Kabanata 2

554 19 1
                                    

Kabanata 2

Manila

Tama nga siguro sila. Nasa huli ang pagsisisi. Akala ko kasi noong oras na sumang-ayon ako kay Kyro ay makakahanap ako nang paraan upang makabawi. Pero hindi.. huli na pala talaga.

Isang buwan at kalahati na ang lumipas mula nang mawalan ako ng scholarship. Gabi gabi akong umiiyak sa sobrang panghihinayang. Bakit kasi kung kailan graduating na ako 'saka pa ako nawalan ng scholarship. Sana pinatapos na muna ang year na ito. Para kahit papaano ay makakahanap ako ng trabaho.

"Anak ikaw na ang magluto ng pansit lucban. O-order muna ako ng ating ititinda kay Aling Violet."

Tinapos ko na ang paggagayat ng mga kasangkapan 'saka humarap kay Nanay "Opo, Nay."

"Sige. Alis na ako. Pagbalik ko dapat tapos na iyan. Para maaga tayong makapagtinda."

Hindi na ako tumugon kay Nanay.

Nagtitinda kasi si Nanay sa bayan nang mga palitaw, pitchi-pitchi, ube, lumpia, at minukmok na ino-order niya kay Aling Violet. E naisipan kong sumama sa kaniya at magtinda din ng pansit lucban made by me. Yun na lang kasi ang naiisipan kong itulong kay Nanay. Lalo na't kahit hindi niya sabihin ay ramdam na ramdam ko ang pagkakadidismaya sa kaniya.

Inumpisahan ko nang magluto ng pansit, habang nag-iisip nang pangresulba sa problema ko. Ayaw naman kasi ni Nanay na pumunta ako sa kabilang baryo upang kahit papaano ay maipagpatuloy ang pag-aaral kung saan nag-aaral si Aya. Hindi naman pumayag si Nanay kasi nag-message daw sa kaniya yung dati niyang amo sa maynila. Kailangan daw ng katulong. E sabi ni Nanay ay patatapusin daw muna ang taon na ito 'saka kami luluwas.

Siguro sa bakasyon iyon. Mga Marso.

Maya-maya ay natapos na ako sa pagluluto at dumating na rin si Nanay dala-dala ang isang malaking bilao laman ang kaniyang tinda. Kung titingnan si Nanay ay mukha na siyang mid 40s. Pero sa totoo lang dalawamput siyam pa lang siya. Siguro dahil na din wala siyang oras mag-ayos ng sarili.

Nilapitan ko naman agad siya at kinuha ang bilao't ipinatong sa lamesa. "Handa na po ang pansit lucban, Nay."

Tumango siya, "Hala't mag-ayos ka na at aalis na tayo."

Ngumiti ako nang tipid at pumunta sa kwarto upang kumuha ng damit at maligo. Habang nag-sasabon ng aking katawan ay napagisip-isip ko. Grabe. Malapit na pala ang pasko. It's already December eleven. Pakiramdam ko ay hindi masaya ang pasko ko.

"Miss magkano 'to?"

"Sampong piso po." sagot ko kay Ate.

"E itong palitaw?" sabay turo niya sa palitaw.

"Tatlo lima po."

"A sige. Sampung pisong palitaw at dalawa nitong pansit lucban."

Agad naman akong nag-supot ng order niya at ibinigay ito "Salamat."

Marami din ang bumibili dito sa amin. Siguro mga suki na rin ni Nanay. Mahigit ilang taon na din kasi siyang nag-titinda dito.

Umuwi kami oras ng tanghalian upang kumain. Ubos na din ang tinda namin. Nagtira lang kami para sa meryenda nina Kenneth at Kevin mamaya pagkauwi nila.

Tatawagin ko na sana si Nanay upang kumain dahil nasa sala siya at nagtitiklop ng mga damit ngunit nakita kong may katawagan siya. Kaya naman bumalik na lang ako sa kusina at nag-salin na lang ng tubig sa baso naming dalawa.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa at pinanood ang isang video noong minsang nag-outing kami noong third year pa kami. Na tanging kaibigan pa lang ang tingin ko sa kaniya na may halong pagkagusto. Nagpa-pasa lang ako sa kaklase ko nito.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon