***Kung Ako Ba Siya
Written by isaakongbabaengbakla
======
Ginawa ko na ang lahat, as in lahat. I even made impossible things to possible. Ginawa ko ‘yun para lang mapansin niya ako. Sumali siya ng Photography Club, sumali din ako kahit bobo ako kumuha ng mga pictures. Sumali siya ng Modelling Club, sumali din ako kahit wala akong alam sa pagmomodel. Naging member siya ng Dance Club, nagpa-member din ako kahit hindi ako masyadong magaling sumayaw. Sumama siya sa leadership training, sumama din ako kahit boring man ang training na yan pero at least, nakasama ko siya ng 1 week.
At ngayon, nandito ako sa harapan ng bulletin board at nagdadalawang isip kung sasali ba ako sa theatrical play para na din mapansin niya ako kung sakaling makuha man ako pero pakiramdam ko, hindi ko kaya ang mag-perform sa harap ng madla. Hayy…
“sasali ka?”
“A-Althea!” O______O
Halos lumuwa ang mata ko sa panlalaki nito ng makita si Althea na nakatayo sa tabi ko at nakatingin saakin. ‘wag mong sabihing—
“sasali ka di ba? Yes! I’ll be a part of the play rin kasi kaya sali ka na! It would be fun. I promise.So, may I get your name?” tanong niya na may ngiti.
“X-Xyril… Xyril Chua.” Tinignan ko siya habang sinusulat ang pangalan ko sa listahan ng mga mag-o-audition. Ang ganda niya talaga.
“okay na. Thank you! Get ready for the audition tomorrow. Bye, Xyril!”
“b-bye…”
Pagkatapos ng maliit na paguusap na ‘yon ay umalis na siya.
Hayy, sana ganito nalang lagi. Yung tipong lagi mo nalang akong napapansin kahit saglit man lang. Ang sarap sa pakiramdam pero sana dumating yung time na lalapitan at kakausapin mo ako dahil gusto mo akong maging kaibigan at hindi dahil sa mga activities na katulad nito.
Ako si Xyril, simple lang ako at simple lang din ang hiling ko…
Kailan mo ba ako mapapansin, Althea?
“Mr. Xyril Chua, on the stage please.”
Nandito ako ngayon sa audition para sa theatrical play. Si Althea kasi ang nagsabi na sumali daw ako at heto naman ako, napasunod niya. May bago na naman kasing theatrical play ang school at ang male lead lang ang hinahanap at kelangan ng audition. Nakakapagtaka di ba? Marami namang magagaling na lalaki sa theater club pero bakit kailangan pa nilang magpa-audition?
Tumayo na ako habang hawak-hawak ang pendant ng kwintas na suot-suot ko. Singsing siya na ginawa kong pendant dahil hindi ko na kasya. Ito na ang lucky charm ko simula pagkabata.
“Sana hindi ako sumablay mamaya.” Bulong ko sa sarili ko.
Kinuha ko na ang gitara ko at umakyat na sa stage. Tinignan ko ang mga judges, hindi ko alam ang mga pangalan nila pero kilala ko ang mga mukha nila. Tanging si Althea at ang bestfriend niyang lalaki ang kilala ko. Sabi ng mga kaibigan ko, Newly-elected President daw ng theater club si Althea at ang bestfriend naman niya na si Henry ang Vice.
“hi Xyril! So what will you show us today?” – Althea
“I’m gonna sing.”
“okay.”
Nag-umpisa na akong i-strum ang gitara ko,
Matagal ko nang itinatago
BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Siya
Short StoryKung ako ba siya, mamahalin mo? Ginawa ko na lahat ng pwedeng gawin pero bakit hindi mo ko mapansin-pansin? Hanggang kailan ba ako aasa sa'yo, ALTHEA?