SHIN POV
Umakyat na kami sa ikatlong palapag..wala pa ding malay si Rima habang si Kira ay nanghihina na.Si Shugen naman ay may sugat sa kamay.Si Yona,Miyata at ako na lang ang makakalaban.Ako na lang ang lalaban..naiinip na ako sa panunuod.E kamusta naman kaya ang tatlong naiwan sa baba..pch,malalaki na sila kaya na nila yun..
Nag-unat-unat ako at walang sabi sabi na lumutang at lumipad papunta sa gitna.
"Shin mag-iingat ka!"hiyaw ni Yumi.
Napangiti ako.Itinaas ko ang isa kong kamay bilang sagot ng hindi lumilingon.Nakakatuwa talaga siya.Napakagiliw niya.Kahit mga tagasilbi ng palasyo ay nakikita kong binabati niya.Parang nagkaroon ng buhay ang palasyo nung dumating siya.Madali siyang magustuhan ng kahit sino nga lamang ay sa malaon at madali ay aalis din siya dito sa aming mundo.
Pagdating ko sa gitna ay lumapag na ako sa sahig.Nakalagay ang isa kong kamay sa bulsa ng aking pangbaba.Ang makakalaban ko ay may mahabang dilaw na buhok na nakatali sa likod.Mayroon itong maamong mukha.
Totoo bang ito ang makakalaban ko??Parang napakabait nito para sa isang samurai..ni wala siyang hawak na kahit anong sandata..
At saka..teka..parang may mali sa kanya..Nakatingin siya sa akin pero parang hindi..??mali ang iniisip nyo hindi siya duling..
"Ipagpaumanhin mo kung walang paningin ang iyong makakalaban pero wag kang mag-alala hindi kita bibiguin na bigyan ng isang magandang laban.."
"ANO??BULAG KA?!"
"Oo ganoon na nga."
"S-igurado ka bang lalaban ka sa akin??"hindi makapaniwala kong bulalas.
"Kasing linaw ng tubig sa ilog ng Kashin.."nakangiti nito na sabi sa akin..yung totoong ngiti na walang halong kayabangan o kung ano pa man.
"O di sige.."pagpapatianod ko.
"Ikinararangal kita makalaban ginoong?"
"Shin.."sinabi ko sa kanya ang aking pangalan.
"Ikinararangal kitang makalaban ginoong Shin.."pinagdikit nito ang kanyang mga palad sa kanyang harapan at magalang pang yumukod."Ako naman si Kajiro.."
Eh..paano naman akong makikipaglaban sa kasing bait nito??
"Simulan na natin ang laban.."sumeryoso na ang mukha nito at pumorma para sa pakikipaglaban..ng mano mano?
Teka gagamitan ko ba siya ng hangin?
"Wag kang mangimi na gamitin sa akin ang sandata mo.."tila nababasa niya ang isip ko na sabi..eh..nakakabasa siya ng isip?
"Gagamitin ko sa'yo ang aking sandata kung ganoon.."
Naglabas ako ng madaming hangin na hugis bola at ibinato sa kanya..nailagan naman niya ang mga ito?! Naglabas pa ako ng naglabas ng hangin pero hindi ko siya matamaan.Parang sumasayaw ang katawan niya sa pag-ilag..ang bilis niya! Hindi ko maiwasang mapasinghap.
Paano niya iyon nagawa e bulag siya?Hindi kaya hindi totoong bulag siya?!
"Hahaha!"sa gulat ko ay isang tawa ang pinakawalan niya."Tototong wala akong paningin malakas lang ang aking pakiramdam.."
Kaya naman pala..napailing tuloy ako sa aking naisip..
Sa gulat ko ay nasa harap ko na siya at binigyan ako ng isang malakas na suntok sa mukha! Napaatras ako.Ang bilis niya ni hindi ko man lang nakita na nakalapit siya! Pinahid ko ng likod ng palad ang dugo sa gilid ng aking labi..
Muli siyang umatake na nailagan ko naman.Umatake din ako sa kanya.Nagpakawala ako ng sunod-sunod na suntok pero hindi man lang ako makatama sa pagkairita ko..grr! Ginamitan ko din siya ng hangin pero wala pa din! Pero nung siya ang umaatake ay ilang tama na ang natatatangap ko! Nakita ko na lang ang sarili ko na sumadsad sa sahig sa lakas ng sipa niya! Takte!
BINABASA MO ANG
Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]
AventureNakarating ka na ba sa isang lugar na libre ang lahat? Subaybayan ang magulo at mahiwagang buhay pag-ibig ng isang dalaga na napadpad sa isang lugar na tinatawag na Muryou Empire o mas kilala sa tawag na Emperyo ng Libre.. Lahat ng bagay dito ay ma...