Natapos na namin yung shooting ng music video. Akala ko tapos na rin yung connection ko with Jb Ledesma pero magsisimula pa lang pala. Hindi ko akalaing itutuloy niya talaga yung date namin. Nung tinanong niya kasi ako kung pwede akong ma-date, hindi ko siya sinagot ng maayos. Parang tinawanan ko lang yata. Pero ngayon, ilang araw pagkatapos ng last day of shooting, tinanong niya ako ulit at umoo naman ako. Bilang na-miss ko siyang kasama. Kahit papano, medyo naka-bonding ko na rin naman siya.
Nag-lunch kaming dalawa sa mall. Nakakapanibago nga eh. Ngayon lang kasi kami lumabas ng kaming dalawa lang. Walang kasamang staff or coworkers. Hindi naiwasan yung mata ng mga tao sa paligid, panay ang tingin samin. Palibhasa artista yung kasama ko. At siguradong hindi nila ako kilala dahil hindi pa pinapalabas yung music video namin.
Pagkatapos naming mag-lunch, hinatid niya ako sa bahay. In fairness talaga kay Jb, ang bait niya sakin buong araw. Lumabas na naman yung pagka-gentleman niya pati hindi niya ako inaaway. Puro kwentuhan lang kami tungkol sa iba't ibang bagay.
Pagdating ng 7pm, nanood ako ng balita sa bahay at nagulat ako sa nakita ko. Sakto showbiz news pa talaga.
Spotted: Jb Ledesma may kasamang babae sa Greenbelt!
Napag-alaman namin na ang kasama niya ay si Anna Santos, ang kanyang onscreen parter sa isang music video ng bandang Gracenote na ipapalabas pa lang ngayong buwan.
With matching pictures pa namin! Nakakaloka! Na-issue agad kami. Oh well, sikat na ako. Hahahahahahaha!
Naka-receive ako agad ng text galing kay Jb.
Nasa balita tayo! Sikat ka na! Hahaha
Oo nga eh. Grabe sila, maka-issue naman!
Bakit, wala ba talagang issue? :>
Anong pinagsasabi mo diyan?! :P
Nag-date tayo kanina diba? Hindi ba yun issue?
Friendly date lang naman!
Ouch. Friendly date lang pala </3
Nyee. Problema mo? :P
Wala naman hehe :) Nag dinner ka na?
Secret
Sungit! Miss sungit ka talaga kahit kelan :(
Ganun talaga bleh >:P
Purket sikat ka na :( hahaha jk lang!
Hala, ngayon ko lang naisip. Lagot ako sa fans mo! Baka awayin nila ko :O hahahaha
Hindi yun. Pagtatanggol kita sa kanila :)
Bakit?
Kasi friends tayo diba? Sabi mo
Ay sus. Friends lang pala. Akala ko naman kung ano na! Haaaay. Kikiligin na sana ako eh!
Bago ako matulog, bigla siyang tumawag sa phone ko.
"Hello?" Sabi ko.
"Hi Anna."
"O bakit? Anong meron?"
"Wala. Gusto lang kitang makausap."
"Sus. Mangungulit ka lang eh!"
"Hindi ah. Bakit, busy ka ba?" Tanong niya.
"Nope. Pero patulog na ako."
"Ahh ganun ba. Sige, tulog ka na."
"Okay."
"Good night." Mahina niyang sinabi.
"Sige, bye."
Akala ko yun na yun, pero nagtext pa siya sakin. At sobrang naloka ako sa text niya!
Sweet dreams :-*
YOU ARE READING
Summer Fling [ON HOLD]
Fiksi RemajaSabi nga nila.. "In every girls life, there's a boy she'll never forget.. and a summer where it all began."