Chapter IV

108 5 0
                                    

[Flashback]

Ang saya namin ng gabing yun at hindi ko mawara kung anong nangyari at nagkaganito siya. Hindi siya nagsasalita. Hindi siya kumikibo. Malimit siyang magsalita. Palagi siyang nasa terrace at nag-iisa. Minsan pag gabi ay napapansin ko din siyang umiiyak ng palihim.

Iniiwasan niya lahat. Pati na ako ay iniiwasan niya din.

Isang araw ay dumalaw si Granny Margarette at Grandpa Luke.

Nakaupo si Third sa may terrace at nakatulala sa malayo. Nasa may pinto ako papuntang terrace at nakatingin lang sa kanya. Lumapit si Granny Margarette at tumabi sa kanya.

Ilang minuto silang hindi nagsalita parehas. Nakatitig pa rin si Third sa kawalan. Tumingin din si Granny Margarette sa malayo.

Nag-umpisa nang magsalita si Granny. Kahit nasa malayo ay kita ko pa rin ang pagbuka ng kanyang mga bibig na tila may binibigkas. Hindi ko marinig ang sinasabi niya. Pero napansin ko ang lungkot sa mga mata niya. Nakatingin siya kay Third at kinakausap ito.

Hindi pa rin kumikibo si Third. Pero unti-unting nangilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Hindi ko mawari kung ano ang sinabi ni Granny na nakapagpaiyak sa kanya.

Tumingin siya kay Granny. At for a minute ay hindi siya nagsalita. Yinakap niya si Granny. Sa pagkakataong ito ay humahagulhol na siya ng grabe. Iyak siya ng iyak habang nakayakap kay Granny. Hinimas-himas ni Granny ang likod niya at pinapatahan siya.

Nagsimulang magsalita si Third pero hindi ko marinig dahil sa distansya. Iyak pa rin siya ng iyak. Pero sa pagkakataong ito ay bakas sa mga mukha ni Granny ang pagkabigla at panglulumo. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Ang tanging alam ko lang ay pareho na silang umiiyak.

Tumayo si Granny sa pagkakaupo niya. Sa pagkakataong ito ay mukhang seryoso ang mukha niya. Nagsimula siyang maglakad pero hinawakan ni Third ang kamay niya. Pinigilan ni Third si Granny. Hindi ko alam kung bakit.

Sa pagkakataong yun ay nabigla ako sa ginawa ni Third. Bigla siyang lumuhod sa harapan ni Granny. Iyak siya ng iyak. Basang-basa na siya ng luha niya. Nagmamakaawa siya kay Granny. Pero bakit?

Sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Hindi ako makahinga. Mahalaga sakin si Third dahil siya ang bestfriend ko. At sa pagkakataong ito ay nakikita ko siyang umiyak ng grabe pero wala man lang akong magawa. Hindi ko namalayan na tumutulo na din pala ang luha sa mga mata ko.

Patuloy si Third na nagmakaawa pero patuloy din si Granny sa paglalakad. Hindi binitawan ni Third ang kamay ni Granny. Desperado siya sa kanyang pagmamakaawa. Nagsimula siyang magsalita ulit at sa pagkakataong ito ay napatigil si Granny. Umupo si Granny sa sahig at humarap kay Third. Yinakap niya ito ng mahigpit. Humahagulgol si Third habang yakap ni Granny.

Tumigil na si Third sa pag-iyak. Nabigla ako ng bigla na lang humingi ng tulong si Granny. Agad akong tumakbo pababa para humingi ng tulong. Agad na umakyat sina Mommy Therese at Sir Luke. Sumama din si Tatay.

Kinarga si Third ni Sir Luke pababa ng bahay. Isinakay siya sa kotse para isinugod sa ospital. Nawalan siya ng malay. Namumula siya at nanginginig. Kinukumbulsiyon din siya. Sumama sina Granny, Sir Luke at Mommy Therese. Si Tatay naman ang nag-drive.

Gusto kong sumama pero pinaiwan ako ni Tatay. Hindi niya ako pinayagan. Takot na takot na ako. Anong nangyayari kay Third. Ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganyan. Humarurot na ang kotse at naiwan akong nakatulala. Lumapit si Kuya Jeremy para patahanin ako.

Slowly Falling In love With The Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon