It All Started With A Game 33
Riad Daveric's POV
Alam ko na may hinahanap si Angel.
Alam ko si Kalel yun.
At alam ko na mahal niya ito.
Malapit naman lang din ako mamatay eh.
Susulitin ko nalang ang oras na kasama siya. Gusto ko siyang makasama habang buhay pero ang tadhana ay hindi nakisama sa akin eh. Tanggap ko na to.
I will love Angel more than I could give to my self.
Kalel Clark's POV
"Pwede ka na madischarge bukas Kalel" sabi ni tita na tuwang tuwa.
Makikita ko na ulit si Faith
Pero kailangan ko muna kausapin si Edison.
Alam ko na may problema, hindi ko lang matukoy kung ano talaga.
Sana maging okay na kami. Sana!
Edison's POV
Pagkalabas ko sa hospital ay agad ako pumunta sa parking lot at pinuntahan na ang kotse ko.
Umupo lang ako at nag isip.
*Flashback*
"Beverly, tandaan mo ha bawal ka pa magkaboyfriend okay?"
Yan ang palagi kung paalala sa kanya.
1st year college na siya nun.
Kami naman ay 2nd year college na.
Kakatransfer lang niya kasi sa university namin at alam ko mga matitinik sa chix ang mga lalaki dun kaya palagi kung pinaaalalahanan ang kapatid ko.
"Ihahatid na kita" sabi ko sa kanya. First day of school kasi namin ngayon.
"Wag kuya, gusto ko maging dependent. At wag na wag niyong sasabihin na magkapatid tayo. Alam ko naman maraming naghahabol na chix sayo baka ako ang kulitin ng mga yun. Gusto ko lang na tahimik na school year kuya"
Tumango nalang ako.
Hindi niya kasi hilig ang makipagsocialize sa mga tao eh. Nung bata pa kasi siya hindi niya gusto makipaglaro sa mga kapitbahay namin at ayaw rin niya ng laruan. Mas gusto pa niyang mag pa music at mag gitara. Kaya napaka anti social nitong kapatid ko.
Pumunta na ako sa skwelahan na hindi siya kasama.
Hindi pumasok si Kalel.
Naghahanap na naman yun ng biktima.
Napakaplayboy talaga pero kahit ganun yun, maasahan siya na kaibigan.
Nagsimula na ang klase at yun!
ANG BORING.
Getting to know parati. Haysss nakakatamad magsalita ng pangalan paulit ulit.
Nag ring na ang bell at wala oa rin si Kalel baka nag standby sa canteen.
"Hanapin natin si kalel" sabi ni Jesmar.
Sumang ayon nalang kami ni Allen.
At ayun nga nandun lang siya sa canteen gumagamit ng cellphone.
"Kalel! May bago?" Sabi ni Allen.
"Yes"
Tipid niyang sabi.
Parang girl hater to si Kalel eh hindi lang namin alam kung bakit.
Sa pagkatapos ng araw na yun ay mailap nalang pumasok si Kalel sa klase.
Sumeseat in kasi daw siya sa room ng babae.
Sabi pa nga nito na baka nainlove na daw siya.
Pero binawi naman niya ang sinabi niya kasi si 'F' lang daw.
Isang araw, umuwi ako sa amin.
Nakita ko ang kapatid ko na nagce-cellphone tapos ngumingiti mag isa. Nakakapanibago dahil bihira yan ngumiti eh.
"Beverly!"
Napalingon siya sa akin.
"Kuya"
"Sino yang ka textmate mo?" Tanong ko. Alam naman niya na pinagbawalan ko siya makipagrelasyon eh.
"Ah wala kuya. Nakakatawa lang ang pinanood kung video"
Tumango nalang ako at pumunta sa kwarto ko.
Hindi lang yung isang araw na nakita ko siya na ngiting ngiti sa cellphone niya pero binalewala ko nalang.
Hanggang sa gumagabi na siya umuuwi tapos ang sexy na niya magdamit.
Hindi ko siya pinagalitan o pinigilan dahil gusto niya yun kaya go lang basta wag siya magboboyfriend.
Hanggang sa isang araw nakita ko kapatid ko sa sala na umiinon ng alak. Ang dami ng nainom niya kaya kinuha ko na ang alak sa kamay niya.
"Beverly! Anong nangyari sayo?" Sabi ko.
"Ang sakit pala kuya no? First time ko magmahal pero niloko lang pala ako. Mahal na mahal ko siya pero laro lang pala ito sa kanya. Sorry kung naglihim ako sayo. Gusto ko ng mama-" hindi na niya natuloy ang sinabi niya kasi sumusuka siya. Pagkatapos nun ay hinatid ko nalang siya sa kwarto niya.
Isa din sa rason kung bakit ko siya pinagbawalan magboyfriend dahil mahina ang puso niya. Madali siyang masaktan at maging affected sa bagay bagay kaya naging over protective ako sa kanya.
3 araw na siya hindi pumasok sa eskwela, hindi rin siya kumakain. Nagkulong lang siya sa kwarto niya.
Binigyan ko lang siya ng time.
Pero nung pag uwi ko susurpresahin ko sana siya.
Bumili ako ng bagong gitara para maaliw siya pero huli na pala ang lahat.
Naabutan ko siya sa kwarto niya na walang buhay.
Nagbigti siya.
Ang sakit! Wala lang akong ginawa para maibsan ang sakit na nadama niya. Hinayaan ko lang siyang ganun.
Maghihiganti ako sa taong nanakit sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone niya at dun ko nalaman na si kalel pala ang boyfriend niya.
Ang bestfriend ko.
~~~END OF FLASHBACK~~~~
At ngayun wala na akong kinikilalang bestfriend pa.
💖💖💖
Whaaa so yan na po yung flashback ni edison
Whaaa alam ko po ang lame ng story ko kaya walang nagbabasa•••
Dont forget to...
Vote 🗳 Comment 🖊 Share 💌
BINABASA MO ANG
It All Started With A Game (COMPLETED)
Подростковая литератураNagsimula sa isang laro... Ang buhay mong mapayapa ay bigla na lang gumulo dahil sa mga hearthrobs na dumatin sa buhay mo... Yung bestfriend mo na di mo inaakalang sasabihin niya ang sekreto sayo ay siya din ang naging isa sa mga dahilan na nagbago...