ito'y tumulong sakin at depresyo'y napagtagumpayan.Narito ako at naisalaysay ko
ang depresyong kamuntikang kumitil ng buhay ko.
Bago mahuli ang lahat ang depresyon ay napakabigat,
sa emosyonal, pisikal at spiritwal.Sinubukan ko. Sinubukan ko.
Sa wakas nagtagumpay ako.
Biglang bumaliktad ang mundo ko.
Nung naramdaman ko tong tagumpay na ito. Bumaligtad ako. Yung dating "sino ako" naging "Ako ay ako" sa Ingles, I am Me.