Chapter 15

4 0 0
                                    


Flowers&chocolates


 isang linggo na ang nakalipas  nang mangyari yung ice cream challenge Aaminin ko oo masaya at nakakabaliw !!! dahil pagkatapos namin magkaron  ng Couple ring !!! isang linggo na din siyang nagpapadala ng Flowers & chocolates sa kalagitnaan ng klase! walang pinipili kahit terror ang Prof.


tulad ngayon si Sir thomas ang 3rd class ko hayyyyy feeling ko unti unti akong lalamunin ng kahihiyan !!! 


wag mong sabihin sakin seryoso siya ? playboy siya diba ? don't me !!! pero pano kung totoo nga ? kung seryoso nga talaga siya aaaaa!!!! yan ang nagpapagulo sa mundo yung pano kung ???!!!! lagi na lang may paano may pero may kung haaay di ko na alam ! 


lagi ko sinasabi sa sarili ko na gusto ko si Rick pero bakit ganun iba yung tinitibok ng puso ko parang iba parang siya na ata !!!!!


"hoy !!! Ivy!!! bakit may mga bulaklak dito! bawal kumerengkeng sa klase ko!" asik ni sir thomas 


"a sir pinapadala lang po ni Mark ithan para kay Ivy"  pacute na sabi ng nautusang magdala ng chocolate & flowers na ito


"a ganun ba sige walang problema ibigay mo na yan kay ivy ng makapgsimula na ako sige na " malanding sabi ng baklang pprof ko 


hay naku ! di ko na talaga alam gagawin ko ... nga pala lumipat ako ng inuupuan bale nasa likuran na niya ko ni Rick ... kailangan ko nang lumayo sa kanya 


pagkatapos ng klase aalis na sana ako nang may naglapag ng isang rose saka heart shape na ferrero sa table ko at may note isa lang yung rose kasi nagiisa ka lang sa puso ko 


tumingala ako sa kanya na may pagtatanong saking mga mata pero nginitian niya lang ako at umalis 


habang naglalakad ako binabasa ko yung note ano ba to pinagtritripan ba niya ko ? napatili ako ng may humablot ng note na yun sa kamay ko 


"isa lang yung rose kasi nagiisa ka lang sa puso ko? tss! baka di niya lang afford bumili ng isang bouquet ! " inis na sabi ni Mark 


"hahaha bat kaba nagagalit ?" natatawang sabi ko sa kanya pano ba naman namumula siya sa inis 


"manhid ka ba ?" nakapoker face niyang tanong sakin 


"huh ? ano ako manhid bakit ? " nagtatakang tanong ko


"nagseselos ako ! " inis na sabi niya at hinila na ako sa parking lot at pinaharurot ang sasakyan


"hoy dahan dahan naman ! san ba tayo pupunta!" di niya ko iniimikan deretsyo lang ang tingin niya sa kalsada kaya tumahimik na lang din ako 



bakit ganun yung isiping nagseselos siya parang may mga kiti-kiti sa tiyan ko parang amg sarap sa pakiramdam 


makalipas ang ilang sandali  nagsalita siya "sa condo ko" walang emosyong sabi niya 


"sa-aaa c-ooondo mo?" nauutal na tanong ko sa kanya  kinakabahan ako shemay !


"yup sa condo ko " nakasmirk siya at parang masaya na ang mood niya

eto naman ako at kinakabahan na ng todo !



pagkapasok namin sa condo niya namangha agad ako sa mga nakita kong furnitures at appliances sigurado ako na mahal lahat ng ito 


nasa kusina kami ngayon nagulat ako ng naghubad siya ng t-shirt sa harap ko at unting unting lumalit sakin kakaatras ko naramdaman kong nasa may counter na ko kaya wala na kong aatrasan malapit na malapit na yung mukha niya sakin pumikit na lang ako sa sobrang kaba sa lapit niya mga 5 second nang makalipas wala pa ding nangyayari nagmulat na ako ng mata ! 


nakita ko ang gwapong unggoy  na to na tawa ng tawa habang sinusuot ang apron ! nakapatong lang pala yung apron sa counter ! bwiset! nakkahiya ! sobrang pula na ng mukha ko sa kahihiyan 


"wag kang magalala love mamaya na kita hahalikan hahahah" tudyo niya pa sakin 


di na ako umimik patakbo ako umalis at nagpunta sa sala manonood na lang siguro ako ng t.v ok Ivy relax ka lng ok ? inhale exhale inhale exhale ok si Mark lang yan wag kang praning pinukpok ko yung remote sa ulo ko sa inis ko waaaaaah nababaliw na ko ! 



nakatulog na ko sa pinapanood ko nagising lang ako ng may maamoy akong chocolate ? nakakapaglaway naman yung amoy na yun hmmmmmn pagdilat ko may mga rose petals sa sahig hanggang sa kusina .....



meron dun chocolate na sa tingin ko ay homemade iba iba yung shape niya at ang nakaagaw ng pansin ko ay yung tatlong rose na gawa sa glass na may lamang liquid sa loob yun yung nagbigay kulay sa rose dalawang red isang pink 



habang namamangha ako may yumakap sa likuran ko 


"flowers & chocolates from Mark ithan cruz ...para lang sayo yan love "husky na bulong niya sakin


o my siomai! ano may karapatan ba kong kiligin ? waaaah bakit ang sweet niya ? pero syempre di pwedeng marupok ! kailangan natin pakiramdaman muna kung safe bang mainlive din ako sa kanya baka kasi pinaglalarua  niya lang ako pero ang hirap ! 



hinarap niya ko sa kanya " i love you Ivy my one and only" hinalikan niya ko na may buong pagsuyo maingat at puno nang pagmamahal nakakalunod parang tumitigil yung oras parang nasa cloud 9 ako di ko maintindihan pero isa lang yung alam ko masaya ako kapag kasama ko siya sobra .....






——————————


sorry matagal magupdate super busy lang 


denella ❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon