It All Started With A Game 36
Kalel Clark's POV
Sana mapatawad na ako ni Edison sa tamang panahon.
Pupunta nalang ako sa school total 11:30 na. Aatend nalang ako sa afternoon class.
Nandito na ako sa gate ng university at papasok na ako ng nakita ko si Faith, may kasamang babae.
Sinundan ko sila. May bago bang kaibigan si Faith? Parang hindi familiar ang mukha.
Nagulat ako dahil napahinto ang kotse nila, lalabas na sana ako sa kotse ko ng umandar na ito kaya sinundan ko nalang sila.
Parang papunta to sa hospital nila Daveric eh.
At tama nga! Nagparking na sila kaya ako rin ay naghanap na ng pwesto para parking.
Nung nakapasok na sila sa hospital ay pumasok na din ako at nagmadali, mahirap na baka mawala sila sa paningin ko.
Huminto na sila sa isang kwarto at pinihit naman ng kasama niyang babae ang pinto. Si Faith? Parang gulat na gulat sa kanyang nakita at may luha na tumutulo sa kaniyang mga mata.
Ano ba talaga ang nangyari?
Hindi ko muna sila nilapitan. Nagmasid lang ako.
Si Daveric ba ang nasa loob? Kung si Daveric nga ano ang sakit niya o na paano siya?
Hindi ko na kinaya kaya pumunta na rin ako sa kwarto at kumatok.
Bunuksan ito ng babae na kasama ni Faith.
"Sino po sila?" Sabi nito.
"Kaibigan ni Daveric at Faith "sabi ko
Agad naman niyang nilakihan ang pagbukas ng pinto. Kaya nakita ko si Daveric .
Nakaupo siya sa hospital bed at kausap niya si Faith. Ang hina niya tignan na kahit hindi ko pa alam ang sitwasyon niya ay napaisip ako na may sakit siya.
SANA HINDI TOTOO.
"Daveric ,Faith" tawag ko sa kanila.
Agad naman silang lumingon.
"Rence?"
"Kalel!"
Yan ang sabi nila. Alam ko na hindi nila ako inaasahan dito at hindi ko rin inaasahan ang nasaksihan ko kay Daveric.
"Bro, ano nangyari sayo?" Sabi ko at tuluyan ng pumasok sa kwarto.
"Bakit alam mo na nandito ako?" Tanong ni Daveric. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Sinundan ko si Faith. Bakit? Bakit mo to nilihim sa amin?" Tanong ko.
"Sorry bro" sabi niya na pinipigilan ang luha sa mga mata niya.
"Brain tumor" dugtong nito.
Anooo? Brain tumor?
"Ano? Isa yan sa mga komplikado na sakit Daveric" sabi ko na puno ng pag alala.
"Yun nga bro eh bilang nalang ang araw ko"
Hindi ko alam pero nanghihina ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ako makapaniwala.
"Critical ma ang lagay niya rence" sabi ni Faith.
I'm speechless. Isa siyang mabuting tao. Bakit kukuhanin na siya na ganitong kaaga?
"Gagawin natin ang lahat para gumaling siya Faith, gagaling si Daveric" sabi ko kay Faith.
Panginoon, kahit magkaribal man kami ni Daveric sa puso ni Faith ay kaibigan ko parin siya, sana maging maayos na siya at malunasan ang sakit niya.
Aizhel's POV
Lumabas muna ako sa kwarto dahil na oop na ako sa kanila.
Pupunta nalang muna ako sa malapit na mall dito para aliwin ang sarili ko.
Lakad. Lakad. Lakad.
Yan lang ang ginawa ko sa mall na hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Nabigla ako dahil may biglang humigit sa akin.
"Sos maryosep! Tulongggg!" Sigaw ko.
Napatingin lahat ng tao sa akin sa mall.
Hindi pa nakontento tong nanghigit sa akin ay tinakpan pa niya ang bibig ko.
"Wwwwohhh" yan ang nasabi ko imbis na 'waaahh'
Agad ko siyang siniko kaya napalayo siya sa akin at dun ako kumuha ng pagkakataon para tignan kung sino tong bwiset nato!
"Jesmar"
Si-si jesmar nga!
"Aizhel, sorry kung nagulat kita"sabi niya
Hindi ako sumagot sa kanya kung hindi tinignan ko lang siya.
Nakakahypnotize ang mga mata niya na para akong tinatawag para yakapin siya. Nababaliw na siguro ako.
"I've found you" sabi niya.
Hinahanap niya ba ako?
"My destiny" dugtong niya.
Ang puso ko? Parang sasabog na sa kaba at kilig.
Ang gwapo niya at chinito. So cute at damn hot.
Kyaaaaahhh wag kang manyak Aiz!
Palapit ng palapit siya sa akin at hinawakan niya bewang ko. Awtomatiko akong natigilan at hindi makagalaw.
"Let's talk in private" sabi niya at hinigit na niya ako.
Hindi ko alam kung bakit nagpahigit ako sa kanya.
"You look so cute!"
Waahh mababaliw na talaga ako nito.
I want air, I can't breath.
Because of him.
Last ko lang to naramdaman kay Daveric eh bakit naramdaman ko to ngayon?
💖💖💖
Ihhh sa tingin niyo bakit nararamdaman yun ni aizhel kay jesmar?
Ang bait ni rence/kalel nuhh kahit na magkalaban sila ni daveric sa puso ni faith mabutimg kaibigan parin siya kay daveric
BINABASA MO ANG
It All Started With A Game (COMPLETED)
Teen FictionNagsimula sa isang laro... Ang buhay mong mapayapa ay bigla na lang gumulo dahil sa mga hearthrobs na dumatin sa buhay mo... Yung bestfriend mo na di mo inaakalang sasabihin niya ang sekreto sayo ay siya din ang naging isa sa mga dahilan na nagbago...