First Love

124 2 0
                                    

Napansin ko na kanina pa tahimik si Jake sa aking likuran, nakasunod sa akin papunta sa hintayan namin ng bus pauwi sa aming tahanan. Nakayuko itong naglalakad.

"Ano bang problema at napakalamig mo ngayon sa akin?" Tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya sa ganoong ayos mula pa nang lumabas kami sa aming pinagta-trabahuan. Iisa ang kompanyang aming pinapasukan. Isang kompanya na gumagawa ng mga laruang pambata.

Hindi siya umimik. Nagpahuli rin siya nang sinubukan kong makisabay sa kanya sa paglalakad.

Napabuga ako ng hangin, ngumiwi. Kailan na nga ba nang maging kami ni Jake? Halos limang taon na rin naman ang aming relasyon. Halos limang taon na rin kaming tumitira sa iisang bahay.

Paano nga ba naging kami? Napaisip ako. Paano nga ba kaya nagsimula ang lahat?

Second year college na ako noon, nang mapansin ko na tila lagi akong sinusundan ng isang lalaki. Kahit nasaan man ako sa kolehiyong aking pinapasukan, sa tuwing igagala ko ang aking paningin, makikita ko siya, na nakatayo lamang sa di kalayuan. Hindi ko alam kong coincedences lamang ang mga iyon, ipinalagay kong ganoon lamang iyon. Subalit, nagtaka na ako nang mapansin kong lahat ng mga literary books na aking hinihiram sa aklatan, nakasulat sa baba ng aking pangalan ang pangalang iyon, ang kanyang pangalan. Jake de la Cruz.

Hindi ko iyon napansin noong una, ngunit nang balikan ko ang iba pang mga libro, nakita ko ang pangalan niya sa bawat librong iyon. At doon na ako nagtaka. Stalker?

Lumapit siya sa akin isang araw nang malaman niya siguro na alam ko na, na lagi niya akong sinusundan.

Isa siyang first year college, Commerce ang kanyang kurso. Tinanong ko siya kung bakit tila yata lagi niya akong sinusundan, at kung kailan pa siya nagsimula sa pagsunod sa akin. Sinabi niyang isang buwan mula nang pumasok siya sa unibersidad. At kung bakit niya ako sinusundan? Iyon ang aking ikinagulat. Mahal niya ako. Mahal daw niya ako.

Nagulat ako sa huli niyang sinambit. Subalit, nakita ko sa kanyang mukha ang kainosentehan at sinseridad nito.

Isang simpleng lalaki ang kaharap ko sa mga sandaling iyon. Nagbibiro ba siya? Alam ba niya ang kanyang sinasabi? Tinanong ko siya kong anong kalokohan ang sinasabi niya ngunit sinabi niyang sigurado siya sa kanyang nararamdaman. Na hindi iyon biro, na hindi iyon laro.

Natawa ako sa pagtatapat niyang iyon. Kung hindi lang siguro kami dadalawa sa library na iyon at narinig ng mga tao, siguradong pagtatawanan siya ng mga ito.

Matapang siyang lalaki, iyon ang hinangaan ko sa kanya. Pero, ang tatawanan ko sana na ikinatayo pa ng aking mga balahibo, ay ang isang napakalaking katotohanan. Katotohanang pareho kaming lalaki. The heck kung papatulan ko siya! Maghahanap na lamang ako ng babae. Sa dinami dami ng mga babaeng humahabol sa akin, wala sa isip ko na pumatol sa isang lalaki, o ang masaklap, ang pumatol sa isang bakla.

Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, ngunit may hitsura naman ako sa tangkad kong 5'9". Habulin ng mga kababaihan (at mga bakla), ika nga nila. Ngunit hindi naman ganun. Hindi ako ganoon kaaktibo sa unibersidad na iyon. Maraming mga nagkakagusto, at ang nakakatawa, mga babae na rin ang nanliligaw, pero most of them, if not all of them, ni-reject ko silang lahat. At ang kadahilanan, I better kept it myself. Ayaw kong madagdagan ang problema, iyon na lamang ang nakikita kong maaaring dahilan ko sa mga araw na iyon.

Umuwi ako sa aming tahanan isang araw. Gaya ng routine ko na sa araw-araw, manggagaling ako sa paaralan mga alas-singko y medya at makakarating sa bahay dakong ika-pito na ng gabi. At gayang dati, madaratnan ko ang aking mga magulang na nag-aaway na naman. Bumuga ako ng hangin, tinanggal ang aking sapatos, pumasok sa loob ng bahay, at pumasok sa kuwarto na animo'y walang nakikitang mga tao na nandoon.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon