" Rise and shine"
"Buti naman at gising na ang prinsesa"
"Sinong nagbigay sayo ng permiso na pumasok sa kwarto ko??"
"Wala naman, gusto ko lang na ako ang una mong makikita sa umaga pagkagising mo"
"Oo nga naman bakit nga ba hindi ko naisip na laging binabantayan ng mga WITCH ang mga PRINCESS"
"Anong sabi mo??"
*PAK*
Tsk.Ang bilis nya maasar masyado..Dun palang siguradong talo na siya
*PAK*
Kung akala nya na ganun-ganun lang yun nagkakamali sya
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! Insan ang galing na nating umacting nag-iimprove na tayo"
"Oo nga pwede na tayong sumali sa TEATRO FILIPINO"
Kung iniisip niyo na baliw kami ng pinsan ko nagkakamali kayo,bago kasi kami pumasok sa school nagpapapractice kami sa pag-arte. Last school year kasi hindi kami natanggap sa Theater Club kasi wala daw kaming dating umarte kaya lagi kaming nag-eensayo ng pinsan ko.
"Napalakas ba yung sampal ko sayo??",napalakas ata yung sampal ko masyado akong nadala sa scene
"Hindi sanay na ako ilang buwan na ba natin tong ginagawa??Sobrang tagal na rin e.",sabagay tama siya
"Anak! Bumaba na kayo, breakfast is ready! Baka malate pa kayo,remember first day of school ngayon", si Mommy talaga panira ng moment pero love na love ko yan
"Opo Tita bababa na po",sigaw ni Insan nasa baba kasi si Mommy
"Insan una ka na sa baba,may gagawin lang ako"
"Okay", tapos bumaba na siya
By the way ako nga pala si Ayesha Blaire Montaire, 16 years old. Mabait,masipag, at honor student. Sabi nila almost perfect na daw ako pero hindi ako naniniwala kasi nga diba wala namang taong perpekto. Marami rin naman akong kahinaan, tulad ng iba.
"Good morning po Mama" *kiss sa cheeks*, bati ko sa aking napakamagandang nanay
"Good morning din, tabihan mo na si Abby, nagbake ako ng cookies with almonds", umupo na ako sa tabi ni Insan
"Thanks po alam nyo talaga ang favorite food ko, kamusta Insan masarap ba??",tanong ko na may halong pang-aasar ayaw nya kasi ng almonds e ang sarap-sarap kaya
"Masarap ba yan e alam mo naman na ayaw na ayaw ko sa almonds",tapos nagpout sya so cute
Abbelane Clariz Fernandez ang pangalan ng pinakamagandang pinsan ko sa balat ng lupa, sobrang kulit pero seryoso yan sa ibang bagay.Pag nag-aaway kami ako ang nagsososrry kasi mapride yan kahit sya yung mali hindi sya magsosorry pero ayos lang sa akin kasi love na love ko kaya yan.
ON THE WAY SA SCHOOL
*PLIK*
"Naman Yesha ibalik mo sa akin yang hair clip ko!!!"
"E sinabi ko sayo na wag kang bibili ng kahit anong color blue ang kulit mo! Kaya peram muna ako", tapos tumakbo na ako ng matulin para hindi niya ako maabutan
*TAKBO*TAKBO*TAKBO*
*BUGSH!!!!!!!!*
"WAAAAAAAAH, ang sakit nag pwet ko.HUHUHU",pano ba naman nadapa ako may bumangga kasi sa akin
"Sorry Miss, ayos ka lang ba??",mukha ba akong ayos sa lagay ko ang shakit-shakit kaya sa pwet nun
"Masakit kaya, ikaw kaya ng banggain ko dyan",sagot ko sa kanya sige Koya tanong pa more
"Sorry talaga,tumayo kana dyan papasok ka pa ata baka malate ka pa", tapos inabot nya yung kamay nya sa akin para tulungan ako
"Samalat," ,sabi ko habang pinapagpag ang damit ko, kasi nga diba tinulungan nya akong tumayo
"Sorry talaga Miss, sure ka na ayos ka lang talaga??",tanong nya ulit sa akin
*TANGO*TANGO*TANGO*
O_O
Ang gwapo ni Koyang namamangga,mukha syang Anime Character <3
"O-Okay na po ako salamat sa tulong", na starstruck ako..
"Gusto pa sana kita ihatid sa school nyo kaya lang, kailangan ko ng umalis may importante pa kasi akong pupuntahan. Pero sa tingin ko hindi pa ito ang huli nating pagkikita,Miss --??"
"Yesha po.Yesha ang pangalan ko",sagot ko sa tanong nya
"Ang ganda naman ng pangalan mo..Ah sige una na ako",tapos umalis na siya
SHEEEEMS! Ang GWAPO nya talaga pero bakit mukha syang may sakit ,namumutla kasi sya???Teka nga may nakita kasi akong nameplate na ang nakasulat ay......
"R.E. Priconio??? sa kanya ata ito", mukhang magkikita pa nga kami
BINABASA MO ANG
Two Is Better Than One
Teen FictionSa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ~Ayesha Blaire Montaire Diba mahirap mamili? Lalo na akung ang pagpipilian ay parehong...