Chapter V

124 5 0
                                    

Granny's POV

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Third sa akin. Galit na galit ako. Pero wala akong magawa dahil sa pagmamakaawa niya sakin.

Hinimatay siya sa sobrang taas ng lagnat. May sakit pala siya pero hindi man lang siya nagsasabi kina Therese at Luke na mas pinalala pa ng sobrang iyak niya.

Dali-dali namin siyang isinugod sa ospital kasama sina Luke at Therese.

Isinakay na namin siya sa kotse. Umupo ako sa unahan ng kotse habang nakaupo sina Therese at Luke sa backseat habang akay-akay si Third. Wala siya ngayong malay. Nilalagnat siya ng grabe.

"Ma ano bang nangyari?" gulat na gulat na sambit ni Luke habang hawak si Third.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Iniisip ko ang mga sinabi ni Third. Naaawa na ako sa bata, sa pinagdadaanan nito. Sa konting sandali ay hindi ako makasagot sa tanong ni Luke sa akin.

"Ang taas ng lagnat niya at hindi man lang siya nagsasabi. Nung nilapitan ko siya at kinausap ay iyak siya ng iyak hanggang sa mawalan siya ng malay."

Nagsimula ng mangilid ang mga luha ko kapag tinitingnan ko si Third. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ayukong masaktan pa lalo si Third. Gusto ko siyang tulungan. Gusto kong alisin ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib niya. Pero hindi ko alam kung ano ang tamang gawin. Litong-lito na ako.

Nagsimula ng umiyak si Therese. Halatang takot na takot siya sa mga pangyayari.

"Anak bat di ka man lang nagsabi," mangiyak-ngiyak na sambit ni Therese. "Mommy mo ako, bat di kw man lang nagsabi."

"Magiging okay din ang lahat. Magiging okay din si Third. Tiwala lang Therese," pagpapakalma niya Luke kay Therese.

Slowly Falling In love With The Wrong PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon