JETT POV
nasa malayong lugar ako ngayon na kung saan hinahanap ko si Xyrene. Ang alam ni Natan na wala na akong pakialam kay Xyrene pero nagkakamali siya naiinis din ako sa sarili ko kung bakit pinabayaan ko nalang ng ganun si Xyrene. Malayo ako sa lugar ng kastilyo at Academy hindi ko rin alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko simula nung nainis ako sa pinag usapan namin nila Natan.
Habang naglalakad ako napunta ako sa isang kweba madilim sa loob medyo nakakatakot tignan pero kung duwag ka wag mo ng tignan. Nag dadalawang isip ako kung papasukin ko ito o hindi dahil ba ka masayang lang ang oras ko dito sa kweba na ito pero may isang lalake ang tumatakbo at may benda sa kanyang ng katawan naglabas ako ng apoy at nagulat naman ito ng makita ako.
"Jett?" sabi ni Lucas na nakatayo sa harap ko. Napabuntong hininga ako at pinaglaho ang apoy sa kamay ko.
"Anong ginawa mo dito Jett? At paanong nakarating ka dito?" tuloy tuloy niyang tanong. Hindi muna ako nagtanong at lumingon ako sa likuran niya nakita ko doon ang isang matandang pamilyar sakin.
Napakunot noo ako at bakit siya nandito magkakilala kaya sila ni lucas?
"H-hinahanap ko si Xyrene nakita niyo ba sya? At yang matandang yan, kilala mo siya?" nagtataka kong wika. Napanganga namag saglit si Lucas at tumingin sa katabi niyang matanda.
"Oo Jett lolo ko siya. Siya ang nag alaga samin ni Xyrene nung kinain kami ng mga lobo. Actually wala dito si Xyrene ang totoo niyan hinahanap din namin siya. Nagising nalang kasi ako wala na siya sa tabi ko ganun nadin si Lolo kaya lumabas kami ng kweba" maayos niyang paliwanag at nag aalala ang mukha. Bigla naman akong nakaramdam ng sakit sa puso ko dahil sa sinabi ni Lucas.
"Saan naman siya pupunta?"nag aalalang tanong ko.
"Hindi namin alam basta hahanapin ko ngayon si Xyrene pero ayaw naman akong payagan ng Lolo dahil delikado sa gubat na ito" paliwanag niya.
"Kung ganon... Ako nalang ang maghahanap sakanya" matigas kong wika.
"Hindi pwede. Masyadong delikado wag matigas ang mga ulo niyo kaya ni Xyrene ang Sarili niya alam kong babalik pumasok muna kayo sa loob" sabi ng matanda.
"Ano ba!? Hindi nalang pwedeng magpapabaya nalang tayo dito at hahayaan si Xyrene babae siya wag mong sabihin na kaya niya ang sarili niya kahit papaano mahina parin siya!" napataas ang boses ko dahil sa galit at pag-aalalang nararamdaman ko. Aalis na sana ako ng magsimulang magsalit ang matanda.
"Masyado kang padalos dalos hindi ka nag iisip kung anong pwedeng mangyari. Kung makikinig ka muna sakin sa loov kasama si Lucas maiintindihan mo ang mangyayari" malamig na sabi niya at tuluyan ng pumasok ng kweba.
Lumingon naman ako kay Lucas na ngayon at tulala lang. Tumingin siya sakin at tinanguan ako papasok na din sya sa kweba nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hahanapin nalang si Xyrenen tinignan ko ang daan kung saan ako nanggaling magubat at madilim malapit na din kasing maghating gabi. Huminga nalang ako ng malalim at pumasok na ng kweba bukas nalang siguro ako maghahanap kay Xyrene.
I miss you Xy.
Pagkapasok ko ng kweba nakita kong naghahanda ng pagkain ang matanda tuloy tuloy lang ang pagpasok ko si Lucas naman nginitian lang ako.
"Buti naman at nagbago ang isip mo iho. Maupo ka at kumain" magalang na sabi ng matanda na lolo ni lucas. Umupo naman ako kaharap ko siya ngayon katabi niya si Lucas.
"Bakit umalis si Xyrene?" mabilis kong wika. Tumigil naman sa pagsandok ng pagkain ang lolo ni Lucas at tumingin sakin.
"Hindi ko alam"maikli niyang sabi.
"Akala ko ba sasabihin mo sakin?kaya nga ako pumunta dito para malaman kung bakit siya umalis"inis kong wika.
"Ang sinabi ko lang delikado sa lugar na ito. Hindi ko sinabi na alam ko kung bakit umalis si Xyrene" mahinahon niyang sabi. Napabuntong hininga nalang ako at kumain hindi ko na sila pinansin hindi ako nahihiya dahil sanay naman ako sa mga ganito kaya nga tinatawag nilang makapal ang mukha ko.
Ilang oras na ang nakalipas at tapos narin kaming kumain tumayo na ako at umupo sa isang upuan pinaglaho ng matanda ang pagkain na nasa lamesa kanina. Lumapit sakin si Lucas at tinabihan ako.
"Kamusta Jett? Pasensya na pala kung nagpumilit si Xyrene na lumabas ng academy. Alam ko na hindi niyo na rin kami papapuntahin sa kastilyo" malungkot niyang wika. Nagulat ako ng sinabi niyang hindi na namin sila papapasukin muli sa kastilyo. Lumingon naman ako sakanya.
"Teka, paano mo nalaman yon?" nagtataka kong tanong.
"Sinabi lang sa akin ni Lolo nakita niya daw kasi kung paano kayo mag usap ni Natan at iba mo pang kasama. Kaya binalak ni Lolo na ilayo nalang kami sainyo pero dumating ka ng hindi namin alam kaya nabigo si Lolo" lumingon naman siya sa Lolo nya na may pag aalalang mukha. Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa upuan.
"Anong plano mo?" malamig na wika ko. Hinihintay ko siyang sumagot pero walang nagsasalita. Dumilat ako at nakita ko siyang nakayuko.
"Siguro... Babalik nalang kami ni Xyrene sa Academy at magsasanay nalang bago pa dumating ang mga kaluluwa." malungkot niyang sabi.
Biglang bumagsak ang dalawa kong balikat sa sinabi ni Lucas dahil nalaman na nilang wala na kaming pakialam sakanikla at hindi na papapuntahin pa sa kastilyo. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako. Ayoko ding mapahamak si Xyrene sa mga gustong kumuha sakanya.
"Hindi sila kaluluwa" biglang nagsalit ang lolo ni lucas na ngayon ay nakikinig pala sa amin.
"Kundi isa silang Reapers" nabigla ako ng sabihin niya iyon kinabahan ako ng hindi ko alam ganun na din si Lucas na ngayon ay hindi rin makapaniwala sa narinig niya. Bago pa ako makapag salita nakarinig na kami ng pagsabog sa di kalayuan. Dali dali kaming lumabas ni Lucas ng makalabas kami nakita namin na nasusunog ang kalahati ng kagubatan. Isang babae ang lumilipad sa ere at nagpapaulan ng itim na kapangyarihan.
Xyrene ikaw na bayan?
Itutuloy....
Plss vote!
BINABASA MO ANG
Dark Stone Academy (-Not ordinary Person-)
FantasíaSi Xyrene Montefalco ay isang simpleng tao na tahimik at walang pakialam sa mga nakapaligid sakanya. Pero sa isang pagkakamali hindi niaasahan ng mga Estudyante sa Dark Stone Academy ang paglabas na tunay na anyo ni Xyrene. Welcome To Dark Stone Aca...